Thursday, July 13, 2006

Return to Blogging

Gusto ko pong humingi ng paumanhin sa mga nagbabasa sa blog na ito dahil hindi po ako nakakapost araw-araw. Dala na rin po ito ng napakaraming bagay na dapat gawin sa school. Pero since walang pasok ngayon, go na go na naman ako sa blog at pagbalik-bati sa mga nagtatag sa akin sa tagboard.

Natutuwa ako sa mga bumibisita sa blog na ito dahil, binabasa pala nila ang mga post ko. Ang blog nga naman na ito ay isang talaan lang ng mga nae-encounter kong bagay-bagay sa mundo natin. Mga praktikal, nakakatuwa, balitang nakaka-apekto sa isang blogger na ito. Ako.

Marami ang nag-react sa dalawang post ko ukol sa underwear. Maraming nagsabing napaka-openminded ko daw. Meron din naman ang mga nagsabi na magsulat pa ako ng ibang topic related sa mga entries na ito. Ang natuwa ako eh na-associate sa sex ang dalawang post ko na ito. Malamang related sa sex ang dalawang post pero HINDI SEX ang pinag-uusapan dito. Gusto ko lang linawin kasi.

Expected ko na rin na may mga hindi magkakagusto sa dalawang post na ito. At since na-anticipate ko to, naglagay ako ng babala bago nila ipagpatuloy ang pagbasa. Ewanko kung bakit nabasa pa rin nila at pilit akong inemail at sabihing hindi daw appropriate ang naisulat ko. Tinanggap ko ito bilang isang blogger na open for criticisms. Pero hindi ibig sabihin na titigil ako sa pagsulat ng mga ganitong topic. Siguro, magiging maingat na lang ako sa mga ginagamit kong salita para walang ma-offend.

Sa mga bumoto po sa blog na ito as BLOG OF THE WEEK for week12, maraming salamat po sa suporta ninyo. At sa mga nagta-tag, much appreciated po ang bisita niyo at ang oras niyong mag-type ng hello, kumusta, bumisita ako, hopped, etc. At sa mga nagkomento sa mga post po, doble pasasalamat po ang binibigay ko sa inyo dahil I got my message across. Although some misinterpreted it, I am happy that some people are wise enough not to be affected and in this sense, took the message maturely and open-mindedly.

MARAMING SALAMAT PO!

2 comments:

ralphT said...

yey! pwde na magcomment! hahaha

i really like your posts! that's why i vote for you everyday! i want you to win! haha

binabagyo daw ngayon sobra ang Baguio. i'll pray for Baguio people (your people. haha)

keep on blogging!!!!

Sayote Queen said...

Ralpht >> maraming salamat sa muling pagbisita sa aking munting blog. Ako'y natutuwa at akoy binoboto mo araw-araw :) Salamat rin sa pagkomento :)