Tuesday, July 18, 2006

Ngayon. At Bukas.

Bago ko nagawang mag-aral, napadaan ako sa munting blog ko... SAlamat po sa mga bumisita at nag-comment. Hello kay PILIMON na 1000th guest ko :) BIDA KA NA DITO! :) hehehe...

Nag-take na rin ako ng mini-quiz sa QUIZFARM. Ang test na ito ay ang PERFECT MAJOR. Kung ano daw ang mga pwedeng kunin sa college (YATA).... At ito ang resulta :

Engineering


100%

Philosophy


100%

Art


100%

Journalism


100%

Anthropology


100%

Psychology


100%

Sociology


83%

English


83%

Dance


83%

Chemistry


83%

Theater


75%

Biology


58%

Linguistics


50%

Mathematics


50%

What is your Perfect Major? (PLEASE RATE ME!!<3)
created with QuizFarm.com

Sabi ko sa-en-yo ENGINEERING talaga ang bagay sa akin huhuhu. At hindi NURSING. Pero OK lang, baka magse-second courser na lang ako para maging NURSE_ENGINEER hehehe :)
Pwede rin pala ako sa anthopology. Wow! Gusto ko jan!

At nagpetsur-petsur na rin ako.. hehehe :P
Tapos sabay edit sa photoshop.

Mahirap talagang mag-isa. Napapanis ang laway ko dito. Tapos balik libro. Tapos balik blog. Ang redundant ng buhay ko kainis! Bukas, manonood ako ng NACHO LIBRE. Mag-isa pa rin!

Maraming salamat muli sa mga bisita ko :) Kung pwede lang magpadala dito sa NET ng SAKTO kada bisita gagawin ko hehehe. Basta may sayote funds.

9 comments:

malaya said...

choose what u want and not what others want for you.

***
sarap siguro kumain ng Nachocorn chips habang nanunood ng NACHO LIBRE.

qroon said...

Score ko eh 100% lahat except for Dance, 67% :P

Nood din ako ng Nacho Libre pag naka-sweldo na, he he he.

pilimon said...

oi! bidang bida nga ko ah.. haha.. talagang binati mo pa ko! hehe.. salamat! :p libre tuloy commercial ng blog ko.. nyahahaha! medyo nahihiya nga ko eh.. :P

sinagutan ko rin yan.. at akalain mo engineering din #1 ko! astig!

jamie said...

nursing student ka rin pala... very innovative ng nurse engineer! haha malaki sahod nun kase ikaw lang mag-isa ang ganun sa buong mundo! :-D i wonder, ano kayang inunurse mo? ako rin nga mag-take ng test... :-) nainggit. hehe salamat sa pagbisita!

OBRI said...

NACHO LIBRE, MAGANDA RAW SABI NILA...

GUSTO KO NGA RIN MANOOD KAYA LAGN ALA DIN AKONG KASAMA KAYA... BIBILI NALANG AKO NG PIRATA HAHAHA... KC SABI SA QUIAPO DVD COPY NA RAW UN... ;)

lojik said...

nagtake rin ako ng quiz. napaisip tuloy ako. philosophy ang result. yeah, right...bata pa lang ako. it really appeals to me. at lumalabas talaga saken ang pagiging philosopher ko sa personality ko.naisip ko rin tuloy magsecond course. kya lang ano bang trabaho nun?

kasawa ba ang paulit ulit na nangyayari sa buhay? naexperience ko rin yan. i even made an poem bout that. nasa archives ko look for "atsyara". baka makarelate ka. eheheh..

Sayote Queen said...

hello sa mga lahat ng nagkomento... glad you also liked the quiz. sad to say hindi pa ako nakanuod ng nacho libre. asar nga eh. sa sabado na lang hehehe.

QROON - astig! dapat qroon mag dancing lessons ka na! hehehe pati ako kelangan ko yun eh! :) start muna tayo sa ocho-ocho :)

PILIMON - yap bida ka na dito! bahagi ka na ng kasaysayan ng BLOG na ito. hehehe :)

JAMIE - yap nursing student ako. oo nga nuh. ako lang yata ang may trabahong ganun. sigurado ako walang sweldo! wakokokoko :)

OBRI - huwah! my DVD na ng nacho libre. anak ng kalabasa! maghahanap nga! hehehe

LOJIK - siguro ang pwede dun eh isang philosophy instructor :) sige, dadalaw ako minsan sa blog mo.. Ngayon kasi aral mode ako eh (naks parang tunay)

kendi said...

how ironic. i was once an industrial engineering student pero ngshift ako ng nursing. to be in the medical field is my personal legend. baliktad tayo. kaw gusto mo engineering. hehe

J de Leon said...

"You should be a sociology major!" Pero I'm already an anthropology major! In fact, nag-graduate na ako tapos nasa Master's in anthropology na ngayon. Bakit third place yung anthropology sa akin, below English at sociology? Obviously the test privileges totalizing Enlightenment discourses of rationality versus anthropological Herderian Romanticist relativism. See? Kung nag-anthro ka pwede ka magsulat in obscure rhetoric katulad ng ganoon.

Or at least pwede ka mag-surf ng blogs sa buong araw without feeling guilty. Kasi yung Master's research ko about Filipino bloggers, kaya binabasa ko yung blog mo ngayon kasi legitimate work naman ito.