Sunday, July 09, 2006

Ang Ebolusyon ng Saplot ng Lalake

Sa naunang entry ko pinag-usapan ko ang undies ng mga babae. Ngayon naman, ang mga undies ng mga lalake. Mas maganda yatang pag-usapan ito dahil mas maraming ebolusyon ang nangyare sa larangan ng kanilang saplot.

Warning!
Gagamit ako ng mga images dito na hindi para sa mga inosente at mga bata. Kaya tumuloy ka pag 18 years old and above ka lang ha. Walang dayaan.

Ako po ay 18 years old pataas ayon sa certified true copy ng birth certificate ko... Peksman! Mamatay man! I swear! Cross my heart and hope to die!

Namumuhay tayo ngayon sa isang komplikadong mundo. Kung noon eh simple lang ang pinagpipilian nating mga produkto, ngayon, napakaraming pagpipilian. Kung minsan, sa sobrang dami, hindi na natin alam kung ano ang dapat bilhin.

Hindi na natin pwede mabalikan ang mga araw na ang mga saplot ng lalake ay may isang klase lang. Puti na brief. Period. Yung mga classic na Hanes, na tingin ko pinaka-normal pa ring gamitin ng mga lalake.

Ngayon, sa pagsasaliksik ko sa internet, marami na rin pala ang uri ng mga underwear panglalake. Yung iba, praktikal at ang iba naman ay parang comedy. Hindi ko mawari kung bakit kelangan ang mga ganitong underwear. Pero since itong entry na ito ay tungkol sa ebolusyon ng mga underwear ng lalake, ipapakita ko pa rin ang mga pictures ng mga kakaibang undies.

Akala ko, mapapaliwanag ko ang ebolusyon ng underwear ng lalake. Pero, mali pala ako. Mas napatanong pa ako. Lalo akong naging curious...



Una, ang boxers. Para sa akin. Yan ang pinaka normal na nakita ko maliban sa briefs. Ito lang ang mga nakita kong 'okay' sa panlasa ko. Buti na lang naimbento yan. Dahil sa popular ang mga boxers, merong mga kompanya na tumatanggap ng services para lagyan ng prints ang mga plain white boxers. Tignan niyo na lang ang halimbawa sa baba. Kung fan ka ng Da Vinci Code at sobrang naaaliw ka dun, pwede mong palagyan ng print ng "Mother and Child" ang boxers mo.



No problem yan. Normal pa rin tignan di ba?

Ang pangalawang uri ng undies ng lalake na nakita ko eh ang thongs. Pati rin pala lalake may thongs na. (She nagtatanong: Hindi po ba yan masakit sa inyo?)


So ayan ang thongs para sa lalake. May nagsusuot ba talaga niyan? Para saan yan ginagamit? Gaya ba ng babae na kung nagsuot ng thongs eh dahil tight yung pants niya?

Hetong thong na to, eh dapat pandagat lang. Pamingwit ng bangus at tilapya sana, ayon sa pangalan niya. Pero nagulat ako, pati pala net, meron na rin sa lalake? Hindi kaya babakat?


Ang larawan naman sa baba eh ang pinaka weird sa mga thongs na nakita ko. Ewan ko, may patali-tali pa kayo. Walang ganyan sa mga babae (yata). Kaya okay to. Ewan ko kung bakit may tali papunta sa likod.. Pang added support ba? O pang-lift?


Leather shorts. Ok din pala sa inyong mga lalake ang leather na undies. Iniimagine ko kung anong lagay niyo pag ganun eh... Lalo na pag pasmado ang isang lalake... Nung nakita ko ito, naisip ko yung mga video games sa PS2 nun na psycho ang nakasuot. Nakalimutan ko na ung pangalan ng game na yun pero ganitong-ganito yung suot niya at meron siyang pamalo.

Pouches. Ito ang mga pinaka weird na nakita ko. May pouch na pala kayo. Parang pwedeng lagyan ng barya pampamasahe sa bus. Aliw ako dito. Andaming characters. Magkakaroon na rin kaya ng Philippine Pouch? O di kaya kambing pouch? O tarsier pouch?

Kung kangaroo pouch ba dapat dalawa ang pouch niya. Isang malaking pouch at may mini pouch?

Pang militar lang ba to? Pwede rin ba to sa navy?



Pang bad-boys lang ba to? Pano kung good boy? Pwede pa rin ba niya itong isuot?



Bumubuga ba ito ng apoy? Kung oo, ano ang fuel source niya? Uling? Diesel? Unleaded? LPG?



Kumakagat kaya ito?



Kalahi ba ito ng Philippine carabao? May carabao's milk din ba ito?



Kasama ba ito sa isang Formal wear pag may mga debut o wedding? Kung semi-formal, pwede ba itong isuot?



May Mrs. Groucho ba? Kung meron man, nasa panty din ba siya?



Nagdedeliver din kaya ito ng baby? (she:malamang!)



Tik-ti-laok!! Tik-ti-laok! Pang-sabong din ba ito?



Akala ko ang pangalan ng pouch na ito ay Origami.
Naging starring ba ito sa Batman? Mamamatay ba ito sa mainit na panahon?



Kelangan bang sumaludo? 50 stars ba ang nakalagay sa pouch? O ni-reduce?



Akala ko Elephant pouch ito. Yun pala Mr. Peanuts. Uuuuuyyy... May relasyon.... Uuuy...


20 comments:

Paolo said...

naaliw ako dun sa elepante. pag suot ko cguro yun parang buhay na buhay. lolz, ako meron akong isang red na bikini brief na tinawag kong "lucky" everytym na suot ko kc yun sa defense ko nung college eh laging mataas ang grade ko, unfortunately, d cya nagtagal at naputol ang swerte.

jochie said...



haha.im juz 6teen.kaso curious kxe ko.

pero dont worry I can handle those stuffz nman.

ktuwa nman yon! ahehe.


~~jochie!

idealpinkrose said...

mwahahahaha....ngayon lang ako nakakita ng ganyang men's underwear ah...mabenta kaya yan? hehehe..

Rowjie said...

hehe... kakaaliw ang post na ito!

justine said...

aliw!!! I've actually seen many designs like ung elephant etc... Weird pero nakakaaliw.. ehehehe...

Sayote Queen said...

hello ulit mga peeps :) salamat sa inyong komento (much appreciated talaga)

paolo --> sayang naman si lucky... Dapat may kapalit na! hehehe

jochie --> glad someone your age can absorb this maturely... the only reason why i wanted to censor this is meron talaga ang narrow minded at agarang nagja-judge na bastos. kaya.. APIR TAYO!

IDEAL PINK ROSE --> hindi ko alam kung mabenta yan. pero pag tininda siguro yan sa baclaran, patok na patok sya hehehe

jal --> thanks for commenting :) aliw nga rin ako. research can be so enlightening hehehe :)

balik kayo mga peeps :)

watson said...

bwehehehe. Ayos na post ito ah. Magkukwento sana ako sa preferences pero pero hwag na lang... first time ko lang dito eh. Salamat nga pala sa pagdalaw sa blog ko!

tutubing_karayom said...

Waaaaaaaaa.. nabigla ako dun ah! biglang nanlaki ang mga mata ko! heheh! joke!
Cguro ginagamit nila yan sa mga stripped clubs dba? heheh!!!

Mistyjoy said...

naintriga ako sa post mo kaya binasa ko.. hehe! meron din kaya nyan dito? seksing seksi yung fish net thong..^-^

karmi said...

nyahaha.. ang tao nga naman.. ang daming naiimbento no? :) magiging mabenta kaya yan? pano kapag nakapantalon?! di naman nila maisusuot yan diba? hmmmmm.. hhehehe...

chie said...

hoooo. natakot ako dun.. lalo na dun sa groucho pouch.. haha.

personally mas gusto ko pa rin para sa boys yung mga tightiewhities. hehehe :D

Devilicious said...

mas bagay padin talaga sa mga babae ang thong noh? hehehe

malaine said...

hahaha! my eyes sores hehehe! pang chicos ata yong mga bandang baba na mga undies ah...

Mayang said...

kakatuwa naman ng images na mga to! totoo ba yugn mga bulges na yan ha?! hehe sensya na curious lng! ;)

Keo said...

Wow. Isa na namang astig na entry. Hahaha =p

Jinjiruks said...

may sexual pa ba ang underwear series mo ate she? family planning sunod.. hehe

icarus_05 said...

Ahihi.. Astig... Pero I prefer the NORMAL ones... Mas komportable...

Gener said...

whaihihihi! anubanaman yan! whahahah bat nung sa babae ung pinag uusapan ok na... nung panlalaki na nagiging komedy! wahahaha

Sayote Queen said...

Maraming salamat po sa mga nagbigay ng komento sa post na ito. :)

Hindi ko alam kung mabenta ang mga pouches na ito. Pero nakakasiguro akong may mga gumagamit talaga ng mga yan hehehe.

Hindi ko rin alam kung totoo ang bulges na yan. Tingin ko mga kinumpol na tissue lang yun. :)

Dan said...

I saw some of these at ebay. Wondering if people actually buy them.

As for the thong that you're referring to with a strap sa likod, that's actually a 'jock strap', which athletes/athletic guys use. I have two, and use 'em whenever I go to the gym to lift weights. That's nothing kinky really.