Thursday, July 13, 2006

Ang Pagbatok ng Siraulo Kay She

Sa maniwala man kayo o hindi, nabatukan na ako ng siraulo. Hindi ko alam kung dahil sa pagbatok niya sa akin ay naging siraulo ako, o na-enhance lang ang pagkasiraulo ko. Pero in fairness, masakit yun ha.

Nangyare ang nasabing insidente sa Harrison Road sa Baguio. Ako ay papunta sa pwesto namin sa Bonifacio noon at kababa ko ng jeep. Naglakad ako papunta sa jeep na papuntang Bonifacio ng bigla akong sinampal ng siraulong babae. Hinila-hila niya ang buhok ko at pinunit ang damit ko. (Bagong Oxygen T-shirt ko yun, huhuhu, pinag-ipunan ko yun ng dalawang weeks!)

Tulala ako sa pangyayari pero inalalayan ako ng isang matandang lalake. Inilayo ang babaeng siraulo at ako ay naglakad (o tumakbo) papunta sa jeep.

Umiyak ako nun. Gulat ako dun eh.

1 comment:

OBRI said...

BAKA PINASAHAN KA NG POWERS... BAKA PARA DI MAHALATA... KUNWARI BINATUKAN KA PERO TOTOO SINASALINAN KA NA NYA NG POWERS..


SUBUKAN MONG KUMAIN NG GRABA AT SUMIGAW NG DARNA...

O KAYA BUMUHAT NG DUMBEL AT SUMIGAW NG CAPTAIN DUMBEL KUNG AYAW MO NAMANG NG DUMBEL MAGHANAP KA NG PANGEXERCISE NA AAYON SAYO...HAHA

;)