Tuesday, July 04, 2006

Ang Buhay ng Walang Buhay

Sa tingin ko, napaka boring nu buhay ko. Hindi ako lumalabas gano. School - apartment lang ang rota ko araw-araw. Umiikot na lang ang mundo ko sa sarili ko, sa mga labada ko, sa pag-aaral, sa internet at sa WWE. Siguro, talagang may punto sa buhay ng tao na mag-iisip siya kung ano nga ba ang kelangan niyang gawin sa buhay.

May mga kaibigan naman ako. Pero hindi naman ako lumalabas kasama sila. Siguro dahil malayo ang mga tirahan nila kaya ganun. O siguro, dahil ayaw ko lang talagang lumalabas. Mas gugustuhin ko na lang andito ako sa loob ng apartment.

Ngayong araw, wala akong masyadong ginawa. Of course, nagblog hopping na naman ang lola niyo. Nag-experiment sa Photshop. (Side comment: Hirap talaga gamitin ang photoshop. Hirap gamitin ang lasso tool, pen tool.... Lahat ng tool dun hirap kong gamitin.) Uminom ng tatlong baso ng kape. Tinatamad akong kumilos ngayong araw na to. Ewanko ba kung bakit. Siguro ganyan talaga pag walang kasama. At may sipon. At may sore throat...

Paulit-ulit kong pinanood ang mga videos na nakita ko sa Google Videos kahapon. Lalo na yung bata. Ang galing eh.

12 na rin ang bumoto sa blog ko bilang Blog of the Week. Ni kalahati di ko maabot yung leading hehehe. Pero hindi naman big deal sa akin yun. Manalo man o matalo, magsusulat at magsusulat pa rin ako. Kahit na walang bumasa siguro ng mga entries ko (pero sana meron), gusto ko pa ring magsulat.

Ayos! Nagpadala na ang mama ko ng allowance ko. May pambili na ako ng Joy dishwashing liquid at asin.

Natatambakan na rin ako ng labada dito sa apartment. Sana makabili ako ng washing machine. Mag-iipon pa siguro ako sa loob ng tatlong taon kung ibabase ko ang savings ko sa allowance ko ngayon.

Nagagastos ko pera ko sa mga libro eh. Bwisit talaga. Ang mahal. Bakit ba ganon? Kung kelangan na kelangan ng tao, sobrang mahal. Yung mga walang kwenta naman, karamihan eh mabibili mo sa bente pesos. Gaya na lang ng libro sa eskwelahan. Imbes na marami ang makabili ng libro para lalong maging mahusay ang mga Pinoy, eh kaunti lang ang nakakabili. Puro xeros na lang ng textbook galing sa PRC ang pwede nilang bilhin dahil sa kamahal ng libro. Kaya nasasayangan ako pag hindi iniingatan ng isang tao ang mga libro niya.

Napaka-boring ng buhay talaga. Gusto kong lumipad, maglayag, bumiyahe sa isang malayong lugar para aliwin sarili ko. Miss ko na ang mga beaches sa Bauang, La Union. Miss ko na ang Baguio. Miss ko na ang sarili ko.

1 comment:

melai said...

natawa ako dun sa allowance na pinadala ng mama mo ......me pambili ka na ng dishwashing liquid :)



manilenya