Monday, June 19, 2006

Ang Daing ng Estudyante

At last! Natapos na rin ang enrolment ko. Pagkatapos ng mahahabang linya, katatayo at pamamaypay, nakuha ko na rin ang inaasam kong registration card. Salamat Diyos Ko at ako'y inyong pinagbigyan ngayon.

Number 73 ako sa pila kanina. Hindi ko mawari kung bakit napakabagal ang paggalaw ng linya. Hindi ko alam kung may nangyayare nga bang enrolment o sadyang break lang ng break ang mga encoder. Pulang-pula na ang paa kong katatayo. Sana hindi na lang ako nag-sandal para hindi nakakahiyang ipakita paa ko.

Naiinis din ako kanina dahil napaka-ingay ng katabi ko sa linya. Hindi ko man sinasadyang makinig sa kwento niya eh nakinig na rin ako. Kinekwento ng babaeng yun sa kaibigan niyang kasama niya sa linya kung gano siya kamahal ng BF niya at kung ilang months na siya delay. Tingin ko hindi lang ako nakakarinig sa kanya dahil ang lakas ng boses niya. Kulang na
lang mag megaphone siya sa pilaan ang tumawag ng pasahero - ala konduktor. Natatawa na lang ako at masaya siyang binubulgar yun. Napatunayan niyo na ring tsismosa ako.

Apat na araw na akong nakapila para sa Registrar's. Wala akong pasensyang pumila na dalawang beses umiikot sa building. Pero ngayong araw na 'to, kelangan na. Kahit na lumabas na mga varicose veins ko. Napakahirap talaga pag walang proseso. Pag walang sistema. Estudyante ang nahihirapan.

Buti na lang kasama ko ang cellphone ko at ang Stainless Longganiza ni Bob Ong. Kanina, nakikibasa yung isa ko pang katabi. Sa sobrang lapit niya sa akin, alam kong may sibuyas ang almusal niya.

Ang tapang din ng mga guard kanina. Eh anong magagaw ko kung hindi ako kasya sa mga bench na pang-apatan. Tatlong lalake ang nakapila bago
sa akin at ang lalaki nila. Pano magkakasya ang pwet ko sa bench? Kaya siniksik ko pwet ko dun, maipit man sila o hindi. Tuloy pa rin ang chikahan ng mga katabi kong babae. Pinagkwekwentuhan naman nila kung gano kagwapo kung isang lalake na nakikita nila. Sinubukan kong hagilapin ang tinutukoy na lalake. Wala akong makita. Sadyang wala lang siguro akong taste sa tunay na 'ganda' ng lalake.

At last nakarating din ako sa Window 1.

"Ma'am, good morning po" - naks. Magalang.

"Ma'am, mag-eenrol po ako ng 105."

"Bakit ngayon ka lang nagpa-enrol?"

"Kasi Ma'am, hindi po lumalabas yung binayad kong excess nung summer kaya hindi po ako masection..."

Habang nagtatype yung babae, bumuo ang utak ko ng dapat kong sinabi. It goes something like this: "E panu ba naman, bulok na yata server niyo! Sobra-sobra na nga nabayad ko sa inyo tapos hindi makita sa computer niyo! Ok naman pala kayo eh! Inuuna niyo pera bago ako mabigyan ng section! %&**^%^$$#" Ngayon nagsisisi ako di ko yun nagawang sabihin. Kulang lang sa lakas ng loob at gusto kong magpakabait dahil graduating na ako. :)

Pagkakuha ko ng reg card ko, halos mapatalon ako sa saya. Gusto kong halikan at i-laminate yung reg card ko. Pero siyempre, pa-demure ako. Pa-simple. Pa-cool. Pero di nila alam, tumatalon na puso ko sa tuwa.


Pang apat na araw ng pila. Ngayon pa lang ako naka-enrol. Ganyan ang buhay estudyante. Pag di ka pipila, di ka makakarating sa iyong paroroonan.


Hmmm... Ok pa naman ang paa mo... Kaunting varicose veins lang... Di ka pa mamatay...

No comments: