Saturday, July 15, 2006

Remote Control Fantasy

Sa bagong pelikula ni Adam Sandler, meron siyang universal remote na pwedeng makontrol ang anumang pangyayari sa buhay niya. Ang pagpapahina sa tumatahol niyang aso. Ang pag-rewind sa unang date nilang mag-asawa para alamin kung ano ang kantang nagple-play nung date nila at kung ano ang suot ng asawa niya nung araw na yun. Ang pag slow-mo sa isang babaeng tumatako at tumatalon ang kanyang alam niyo na.

Kung ako ang tatanungin, marami akong pwedeng pag-gamitan ng remote ng CLICK.

Una, pag nasusunugan ako ng noodles, gusto kong mag-REWIND. Para may makain ako. Madaming beses na kasi akong nasusunugan ng noodles. Totoo yan. Ang Payless, nagiging pancit canton.

Kung may mens ako, gusto kong i-FORWARD para madaling matapos. Ang gusto ko ring i-forward eh ang pag-sermon sa akin ng nanay ko pag galit siya. Para madaling matapos. Para hindi ako tuluyang mabingi. Kung boring naman ang klase, ifo-forward ko na rin ang lecture ng professor ko para magbabasa na lang ako sa bahay.

Pag hahabulin man ako ng isang asong may rabies, gusto kong gamitin ang PAUSE. Tapos tatadyakan ko siya (hindi joke lang). Siguro, itatali ko na lang siya para hindi na niya ako mahabol. Ayaw kong matulad sa mga classmate ko nun sa community na hinabol ng baboy ramo. Ayaw kong umakyat ng puno para lang iwasan ito.

Sa classroom ko ulit, pag mabilis magsalita ang teacher, islo-slowmo ko para maisulat ko lahat ng mga sinasabi niya sa notebook ko. Pag anjan na rin ang trak na kumukuha ng basura, gusto ko ring pindutin ang SLOW MO para mahabol ko. Lagi na lang lumalampas sa akin. Kelangan ko pang habulin ang trak sa dulo ng kalye.

3 comments:

m0nai said...

ako gusto kong i-rewind past ko. para masaya! tpos i-ipapause ko kapag nagbblog ako.. hahaha! apir! *cant wait for click!* are you an adam sandler fan?

Sayote Queen said...

hehehe! good idea! yap i'm a fan... wala lang.. he's witty and funny... :)

talksmart said...

3rd place in the voting! good enough :-) Still on this week! :-)