Thursday, June 29, 2006

Pareho Lang ang Polar Bear at Tao

Aminin natin, kaya natin nagagawa ang isang bagay eh dahil namomotivate tayong gawin yun. Gaya ng pagluto ng noodles, di ba kelangang motivated ka nun. Pag di ka magluluto, wala kang noodles. At pag wala kang noodles, wala kang kakainin. At kung wala kang kakainin, wala kang pera. :P

Sa mga lalake naman, pag interesado ka sa isang babae, siyempre, motivated ka. Papasipsip ka, papakabait ka, papa-gentleman ka, o kahit anong ek-ek pa ang pwede mong gawin basta mapasagot mo siya kahit na suntok sa buwan. Pwede kang magpakalbo dahil gusto ng girl ng kalbo. Kung gusto naman niya ng tricycle driver, magiging tricycle driver ka. Pag floor manager naman ang mga tipo niya, kahit na magpakahirap ka na eh gagawin mo ang lahat di ba?



Isa pa to, alam niyo ba na ang mga polar bear ay naglalakbay ng napakalayo sa habitat nila para lang makipagtalik? Alam niyo naman sa mga polar regions di ba? Konti lang ang nabubuhay dun. Kumbaga, ilang beses lang pwedeng makipagtalik ang isang lalakeng polar bear sa buhay niya. Ang ginagawa ng mga polar bear eh sinusundan nila ang amoy ng ihi ng babae (PLEASE DON'T TRY THIS AT HOME) hanggang matagpuan nila. Kahit ilang milya, kahit na hindi sila kumain, kahit na mabawasan ang timbang, basta marating ang babae, gagawin nila. At dahil lang para mapalago ang kanilang species, in short, para makipagtalik.

Napanood ko yan sa National Geographic. May nangyari pa nga sa ari ng lalakeng polar bear eh. Kung gusto niyong malaman, just ask me.

Ganyan katindi ang mga polar bear. Basta makarating lang sa gusto nilang puntahan, eh gagawin nila ang lahat. Para lang marating ang babae, maglalakbay sila ng napakalayo. Ang sweet talaga ng polar bear. Sana maging polar bear na lang mga lalake.

Gaya din ng tao ang polar bear. Dahil sa gusto mong marating ang gusto mong marating, lahat ng energy, lahat ng determinasyon, kapal ng mukha eh gagawin mo. Tama ba ako?

Which leads us to the this entry... Ano nga ba ang mga pwede nating gawin para tayo eh ma-motivate?

Ipapaalala ko lang na kaya ko ginawa tong entry na to eh dahil gusto kong maengganyo ang mga ibang nursing student na i-motivate ang sarili kahit na bagsak lagi sa mga post-test, quiz, major exams... Tamaan huwag magalit. (ADUY!)

CREATE A VISION

Hindi ko na yan tinagalog. Mahirap i-translate eh.

Ang ibig lang sabihin niyan, pag gusto mong marating ang isang bagay, make a vision of that. Kunwari, gusto mong maging isang engineer; gumawa ka ng vision mo sa buhay na magiging engineer ka - by hook or by crook. Siyempre, be realistic din. Kung nursing ang course mo at gusto mong maging engineer, eh ewan ko lang kung ano ba talaga gusto mo sa buhay.

Isang example. Si Arnold Schwarzenegger (tamang spelling?). Naging flop ang una niyang movie. Ibig sabihin, hindi siya box office hit. Siyempre, try to imagine the guy. He is BIG, katawan pa lang eh monster na. Pang incredible hulk ba. And with an Austrian accent. At siyempre, kahit anong gawin nating kaiimagine eh hinding-hindi niya magiging kamukha si Tom Cruise o si Brad Pitt o si Mark Herras o si Chitae. Pero nung na-interview siya, tinanong siya kung anong gagawin niya after nag-retire sa body building. Ang sinagot niya?

"I'm going to be the number one box office star in all Hollywood!"

Hanep sa vision ang idol nating si Arnold. Flop na nga ang una niyang movie, nag-ambisyon pa na magiging box office star siya. Tindi ng confidence!

Sabi pa niya:

"What you do is create a vision of who you want to be and leap into that vision as if it were already true!"

At sabi pa niya:

I'll be back!

O di ba astigin talaga si Kuya Arnold. Tignan niyo naman ang narating niya. Isa na siyang box office hit sensation, ilang milyones na ang nakalap sa mga movies niya at politician pa siya ngayon.

Ikaw din kaya mo yun. Kung ano ang gusto mong marating, i-picture mo na sa isip mo yun. At lahat ng energy, momentum, friction, reflection, joules, watts, speed mo, gamitin mo para marating mo ang gusto mo sa buhay.

Believe in that vision.

Upside Down





I took this picture when I was in Baguio just last week. It was a peculiar site since I never saw a moth in an upside down position before. And this one is black. So, it struck me. And it was big.

By the way, if you'd like to know the difference between a moth and butterfly, click HERE.

Pasta ala KT



No, I am not turning this blog into a recipe website.

Gusto ko lang i-share ang recipe na 'to sa inyo. Kasi masarap ayon sa panlasa ko. At isa pa, pampagising ng dugo kasi maanghang.

Ingredients:

  • Pasta - mga 1/4 kilo sa isang Century Tuna can
  • Century Tuna Hot and spicy
  • 1 red bellpepper
  • cheese
  • onion
  • garlic
  • pepper

How to cook:

1. Prepare the ingredients: garlic, onion, bellpepper - diced
2. Cook the pasta until it is soft (but not too soft). Make sure to add a little cooking oil to the water to prevent the pasta from sticking to each other.
3. Drain the water and set aside.
4. Saute garlic, onion until golden brown.
5. Add bellpepper.
6. Add tuna.
7. Add pepper.
8. Mix the pasta with the sauted ingredients then add cheese.

That's about it. Simple and easy to prepare di ba :)

Tuesday, June 27, 2006

RA Gapuz Review Books



I got hold of R.A Gapuz' book ABCs of Psychiatric Nursing last semester. And I can affirm that this book really helped with remembering and dissecting the important facts about psychiatric nursing. I liked the format of the book because, it was concise. It did away with the long paragraphs and difficult to remember medical terms. I read it in one day and recommended it to my classmates. We learned a lot from this book. Aside from the concise facts presented, there are questions that follow. The book presented CBQ (Common Board Questions) and answers, as well as their rationales. Every quiz or exam, my classmates and I would take turns asking each other questions from the book. Know what, we did well in Psych.

I'm not saying you will pass just by reading this book. It's just that, it helped us remember the most important things and all we had to do was supplement our readings with other books. I'm sure, it will do that for you too.

R.A. Gapuz' other book,The ABC's of Maternal and Child Nursing is another book I purchased a few days ago, and again, it is concise and straight to the point. The most basic and important things are spelled out here. All I have to do is to back up my readings with another book to further expand my knowledge on the topics discussed.

You can see his other books in the official website of the review center where you can also purchase his other books.

Monday, June 26, 2006

BlogLinker

Bloglinker is an automatic link swapper and traffic generator. It makes use of automatic reciprocal linking.

HERE'S HOW IT WORKS.

1. Sign-up to blogLinker then copy the special line of code into your weblog

2. Add links from blogLinker and see them appear in your blog. For example, after logging in, click EDIT YOUR LIST. Here, you can add sites that you want to link to in an easy to fill up form.

3. If you link to a member of blogLinker, that member will AUTOMATICALLY link back to you!

Kontra-B.O.

Yan ang bagong programa ng MMDA Chairman na si Bayani Fernando. At pano niya to gagawin?

Sa programang ito, parang sinabi ng MMDA na ang mga driver ng mga PUV sa Manila eh mababaho at may BO. Parang na stereotype tuloy ang mga driver. Siyempre, alam kong may sariling opinyon ang mga driver. Merong naiinis, merong gustong-gusto, merong okay lang, at meron ding dedma.

Nabalita noon na nagbibigay ng free tawas ang MMDA sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan noong nakaraang buwan. Ito daw ay ginagawa nila para malabanan ang amoy ng mga driver na di kanais-nais.
Read more...

Naalala ko nanonood ako ng Unang Hirit sa GMA nun at binalita na ganun nga. Hiningi ni Love and opinyon ng isang jeepney driver. Hindi natuwa ang driver sa nasabing programa at sabi niya na pera na lang ang ibigay. Hm... may punto siya dun.

Kanina naman, nakasakay ako sa Victory nang ibalita na ngayon nagbibigay naman sila ng lotion at shampoo YATA yun. Vaseline pa yata. Anong ngiti ko :P

Sabi ko sa sarili ko, sana gawan niyo na lang ng paraan ang trapik kesa magbigay kayo ng mga ganyan na sigurado akong ibibigay lang nila sa mga asawa o anak. Minsan pa lang ako nakaranas ng driver na may BO. Halos maduling ako at muntikan na mahimatay sa lakas nito. Pero wala akong magagawa dun. Siguro, dahil sanay na siya sa amoy niya, hindi na niya naiisip kung ano ang maaamoy ng iba.

Hindi ko naman sinasabing mali ang MMDA sa programang ito, pero siguro, mas mainam na tignan na lang nila ang mga ibang mas importanteng issue. Priorities, ika nga. At hangang hanga ako sa MMDA Chairman dahil kahit na maraming batikos sa kanya, tuloy pa rin ang trabaho at mga programa. Kung minsan kasi, naghahanap tayo ng taong masisisi sa mga maling nangyayare sa Pinas. Pero kung tutuusin, tayo rin lang ang dapat masisi. Reklamo nga tayo ng reklamo, pero wala naman tayong ginagawa para mabigyan ng solusyon mga problema natin.

Sana nga maging matagumpay ang programa ng MMDA kontra-BO.

Sunday, June 25, 2006

ENTER MY SOUL

What Your Soul Really Looks Like
You are quite expressive and thoughtful. You see the world in a way that others are blind to.
You are not a very grounded person. You prefer dreams to reality. For you, it's all about possibilities.
You believe that people see you as larger than life and important. While this is true, they also think you're a bit full of yourself.
Your near future is a lot like the present, and as far as you're concerned, that's a very good thing.
For you, love is all about caring and comfort. You couldn't fall in love with someone you didn't trust.
Inside the Room of Your Soul

Fourth Year BLUES

Fourth Year na ko?

Wow. Parang kelan lang. Nagva vital signs ako sa napakaraming pasyente. Parang kelan lang sinasabunutan ko ang sarili ko dahil hindi ko mamemorize and pathophysiology ng pelvic inflammatory disease na kelangan ko sa case presentation ko. Parang kelan lang eh nagre return demo lang ako ng skin test na muntikan ko ng ikahimatay nung ako ang iniskin-test. Parang kelan lang nung una akong nakakita ng isang surgical incision sa pasyente ko at nag-faint ako.
Read more...

Pero... parang wala pa rin akong alam tungkol sa nursing. Sige, medyo meron. Konti lang.

Kanina, nagkaroon kami ng diagnostic test sa seminar namin. Nakuha ko?

28/50. Pasado? Hindi. 75% of 50 daw dapat.

Hindi naman ako nagpapatalo sa ganitong store. Unang una, ibig sabihin niyan, may laman ang utak ko na tungkol sa nursing. Maliban sa blogging, sa gadgets, sa poetry, sa mga computer, sa malls, meron at meron din pala akong natagong stock knowledge. Woohoo!

Imbes na matuwa ako at nakahantong na ako sa huling landas ng college life ko, napaisip pa ako lalo. Kanina ginising ako ng teacher ko sa seminar sa katotohanan.

Maghanda na ako para sa board exam.

Pag naiisip ko ang board exam, halos di ako makatulog (salamat sa kape). Parang hindi pa sapat ang nalalaman ko tungkol sa nursing. Andaming sakop ng course ko, hindi ko alam kung san magsisimulang mag-review.

Strategy ko?

Mag-aral. Mag-aral. At mag-aral.

Ibabaon ko ngayon sarili ko sa pag-aaral at pagbabasa (at kaunting blogging). Hindi dahil gusto kong maging top notcher, na sa tingin ko, isang panaginip lang, kundi para pumasa. Natatakot ako na pag dumating na ang panahon para ibigay ang mga resulta ng board exam at hindi ako nakapasa, madidismaya ang magulang ko sa akin.

Siguro pag nangyari yun, magtatago ako sa isang islang malapit sa Batanes group of Islands para magtago at umiyak sa kahihiyan. At uminom ng buko.

Kahit na apat na lang ang subjects ko ngayon, may kaba pa rin ako. Dapat maipasa ko lahat ng ito para makagraduate. Dapat maipasa ko ito para magkaroon ako ng mukhang ihaharap sa magulang kong napakalaki na ng gastos sa pag-aaral ko.

Pagkatapos ng nursing...

Hmm...

San ako papunta?

Sa isang hospital?

Isang private clinic?

Marami akong kakilalang grumaduate ng nursing, nakapasa sa board, pero walang trabaho. Meron din akong mga kaibigan na sa halip na nursing ang propesyon eh nagiging med rep o nagiging sales girl. Wala akong say dun kung yun ang gusto nilang gawin pero sa mga kaibigan kong yun, wala daw kasi silang ibang trabahong mahanap. Kawawa naman.

Kaya ngayon... san nga ba ako patungo?

Ano ang English ng Bugaw

Ayon sa blogthings.com, ang PIMP name ko ay Suede Money. Astig naman yan. Pangalan pa lang mukhang mayaman na ako. Wakoko!

Ano nga ba ang PIMP kapatid? Sinaliksik ko ang web tungkol sa PIMP at ito mga nahanap ko:

  • P.I.M.P - abbreviation daw yan ng Person Into Marketing Prostitutes. aka bugaw.
  • one who brokers the sexual favors of women for profit
  • A pimp is a prostitute's manager claiming they will protect the prostitutes from harm and ensure them profits.
Pag ginamit yan sa isang sentence:

This little pimp went to the market. This little pimp went home. This little pimp sold five women. This little pimp sold none.

Repeat it with me. :P

Wanna know your PIMP name? Get it here.

1950's Name

Wow, Glenda Wilma pala ang name ko pag sakaling nakatira ako sa mundo nung 1950's. Yan ay ayon sa blogthings(dot)com. Ikaw anong name mo? Try mo dito.

What Cofee Are You?

Ito pa, isa pa.

So, ano nga bang kape ako. OO aminado akong adik ako sa kape.

Wow. Espresso pala ako. Sosyal.

Di pa ako nakatikim nun.

You Are an Espresso

At your best, you are: straight shooting, ambitious, and energetic

At your worst, you are: anxious and high strung

You drink coffee when: anytime you're not sleeping

Your caffeine addiction level: high

36% Abnormal

Ito na naman ang isang test na kinuha ko sa blogthings.com. Ewanko kung bakit ko trinay ang test na ito. Grabe... somewhat likely that I have no soul pala. Patay tayo diyan. Pano na meeting namin ni San Pedro?

Salamat diyos ko at hindi pa ako abnormal. Sana hanggang sa ganyang porsyento na lang po.

You Are 36% Abnormal

You are at medium risk for being a psychopath. It is somewhat likely that you have no soul.

You are at high risk for having a borderline personality. It is very likely that you are a chaotic mess.

You are at low risk for having a narcissistic personality. It is unlikely that you are in love with your own reflection.

You are at medium risk for having a social phobia. It is somewhat likely that you feel most comfortable in your mom's basement.

You are at low risk for obsessive compulsive disorder. It is unlikely that you are addicted to hand sanitizer.

Ang Personality Ko

So, heto na naman ako, walang magawa sa buhay. Bloghopping maghapon.

Napadaan ako sa site na ito. World's Shortest Personality Test

Wow. Get Get Awww!

So heto ang resulta... Nakakabilib nyahaha

Your Personality Profile

You are nurturing, kind, and lucky.
Like mother nature, you want to help everyone.
You are good at keeping secrets and tend to be secretive.

A seeker of harmony, you are a natural peacemaker.
You are good natured and people enjoy your company.
You put people at ease and make them feel at home with you.


Maniwala ka man o hindi. Yan ang sabi niya eh :P Belat

Saturday, June 24, 2006

Creating Favicons From Your Pictures

What's a favicon anyway?

Favicons or page icons are icons associated with a certain website. As you can see from my favicon, you can see an edited picture of myself located next to the address of my website. This gives it a personal look. When you go to the main page of Blogger, you can see it's orange icon next to the address.

Although some sites offer a paid service to make your favicons. I've stumbled on a free service. Visit the site here

HTML Kit is a site for web developers that offer not only favicon from pics service but other services too like online image splitter, buddy icon from pics, and more. With a few clicks, I got my favicon up and running for my site. You should try it. It's easy and quick.

Just choose an image from your computer then click generate favicon. That's about it.
Once you have made your icon from the site, a zip folder will be available for download containg the image of your icon. This folder also contains a readme file that provides intructions on how you can put this on your blog. Then, you incorporate thefavicon.ico file on your blog template between the of your template. And there you have it, a favicon just for your blog. Good Luck!

Friday, June 23, 2006

Ang Legal na Droga

Malimit ay naka-inom ka na ng kape. Ito nga pala ang most widely consumed stimulant sa balat ng lupa. Kaya magpaka-high ka na. Bakit drug ang kape? Dahil isa siyang stimulant. Ibig sabihin, iniiwasan niyang antukin ka at gagawin kang mas alerto. Kaya ito ginagamit ng mga nagre-review(at addict sa computer tulad ko)... Para magising.

Pero hindi ang pagpapa-high ang gusto kong talakayin dito. Naisip mo na ba kung ano talaga ang KAPE?

Read more...


Pwes, basahin mo to.

Ang nilalaman ng kape ay ang chemical na caffeine. Ito ang pinakamalakas na component ng kape. Nung 1820 nadiskubre ang caffeine ni Friedrich Ferdinand Runge, isang German.


Ang chemical name ng CAFFEINE eh 1,3,7-trimethylxanthine. Bahala ka ng mag-pronounce yan.

Ang chemical formula naman niya ay C8H10N4O2.


Ibig sabihin niyan, ang caffeine ay naglalaman ng walong carbon, sampung hydrogen, apat na nitrogen at dalawang oxygen. Ganyan kadaling intindihin ang mga chemical formula. :P

Nung una akong nakakita ng caffeine sa laboratory class ko nung nag-aaral pa ako ng pharmacy, nagulat ako dahil puting crystalline powder siya. Akala ko brown siya agad. Pero (toink) naisip ko component lang pala ang caffeine. Hindi siya mismong kape.

Maraming pagkukunhan ng caffeine. 60 na halaman ang meron nito. Pag sa halaman, isa siyang natural na pesticide. Pag may lalapit na insekto sa halamang yun, mapaparalisa at mamatay yung insekto. Ganun katindi ang caffeine.

Maliban sa kape, meron ding caffeine ang softdrinks, energy drinks at tea. Pag uminom ka ng isang Red Bull, may laman itong 80mg na caffeine. Sa ngayon, meron na ring tinatawag na CAFFEINE PILL. Isa siyang gamot na ginagamit para labanan ang antok. Ang mga gumagamit nito ng madalas ay mga estudyante, mga truck drivers, at mga taong nagpapakapuyat mag-blog. :P

Pero, may mga namatay na dahil sa kaiinom ng pill na to. Meron isang estudyante sa North Carolina, USA ang namatay dahil sa pag-lunok ng 90 na pills. Hindi ko alam kung trip niya lang o walang instant coffee sa lugar nila at naisipan niyang lunukin lahat yun. Ibig sabihin nito, uminom siya ng 250 na tasa ng kape. Ayun, tegok.

Ngayon kung nasanay ka sa kape at bigla mo itong ititigil, magkakaroon ka ng withdrawal symptoms gaya ng sakit ng ulo, pagkahilo, pagka-irita at pagiging nerbyoso.Sa mga grabeng kaso, pwede itong humantong sa depression. Pwede ring mawala ang motivation ng tao para makumpleto ang mga dapat niyang gawin sa buhay niya. Hindi na rin siya makaka-concentrate. Pag nasobrahan ka sa kape, ang tawag dito ay caffeine intoxication. Kaya, hinay-hinay lang sa kape. (I should follow my own advice)

The Baguio Cathedral




These pictures were taken with an N90 phone last May 31,2006.

SM Mall of Asia Part 2





Another set of pics taken in SM Mall of Asia...

SM Mall of Asia Part 1






As I have mentioned in one of my blogs, I decided to add all my entries from my other blogs here at KT. So, this is the first installation of the transfer :)

Let's start with pictures from SM Mall of Asia. This was taken in May 29, 2006. Images are of 'ok' quality. I took these pictures with a camera phone.

We were in the South Wing of the mall, overlooking Manila Bay. It's one of the best places I've been since I stayed here. My eyes feasted on the Manila Bay (it's also my first time to see it). Air was brushing on my face and for the first time, I was able to breath (almost) clean air.

I've heard that the IMAX theaters are already open. I hope I can watch a movie there sometime. Hmmm... wonder how much it will cost...

The mall is huge. With that name, one can expect nothing less. Botiques are spacious but restaurants seem too small for the masses that flock there.

Overall, it's a great mall. Huge shops. Unfortunately, me no money to shop :P

Thursday, June 22, 2006

Keyboard Thoughts CRIB

Living alone here in Manila is such a drag. Aside from my saliva and vocal cords not being utilized most of the time, I have encapsulated myself in a world around my computer, my blog, my studies, my coffee and my mug. I might sound like a hermit but I do go out. I miss Baguio and my family terribly. Back at home, I had it all coming to me... I didn't need to lift a finger. Right now, it's different. Very.

Now I know how it feels to be alone in a different place. This is still the Philippines but I just feel so alone and lonely. I wonder how I'll fair when I get to work abroad.

The pictures shows snapshots in my apartment. As you can see, it appears blank aside from the furniture.

I've learned so many things since I started living alone in an apartment here in Manila. While washing machines do the laundry for me back in Baguio, I have to do mine manually. I had to experiment on different detergent brands that's right for my clothes (and pocket) and which I found very effective.

Also, I learned to feast on noodles. Name any noodle and I am quite sure I've tried it. I can imagine the content of my stomach right now. No wonder I've gained so much weight. I also learned to waste my money on delivery services by fast food chains which are just a phone call away :P I've also tried experimenting on dishes to cook since I started staying here in Manila.

I also have to wash dishes, clean the bathroom, sweep the floor, dust the TV...

Floods are common here and I had to get used to that. For the first time in my life, I had to walk through flood water just to get to school or go home. I remember one time, there was a sudden rain fall, and I had to wait in the sari-sari store for an hour before I can go back home. Flood waters reached up to my waist.

I just have to get used to it though. While independence was my dream before, my situation right now reminded me of my family and how important they are to me.

Kennon Road - The Scenic Road to Baguio

Taken this June while on our way to Manila. After so many years of traveling to and from Baguio, this is the only time that I'm passing through Kennon again.

I remember when I was a child, my whole family will go to Pangasinan via Kennon Road. With it's twisting roads, one can appreciate the beauty that surrounds it. Although road conditions are far from Marcos Highway, it's still a safe road to travel in. It usually gets foggy here thereby causing poor visibility.

Sadly, I wasn't able to stop at the Lion's Head. Shops are undergoing renovations there.

Aside from being the fastest route from Manila, Kennon has its part in Baguio's history. It was completed in 1903 and was named after US Army Colonel Lyman Kennon. It was heavily damaged during the earthquake of 1990.

First Day High

Ngayon ang start ng regular classes namin. Dapat last week pero, dineklara ko ngayon dahil ngayon lang ako pumasok. :P

As usual, masikip pa rin sa classroom, walang aircon, at pawisin pa rin ako. Mahirap talaga dito sa Manila, kaliligo ko pa lang, pawis na ako. Nakakamiss tuloy sa Baguio.

Ano ba ang bago ngayon... Ah, 100 plus kami sa classroom namin. Kulang ang space siyempre. May quiz kaagad. Pinabasa ang buong Chapter 2 sa loob ng 30 minuto then shoot na! Quiz na!

24/45 ako.
Bagsak.
75% daw ng 45 ang pasado.

Siyempre, nakakita na naman ako ng mga nagbebeso-beso na parang sampung taon na silang di nagkikita.

"AAAAAYYYYY kumusta na friendship... Miss kita friendship... Ano, pumayat ka na ba? May asawa ka na ba...," sabi ng isa kong classmate sa isa ko pang classmate na kapwa naghahawakan na excited na excited.

Hindi ko mawari kung san sila nae-excite. Baka naiihi lang sila.

Ako, walang bumeso sa akin. Una, dahil hindi ko kelangan ang beso-beso para mabati ng classmate. Pangalawa, hindi ko ritwal yun. Okay na sa akin ang hello, kumusta, enya ngay (ilokano). Siguro nadidiri lang sila sa mukha ko kaya hindi ako binebeso-beso. Masyado kasing magrasa.

So, as usual, nasa likod pa rin ako ng classroom ko. Kinapalan ko na lang ng mukhang humiram ng libro sa di ko kilalang classmate. Buti pinahiram ako. Effective talaga ang mga Colgate (ubo) smiles.

Meron din kaming classmate na taga-China. Ako ang nag-check ng paper niya. Kaya pala nung tinanong niya ako kung ilan ang nakuha niya, umingles siya. Kala ko naman kaartehan na naman. George ang name niya. Siyempre, tumahimik na lang ako. Baka makaranas pa siya ng bagsik ng Ingles ko. Ubo! Ubo! Joke lang.

Lesson namin, tungkol sa Profession. Tinanong ng teacher namin kung ang pagiging prostitute daw ba ay isang profession. Maraming kuro-kuro. Maraming debate.

Ako? Tahimik lang.

Pero sa loob ng isip ko, naglalaro na ang mga ideya at theory ko ukol sa tinapong question sa amin.

Siyempre, may mga nagdebateng classmate ko. Terrific english. Meron din namang walang kwenta ang sinasabi. Tahimik lang ang professor namin. Ako, tumatalon na ang puso. Gusto ko naman mag-recite. Pero nauna ang kabog ng dibdib ko kaya di ko nakayanang mag-recite.

Andaming paulit-ulit na sinasabi ng mga nagdedebatehan. Maraming hiyaw at palakpak.

Ako? Tahimik lang. No comment.

Wednesday, June 21, 2006

Philippine Military Academy Part 2

These images were taken with an N70 camera phone and a Samsung D600. What I notice between the Samsung D600 and Nokia N70 is that Samsung takes great pictures both outdoors and indoors. Take the picture of the pine trees, this was taken with a Samsung D600. When I tried taking this with an N70 phone, the image was dark and blurred. And so, I tried again, but got the same results. What I do not like about the D600 is the delay when taking pictures.

PMA is such a lovely place to unwind. So quiet and serene.

Philippine Military Academy Part 1








These pictures were taken from my recent visit to PMA, Baguio. As you can see, much has changed but not its beauty. It was foggy that afternoon and I can only wish my camera phone will do the magic. Pictures turned out fine I guess... Much of the pictures here were taken in the Relics Point near the entrance. The relics point showcased a variety of tanks and artillery.

Tuesday, June 20, 2006

Dalmatian Nursing Student


Umuulan na naman. Kumukulog. Kumikidlat. Lahat na naman ng labada ko tumakbo papasok ng apartment ko. Ngayon na nga lang ako naglaba, ngayon pa uulan.

Hay. Nakakatamad tuloy pumasok sa duty. Sigurado ako pagdating ko sa hospital, isa na naman akong dalmatian dahil sa patak ng putik at tubig sa uniform at stockings ko. Sigurado ako, may mini-baha na naman papuntang hospital. At mababasa na naman sapatos kong kay tagal kong nilinisan kanina.

Ilang beses na akong nadumihan pag pumapasok sa school na naka nursing uniform. Madalas akong tanungin ng mga kaklase kung bakit madumi yung likod ko.

EEEEEWWWWW, what's that?, sabi ng classmate kong perpektong plantsado ang uniform.

Hindi ko rin mapaliwanag dahil hindi ko alam kung san nanggagaling ang duming yan. Nilalabhan ko naman mabuti. Ang mahal pa nga ng detergent na gamit ko. Natatanggal naman pero pagdating ko sa school eh andun na naman ang linya-linya ng dumi sa likod ko. Gusto kong lagyan ng white ink para permanenteng di na ako mapapahiya sa mga kaklase ko.

Nakakainis din pag umuulan dahil pumapatak ang putik at tubig sa stockings ko. Para tuloy akong nagbabad sa fountain ng Market Market. Feeling ko magnet ako ng dumi at putik pag umuulan. Kahit na pilit kong dinadahan-dahan ang paglakad ko, meron at meron pa ring spots ng dumi. Dapat daw mas mabagal pa sa pagong kung maglalakad ako sa ulan, ika nga ng isa kong classmate na spotless ang uniform pagdating sa school kahit na baha. Kung minsan namamangha na lang ako sa kanya.

Sana may giant umbrella na lang ako para di ako mabasa. Kelan kaya makakaimbento ang tao ng rain-shield. Kung san nasa loob ka ng isang higanteng lobo at di ka nababasa sa patak ng ulan. Siguro maphe-phase out na mga payong pag nangyari yun.

Tinatamad talaga ako. Sana dito na lang ako sa harap ng computer ko buong maghapon. Para magsulat ng magsulat (o mag-type ng mag-type). Ang sarap matulog. Ang sarap mag-kape. Sana tumila na ang ulan.

Ayaw ko ng maging dalmatian.

Monday, June 19, 2006

Ang Daing ng Estudyante

At last! Natapos na rin ang enrolment ko. Pagkatapos ng mahahabang linya, katatayo at pamamaypay, nakuha ko na rin ang inaasam kong registration card. Salamat Diyos Ko at ako'y inyong pinagbigyan ngayon.

Number 73 ako sa pila kanina. Hindi ko mawari kung bakit napakabagal ang paggalaw ng linya. Hindi ko alam kung may nangyayare nga bang enrolment o sadyang break lang ng break ang mga encoder. Pulang-pula na ang paa kong katatayo. Sana hindi na lang ako nag-sandal para hindi nakakahiyang ipakita paa ko.

Naiinis din ako kanina dahil napaka-ingay ng katabi ko sa linya. Hindi ko man sinasadyang makinig sa kwento niya eh nakinig na rin ako. Kinekwento ng babaeng yun sa kaibigan niyang kasama niya sa linya kung gano siya kamahal ng BF niya at kung ilang months na siya delay. Tingin ko hindi lang ako nakakarinig sa kanya dahil ang lakas ng boses niya. Kulang na
lang mag megaphone siya sa pilaan ang tumawag ng pasahero - ala konduktor. Natatawa na lang ako at masaya siyang binubulgar yun. Napatunayan niyo na ring tsismosa ako.

Apat na araw na akong nakapila para sa Registrar's. Wala akong pasensyang pumila na dalawang beses umiikot sa building. Pero ngayong araw na 'to, kelangan na. Kahit na lumabas na mga varicose veins ko. Napakahirap talaga pag walang proseso. Pag walang sistema. Estudyante ang nahihirapan.

Buti na lang kasama ko ang cellphone ko at ang Stainless Longganiza ni Bob Ong. Kanina, nakikibasa yung isa ko pang katabi. Sa sobrang lapit niya sa akin, alam kong may sibuyas ang almusal niya.

Ang tapang din ng mga guard kanina. Eh anong magagaw ko kung hindi ako kasya sa mga bench na pang-apatan. Tatlong lalake ang nakapila bago
sa akin at ang lalaki nila. Pano magkakasya ang pwet ko sa bench? Kaya siniksik ko pwet ko dun, maipit man sila o hindi. Tuloy pa rin ang chikahan ng mga katabi kong babae. Pinagkwekwentuhan naman nila kung gano kagwapo kung isang lalake na nakikita nila. Sinubukan kong hagilapin ang tinutukoy na lalake. Wala akong makita. Sadyang wala lang siguro akong taste sa tunay na 'ganda' ng lalake.

At last nakarating din ako sa Window 1.

"Ma'am, good morning po" - naks. Magalang.

"Ma'am, mag-eenrol po ako ng 105."

"Bakit ngayon ka lang nagpa-enrol?"

"Kasi Ma'am, hindi po lumalabas yung binayad kong excess nung summer kaya hindi po ako masection..."

Habang nagtatype yung babae, bumuo ang utak ko ng dapat kong sinabi. It goes something like this: "E panu ba naman, bulok na yata server niyo! Sobra-sobra na nga nabayad ko sa inyo tapos hindi makita sa computer niyo! Ok naman pala kayo eh! Inuuna niyo pera bago ako mabigyan ng section! %&**^%^$$#" Ngayon nagsisisi ako di ko yun nagawang sabihin. Kulang lang sa lakas ng loob at gusto kong magpakabait dahil graduating na ako. :)

Pagkakuha ko ng reg card ko, halos mapatalon ako sa saya. Gusto kong halikan at i-laminate yung reg card ko. Pero siyempre, pa-demure ako. Pa-simple. Pa-cool. Pero di nila alam, tumatalon na puso ko sa tuwa.


Pang apat na araw ng pila. Ngayon pa lang ako naka-enrol. Ganyan ang buhay estudyante. Pag di ka pipila, di ka makakarating sa iyong paroroonan.


Hmmm... Ok pa naman ang paa mo... Kaunting varicose veins lang... Di ka pa mamatay...

Just For Today


I just got back from Baguio. I must say it's really hard leaving that place. It's so beautiful. Not to mention, I don't have to wipe my face so much because of endless perspiration. I've also updated my blog and gave it a new look. I hope I can cram writing into my very busy schedule. I will upload new photos in my photo blog within this week.

Right now, I have to get me some nap. Enrolment is such a dread.

Image caption: A bird's eye view of the vegetable farm near our house.Taken with an N70 cellphone. Nothing beats a trigger happy moment.