Saturday, July 01, 2006

Nursing Student Linggo

Gaya ng mga iba’t-ibang estudyante, may lingo din ang mga student nurse. Siguro common na sa inyo or familiar na ang iba. Pero sa entry na ito, I will enumerate lang ang mga madalas naming gamitin sa group.

Toxic
  • Maraming ginagawa.

  • I’m sorry [insert name of BF/GF], hindi ako makaka attend ng date natin mahal kasi toxic ako.

  • Huwag ka na ngang mangulit, lam mo namang toxic na ko eh!

Classic
  • Nursing student na mas matanda. Usually, but not all the time, mga second courser.

  • Magsi-ayos na kayo dali, andiyan na mga classic. Baka masermonan pa tayo.

  • Naku nagpapasipsip na naman si classic.

Metrically deprived
  • Individuals with short statures. In short, short.

  • Okay na sana siya eh. Maganda, matalino, maputi. Kaso pare, metrically deprived.

  • Hoy! Kahit na metrically deprived ako, mas maganda naman ako sayo nuh!

Nutritionally enhanced
  • Individuals who are chubby / with excess baggage.

  • I’m not fat, I’m nutritionally enhanced.

SPO
  • sexually preoccupied

  • Mika, tignan mo si Arthur oh, nakatitig na naman sa staff nurse, SPO na naman siya.

Botox
  • makapal ang mukha, shameless

  • CI : Ang botox mo naman, late ka na nga, humihingi ka pa ng early break!

Temp
  • thermometer

  • Alan, pahiram naman ng temp mo. Nakalimutan ko sa bahay eh.

BP
  • refers to a sphygmomanometer or blood pressure monitor

  • Alan, pahiram na din ng BP mo. Pati yun nakalimutan ko eh.
(Alan sa isip-isip niya: Pumasok ka pa. Kalimutan mo na rin kaya sarili mo)

Kung may gusto kayong idagdag dito, comment lang kayo :)

3 comments:

-sheâ„¢ said...

Hi ate she! Ang ganda ng blog mo. Aliw. Pareho pala tayo. Past time ko dati ang pagbblog. Sa tabulas.com ako naka-sign up kaya lang ngayon hindi ko na nammaintain bec of school. Blogging is fun. :)

Nakikinig ka kay sir flores a. Hehe. Nutritionally enhanced, botox, haha. :D

Ate, kapag may free time ka, pwede paturo mag-edit ng templates? Hindi ko kasi alam yan e. Pwede? Thanks. :)

(sana naaalala ko pa username ko dito sa blogspot.)

Sayote Queen said...

hello she! salamat sa pagbisita sa blog ko ha! :) sensya na, baliw talaga ako kung minsan. kung ano napagtri-tripan. syempre, kinig naman daw ako kunwari kay sir :) bait yata to! :) hehehe! Sure help kita! :) Basta alam ko ha! Baguhan din kasi ako dito! :) Continue reading my posts! :)

Keo said...

Sa amin, "toxic" lang ang usually na nagagamit hehehe... Yung sa BP, "BP ap" tawag nila. Tapos meron ding "VS" para sa vital signs (na ngayong 4th year 1st sem ko lang narinig dahil bago groupmates ko). Hahaha. Astig. =)