Thursday, July 13, 2006

Ang Multo sa Puno

Kung taga Baguio ka, marahil eh narinig mo na ang kwento tungkol sa malaking punong nasa gitna ng daan papuntang John Hay o PMA. Pero ngayon, pinaalis na ang puno na ito dahil sa marami ang nadidisgrasya dito.

Nalaman ko ang tunay na istorya ng punong yun at ang babaeng diumanong nagpapakita dun sa mga taxi driver sa isang kadete na nanligaw sakin (ngak! binulgar pa eh)

Ganito daw ang nangyare:

Yung babaeng yun, ay date ng isang kadete sa Hop nila. Ang hop ay parang prom ng mga kadete. Ang nangyari, since walang masakyan ang babae na taxi papuntang PMA, sinubukan niyang maglakad patungong PMA dahil late na siya.

Na-chansahan siya ng isang taxi driver at siya nga ay ni-rape at pinatay.

Ayon sa kadeteng nagkwento, hindi na daw nakarating ang babae sa PMA na lubos namang pinagtaka ng kadeteng nag-imbita sa kanya.

Kinabukasan, naibalita daw na nakabitin ang babae sa punong yun. At yun daw ang naging sanhi ng pagpapakita nito sa mga taxi driver at madalas na pagkakaroon ng disgrasya dun.

Wala lang peeps. Feeling ko kasi halloween hehehe

2 comments:

Jinjiruks said...

wga kna mag kwento ate.. natatakot na ako.. mag isa lang ako ngayon sa office..

Sayote Queen said...

Jinjiruks, naku sorry ha.. natakot kita.. wala lang.. kwento kwento lang... sowee