Monday, July 03, 2006

Ang Pagpapakababae ng Lalake





Hindi lang babae ang gumagamit ng beauty products ngayon. Pati lalake. At wala namang mali dun di ba. Nabasa ko sa Reader's Digest na may nangyayari nang GIRLIFICATION ng mga lalake na prino-promote ng mga iba't-ibang kompanya para ipalaganap ang pangangailan din ng mga lalake na i-maintain ang kanilang mga balat, mukha, kili-kili at singit.

Wala namang mali dito di ba? Marami kasi ang mga lalakeng takot na ma-tag sila bilang mga bading pag gumamit sila ng mga ganitong produkto. Kung minsan pa nga, patago silang nage-eskinol. Patago rin silang naglalagay ng Myra-E sa mukha. Marami kasi ang lalakeng natatakot na ipagpaliban ang kanilang macho image. Kung may kapatid ka mang lalake, huwag kang magtaka kung matagal siya sa CR. Baka naglalagay lang yun ng Maxipeel.

Para sa akin, tama rin naman na gawin ng lalakeng magpaka-landi sa mga beauty products. May karapatan sila di ba. Wala namang mali dito. Nasa isip lang ng tao yun. Tao sila, gaya ng babae. Na kumukulubot ang balat pag tumatanda, umiitim, nasa-sunburn, umiitim ang kili-kili at singit... o kahit ano pa ang umiitim. May karapatan silang pagandahin din ang kanilang mga kutis, magpaputi at pagbutihin ang buong image nila.

Isang halimbawa, alam ko familiar sa inyo ang MASTER facial cleanser. Isa na lang yan sa mga produktong ginagamit ng lalake. Gaya nga sa patalastas ng Master, sekreto daw yun ng mga gwapo. Pag gagamit ka daw eh gwagwapo ka. Sino ba naman ang ayaw maging gwapo? Ang Nivea, isang beauty product company na una eh nagdedevelop ng mga products pambabae ay naglabas na rin ng line ng beauty products na para sa lalake lang.

Ang tanong, pwede bang magamit ng mga babae ang mga produktong ito para sa sarili? O strictly for men lang? May mga kasangkapan bang para sa lalake lang magiging epektibo?

Kaya mga guys, mga lalake, males, brothers, husbands, walang mali sa pag-gamit ng beauty products. Mas mainam nga yun dahil pinapakita niyo sa mga babae na inaalagaan niyo ang sarili niyo. Ika nga nila, pano mo maaalagaan ang isang tao, pag sarili mo ay hindi mo maalagaan di ba :) Pwede kayong mag-take turns ni misis na maglagay ng eskinol.

  • Lalake : Honey ikaw muna lalagyan ko ha. Tapos ako naman.
  • Lalake: Oh honey! You missed a spot!
  • Lalake: Labs, pagkatapos mong lagyan ng toner mukha ko, palagay naman ng facial mask ha.
  • Lalake: Wow! Pipino from Baguio! Nag-abala ka pa. Salamat sa pipino bhe ha. Gagawin kong eye remedy mamayang gabi.
  • Lalake: Naku Neneng. Sabi ko naman sayo na sa akin lang ang Ponds facial wash na yan. Bumili ka kung gusto mong gumanda kutis mo ok!
  • Lalake: Nay, pabili naman po ng deodorant, yung may underarm whitener ha. Tapos pabili na rin po ng Maxipeel. Yung number one lang Nay ha!
Kaya, go! go! go! Sa paggamit ng maxipeel, facial moisturizer, eskinol, magic cream, chin chun zu, ponds pearl cream. Walang mali diyan. Hindi mawawala ang macho-image niyo dahil lang diyan. Pero siyempre, humingi ng payo sa babaeng kapatid o kaibigan bago gumamit ng produkto na to. May kakilala ako na gumamit ng body moisturizer sa mukha. Iba ang FACIAL moisturizer sa BODY moisturizer. Yan ang sinabi ng classmate ko nung highschool.

Pero huwag naman kayong gumamit ng make up. Hindi na talaga macho yun.

No comments: