Sunday, July 30, 2006

BIG SAYOTE APIR

Mga bisita, ako po ay nagagalak at ako po ay sinuportahan niyo sa BLOG OF THE WEEK ni TALKSMART. Maraming salamat po sa inyong tuluyang pagboto para sa akin. Hanggang ngayon po, second po ako sa winners. Tuwang tuwa ang lola niyo. Ito po ay aking ikinagagalak.

Manalo. Matalo. Magbla-blog pa rin ako. Ayaw mo man ang pagsulat ko. Magbla-blog pa rin ako. Ayaw mo man dito sa blog na ito.... Magbla-blag pa rin ako.

Ngunit, igi-give up ko na yata ang pagsali sa poll na ito para aking maramdaman uli ang tunay na adhikain ko sa pagsusulat. Ang sarili ko. At kung ano pa ang naiiwan sa aking kokote at sa mga natahak ko sa buhay. Kelangan kong makausap muli ang aking sarili...

Maraming, maraming salamat po sa mga tagasubaybay at sa mga bumoboto araw-araw para makarating ang blog na ito sa second place.

Maraming salamat din po sa mga nagbibigay ng komento sa mga entries ko. Salamat sa oras na ginugugol niyo sa pag-type ng inyong mga reaksyon. Kahit hindi ko po ito nasasagot, binabasa ko po ang mga ito. Mahalaga po sa akin ang mga ito. Salamat.

At sa mga taong wala namang bilib sa akin. Maraming salamat din. Kelangan ko po kayo.

Pero hinding hindi ako papaapekto sa mga batikos niyo.

Ito ang espasyo ko sa mundo ng internet. Kung kayo po ay magkokomento lang na bobo ako. Na wala akong alam sa Ingles. Na "I have poor writing skills", maaring kayo po ay pumunta sa isang blog na matutugunan ang inyong pangangailangan. Sa mga taong nagsabing nonsense daw ang mga pinagsusulat ko dito... Ito lang masasabi ko:

Bakit ka nagbasa?

Masyado na pong nabalot ang aking buhay ng mga seryosong tema. Hanggang dito pa ba eh magseseryoso ako at magkakalat ng drama ko?

Hindi.

Dahil sa akin na lang iyon. Ayaw kong ipagkalat ang drama ko. Baka maiyak lang tayong lahat.

Hangad ko ang mga ngiti ng aking mambabasa at hindi ang magpasaya ng mga taong hindi alam ang kahalagahan ng pagtawa at ang hindi pagseseryoso sa buhay kung minsan.... Na kelangan natin ng konting ligaya, katuwaan, kababawan at pagtawa.

Maraming salamat po ulit sa mga sumuporta sa blog na ito... Ngumiti kayo. Kelangan natin lahat yan. BAO!

Nagmamahal,

Reyna ng Sayote

5 comments:

Ymir said...

tama yan. nakikibasa lang sila marunong pa sila sa nagsusulat. :lol:

okay tong new skin mo. malamig sa mata.

Jinjiruks said...

tama yan.. dapat masaya lagi.. kahit maraming problema ngitian na lang.. keep on blogging pa rin..

Ka Uro said...

amen ako sa sinabi mo. baw.

talksmart said...

It's sad that you're giving up the fight for first place. I really would want you to win the top spot because you have such a wonderful blog with interesting posts. You also have many supporters and always consistent every week....

pilimon said...

sinooonnng nang-aaway kay SAYOOOOTTTEEEEEE???!! :(

yari kay Panny!!! :p