Sunday, June 25, 2006

Fourth Year BLUES

Fourth Year na ko?

Wow. Parang kelan lang. Nagva vital signs ako sa napakaraming pasyente. Parang kelan lang sinasabunutan ko ang sarili ko dahil hindi ko mamemorize and pathophysiology ng pelvic inflammatory disease na kelangan ko sa case presentation ko. Parang kelan lang eh nagre return demo lang ako ng skin test na muntikan ko ng ikahimatay nung ako ang iniskin-test. Parang kelan lang nung una akong nakakita ng isang surgical incision sa pasyente ko at nag-faint ako.
Read more...

Pero... parang wala pa rin akong alam tungkol sa nursing. Sige, medyo meron. Konti lang.

Kanina, nagkaroon kami ng diagnostic test sa seminar namin. Nakuha ko?

28/50. Pasado? Hindi. 75% of 50 daw dapat.

Hindi naman ako nagpapatalo sa ganitong store. Unang una, ibig sabihin niyan, may laman ang utak ko na tungkol sa nursing. Maliban sa blogging, sa gadgets, sa poetry, sa mga computer, sa malls, meron at meron din pala akong natagong stock knowledge. Woohoo!

Imbes na matuwa ako at nakahantong na ako sa huling landas ng college life ko, napaisip pa ako lalo. Kanina ginising ako ng teacher ko sa seminar sa katotohanan.

Maghanda na ako para sa board exam.

Pag naiisip ko ang board exam, halos di ako makatulog (salamat sa kape). Parang hindi pa sapat ang nalalaman ko tungkol sa nursing. Andaming sakop ng course ko, hindi ko alam kung san magsisimulang mag-review.

Strategy ko?

Mag-aral. Mag-aral. At mag-aral.

Ibabaon ko ngayon sarili ko sa pag-aaral at pagbabasa (at kaunting blogging). Hindi dahil gusto kong maging top notcher, na sa tingin ko, isang panaginip lang, kundi para pumasa. Natatakot ako na pag dumating na ang panahon para ibigay ang mga resulta ng board exam at hindi ako nakapasa, madidismaya ang magulang ko sa akin.

Siguro pag nangyari yun, magtatago ako sa isang islang malapit sa Batanes group of Islands para magtago at umiyak sa kahihiyan. At uminom ng buko.

Kahit na apat na lang ang subjects ko ngayon, may kaba pa rin ako. Dapat maipasa ko lahat ng ito para makagraduate. Dapat maipasa ko ito para magkaroon ako ng mukhang ihaharap sa magulang kong napakalaki na ng gastos sa pag-aaral ko.

Pagkatapos ng nursing...

Hmm...

San ako papunta?

Sa isang hospital?

Isang private clinic?

Marami akong kakilalang grumaduate ng nursing, nakapasa sa board, pero walang trabaho. Meron din akong mga kaibigan na sa halip na nursing ang propesyon eh nagiging med rep o nagiging sales girl. Wala akong say dun kung yun ang gusto nilang gawin pero sa mga kaibigan kong yun, wala daw kasi silang ibang trabahong mahanap. Kawawa naman.

Kaya ngayon... san nga ba ako patungo?

2 comments:

~*galenlondeien*~ said...

Pareho pala kayo ng kapatod ko, 4th year Nursing. Nursing daw kasi ang ticket na abroad. Ako nga licensed PT. Sabi yun din ang ticket ko abroad. San ako ngayon? Sa callcenter. Kelangan kasi namin ng pera. Ganyan siguro talaga. Di mo alam kung saan ka pwede dalhin ng panahon.


Just make the best of what you have and what life offers you. (Hirap pala pag puro Tagalog.) Heehee!

Sayote Queen said...

hello :) thanks sa encouragement. Sana nga, lahat e magiging OK. good luck din sayo ha :)