Monday, July 24, 2006

USO. Noon. (At Ngayon?)

Namulat ako sa mga kanta nila Gary Valenciano, Simon and Garfunkel, Eagles, Deep Purple, Madonna, Olivia Newton John, Carpenters, Abba at Stars on 45 nung bata pa ako. Dahil mahilig ang tatay ko sa musika, na-expose ako sa mga lumang tugtugin na yan. Pero hanggang ngayon, pinapakinggan ko pa rin yan. May folder ako sa MP3 collection ko na "OLDIES". Diyan nakabaon ang lahat ng mga lumang tugtuging binabalikan ko pag gusto kong magtrip at magsenti at sumayaw ng disco dito sa apartment mag-isa...

Kung sa porma, namulat ako sa mga RayBan shades na muling binabalik sa uso ngayon. Paboritong accessory yan ng tatay ko. May tatlo siyang ganyan. Siguro nauso yun sa Saudi nun kaya nakisali ang tatay ko sa bandwagon. Mainit nga naman dun at hindi ako magtataka kung kinailangan nila ng isang dosena. Ang alam kong nagpauso nito eh ung movie na TOP GUN kung saan starring si Kuya Tom Cruise.

Kaya ko ito sinusulat ngayon eh na-inspire ako sa post ni Ka Uro.
Dito, may mga pictures siya nung binata pa siya. (O binata pa rin ngayon?) Ganyan na ganyan din ang mga get-up ng tatay ko nun. Para sa akin, pinaka-groovy at cool ang panahon nila nun. Andaming bago sa mundo, andaming movements, andaming ideas na lumalabas, maraming radikal na tao...

Ang mga bellbottom ay na-design para sa mga naval sailors noon. Ito ay upang madaling matanggal ang kanilang sapatos kung sakaling may emergency situation. Ang galing talaga ng tao... Ngayon, kelangan na rin sigurong umimbento ng blouse na maluwang para madali na lang tanggalin ang bra.

Patok na patok ang mga bell bottom nung dekada 70 lalo na sa mga Hippie. Ito ay isang pisikal na anyo ng pagrerebelde sa kanilang mga magulang na ang tanging sinusuot lang eh mga staright cut.

Nauso na naman ngayon ang mga ito pero hindi na sing-luwag sa baba. At ngayon, boot cut na ang tawag. Alam ko pag nagsuot ka ng bellbottom na singluwag ng bewang mo ang baba niya ngayon, pagkakamalan kang sira, jologs o pupunta sa isang halloween party.

Noong mga 1960-1970's, nauso din ang mga AFRO haircut. Ang sarap sigurong maging unan ang mga ito... Parang cotton candy na binibili sa kalye. Mahirap daw ma-achieve ang look na ito. Ang unang nagpauso nito ay sila Michael Jackson, Sly Stone, Angela Davis. Sinubukan kong i-try sa mukha ko sa isang online beauty site kung bagay ko ang afro haircut. And what do you know, kamukha ko si Carlito ng WWE. Bagay ko pala. Naging gwapo pa ako... Naging COOL pa ako...

Pilit akong naghanap ng picture ng tatay ko na may afro look. Pero hindi na yata naabutan yun. O deny to death lang siya dahil ayaw
niyang mapahiya at mapagtawanan ng anak.


May isa pa akong naalalang uso noon.. Yung mga spandex clothing. Sila Olivia Newton John, Freddie Mercury at iba pang mga hard rock na mga banda nun ang naaalala kong nagsusuot nito. Kung hindi ako nagkakamali, sa isang kanta ni Olivia Newton John na Let's Get Physical, nakasuot siya ng spandex. Usong uso to nun. Pero never akong magsusuot niyan dahil pag nagsuot ako niyan, magmumukha akong imbutido.

Usong-uso din
ang mga sideburns noon. May picture ako ng tatay ko kasama ang mga kaklase niya nung college, na ngayon eh mga kumpare na niya... Hanep sa mga sideburns. Parang everyday kinokorte at nilo-lawn mower ang mga ito. Siguro ang pinaka-sikat na personality na may sideburn eh si Elvis Presley... (You aint nothing but a hound dog....) Note: Hindi yan ang picture ng tatay ko.

Ang pinakagusto ko sa mga get-up nung panahon ng tatay ko eh yung mga T-shirt nila... Yung masikip. Gaya nung kay Ka Uro. Ang ganda kasing tignan sa lalake. Pero parang ang hirap ternohan ng mga tipo ng jeans ngayon.

11 comments:

lite anonymous said...

i love Asin!!

zingtrial said...

Hi! Liked your blog,Thanks for sharing,will have to come back

ASIATIC NEIL said...

Nakakatuwa naman. Mayroon rin akong malaking shades. Kaso nga lang po, it's not an eyewear by itself. You need to have a pair of lenses to attack this accessory.

Dug it in our baul last month. Circa 1994. And now I'm using it. ^_^

stellaaaaarrrr said...

hai tama! naalala ko tuloy si papa tom cruise dahil sa rayban shades. hehe. nababalik lang ang mga nauso na. at oo pala LITE ANONYMOUS fan din ako ng ASIN! yan ang nursery ryhmes ko noon! hehe. favorite ko naman ngayon ang the beegees, swing out sister, mga new wave hits, the beatles, VST and company at syempre ang mga old rock hits. fan din ako ng mga pinoy jukebox at mga rey-valera-like songs. =)

qroon said...

Mula ng mag-college ako ay malimit akong mag-sport ng patilya, apache o sideburns, he he he. tinatawanan nga ako noong iba dahil hindi masyadong uso. Well, oks na oks nga, semi-kalbo na may balbas at sideburns (early/mid 90's) :P

yen said...

reminiscing ata tyo d2 ah... pero uu nga pabalik2 lang ang fashion.. kaya buti n lng d nagtatapon ng baul ang mga tatay at nanay ntin, sama pa c lolo at lola hehe..

btw thanks 4 droppin by my site.. :)

yasu said...

ganyang-ganyan ang shades ng tatay ko dati.. minsan nga sinusuot pa din nya ngayon eh. nyahaha!!

at kahit na ndi siya nag-afro look dati, long hair ang nakita ko sa mga pix niya. headbangers.. yeah.. ampft! haha. eh tinago na din nya simula nung nakita ko dahil napikon din sa pang-aasar ng anak.. *eherm*

Ka Uro said...

hi SQ,
okay na sana at extra pala ako dito sa post mo. pero humirit ka pa ng "Ganyan na ganyan din (referring to my photos) ang mga get-up ng tatay ko nun", biglang tumanda tuloy feeling ko.

pero kaka-aliw post mo. na-remind ako sa mga bell bottom jeans. meron pa ako noon yung "faded glory" na may bakal sa likod. tapos yung pinang-graweyt ko ng HS, suede na elephant pants, yung takip ang sapatos, na 3 inches ang taas ng takong.

yung ray-ban, paborito ko yan, lalo na yung katulad nung suot ni Gen Macarthur. kaya lang di ako nagkaroon niyan. mahal eh, di ko kayang bilhin.

Sayote Queen said...

ka uro >> salamat sa muling pagbisita. Sorry po narefer kita sa tatay ko... Hmm... bata pa naman tatay ko... at I'm sure bata ka pa rin.. Age is just a number we humans cooked up to be able to fill up forms :) again, i apologize if it offended you... peace

Ka Uro said...

oks lang. nagbibiro lang naman ako. no offence taken. i look younger naman in person. that's more important. heheh

tin-tin said...

basta ang alam ko bata pa ako nung mga nauso yan. hahaha :)