Sunday, July 16, 2006

Utot. Explained.

Aminin mo. Umuutot ka. Kung hindi ka aamin, hmm... normal ka ba? Tao ka ba?

Sa isang lengwahe, meron at merong salita para sa UTOT.

Unahin natin sa english:
  • flatus
  • fart
  • the gas
  • aerosolized stool
  • anal acoustics
  • anal oxide
  • anus evacuation
  • arse blast
  • booty cough - umuubo pala *dun* -- kelangan ng Robitussin
  • bork - ito daw ay ang utot na naririnig pag umuutot sa tubig. Madalas nangyayare sa mga swimming pool o beach.
  • butt bomb
  • colon cologne
  • explosion between the cheeks - hindi yan cheeks sa face
  • fannitosis
  • rambunctious rectum - hmmm... parang pangalan ng blog ah! astig
  • silent killer --> personal favorite ko to hehehe
  • aftershocks - mga utot daw na sumusunod pagkatapos ng isang malaking utot. example: prroooooottt... prut! prut!
Sa mga Intsik naman, chou pi daw ang tawag.
Pwede ring fang pae/ fang pi.

Sa Spanish eh foyon.

Sa dami-dami ng pwedeng itawag sa utot, tingin ko pinoy pa rin ang pinaka-creative sa pagbigay ng pangalan sa mga nakakatawang bagay.

Sa Tagalog, syempre utot.

Sa Ilokano, Ut-tot.

Kung slang terms naman, DIGLOW ang tawag sa utot. Meaning, dighay sa low (sa baba). Hindi ko alam ang iba pang bansag sa isang ga-as na pilit nating nilalabas araw-araw.

Pero napa laking eskandalo ang nangyayari tuwing may umuutot.

Nitong Friday lang, sa management class namin, may umutot ba naman. Anak ng kalabasa! Sa sobrang pagka-bored ko sa class, halos makatulog na ako sa upuan. Pero nang na-release ang ga-as, parang nabuhay ang dugo ko. Nagising tuloy ako! Siguro nagkaroon ng chemical reaction ang gas at dugo ko, ewan ko lang.

gas + hemoglobin component of blood --> decreased oxygen concentration, compensatory mechanisms activated!

Nagtatawanan ang mga tao sa likod ko. Pinapaypayan nilang palayo sa kanila ang ga-as na nagpabuhay bigla sa klase. Pinapaypayan nga nilang palayo sa kanila pero papunta naman sa amin.

Double anak ng kalabasa.

Kinontra ko sila. Nilabas ko ang aking notebook at dalian kong pinaypay palikod ang hanging biglang nag-eskandalo. Siguro yung unang nag-react, siya ang umutot. Ewanko lang.

Mga mambabasa, ayon sa aking pagkakaalam, ang utot ay may nilalamang iba't-ibang gas.

Ito ay ang nitrogen, carbon dioxide, oxygen, methane, and hydrogen sulfide.

Imagine, sa isang utot na yun, andami na palang chemical components! No wonder kelangan nating ilabas! Kundi malalason katawan natin. At since my oxygen, ibig bang sabihin eh pwede nating langhapin in case of emergency?

Ang nangyayare pala sa utot, peeps, eh ganito. Sa ating araw-araw na gawain eh may nalalanghap tayong air. May mga kinakain din tayo na hindi o nahihirapang i-digest ng tiyan natin. kaya ang nangyayari dito eh naiipon ito sa tiyan.

At ang EXIT lang ng gas na ito ay ang ating *ahem*.

Eh pano yung mga silent na utot? Pano din ang mga malalakas na utot? Ang lakas o hina ng utot ay nakasalalay sa butas ng ating wetpu. Pag ito ay tight, malamang, mahina lang ang utot. Dahil pakonti-konti ang lumalabas. Pag ito ay maluwang na, mas maingay dahil mas dadami ang vibration.

Ang nagpapabaho ng utot ay ang HYDROGEN SULFIDE.

Kung familiar ka sa sulfur, alam mo pag nasunog yan eh ambaho ng amoy. Nasubukan ko ng magsunog ng sulfur sa laboratory sa Pharmacy noon. Anak ng kalabasa! Magmula nung lumabas kami sa laboratory hanggang makasakay ako sa jeep at makauwi, amoy na amoy pa rin ang nasunog na sulfur sa damit ko. So kung mahilig ka sa mga pagkaing maraming sulfur, pare, lumayo ka sa akin pag umutot ka!

Natanong ko na rin sa sarili ko bakit may DELAY ang mismong pag-utot, sa oras na naamoy natin ito. Siguro, dahil sa variable diffusion ng gas sa air. Kelanganng mag-travel muna ang molecules bago makarating sa atin.

Kaya kunwari, nasa SM ka, utot ka muna sa toy section, tapos dalian kang pumunta sa ladies wear.

Sabi ng teacher ko noon sa Biochemistry, pag mahilig daw ang tao sa pagkain ng protein-rich foods, mas mabaho daw ang utot nila kung ikukumpara sa mga taong mahilig sa mga gulay lang. Ang mga pagkaing may protina ay mga karne, isda, gatas, cheese, atbp. Kaya kung mahilig ka sa mga pagkaing ito... Magdala ka ng cologne.

Isaalang-alang:
  • Mga lalake, kung may nagsabi sayong babae na hindi siya umuutot! Huwag mo ng ligawan. Malamang alien yan o isa siyang sinungaling.
  • Ang average times na pag-utot ng isang tao eh 16 to 20 times per day. Kung san kayo umuutot, bahala kayo.
  • Kung may mga sleep over kayo sa mga bahay ng barkada niyo, tiyakin na may loud music sa background. Ang utot ay kadalasang lumalabas pag tulog tayo. Mag-ingat ang mga mahilig sa one night stand! Baka marinig ito ni partner.
  • Pwedeng maging flammable ang utot basta maraming methane at hydrogen ang utot. Lumayo sa lighter pag umuutot. Lumayo sa yosi pag umuutot.
  • Umuutot din ang mga artista. Pati ang mga politiko. Basta buhay ang tao. Umuutot.

11 comments:

Paolo said...

huwaaaaa!!!! i luv ur new template! BASTA BLOGGER, SWEET LOVER! WOOOOT!

_rain_ said...

awww namautot ako sa post na toh ah.. lol

qroon said...

Ei ei ei! he he he, wow utot ang usapan! Number 1 kami dyan. Yung dating kasama ko[1] sa bahay, ay paborito naming past time ang ututan. Yeah baby! Farting session, iskoran at paramihan. As always, matindi ang gas reserves ko[2], mas malaki ang tangke ko eh. Kaya kalimitan ang score ay, 11-5.. 10-6... Hindi pa sya nakababawi :P Nga pala, abangan nyo next year ang album ng banda(Fart Sessions)namin (naks, kafal).

Fart Sessions -- Geeks in Denial

[1]http://penoycentral.blogspot.com/
[2]http://qroon.blogspot.com/

Sayote Queen said...

Maraming salamat po sa mga nagkomento :)

paolo >> yap.. basta blogger.. sweet lover... hehehe

rain >> salamat sa pag comment :) hehehe just wanna share trivias about utot hehehe

QROON > salamat po sa sa images na nagpakita ng aking layout sa ibang browser. Isa lang ang masasabi ko, ang hirap pala gumawa ng layout para ok sa lahat ng browser huhuhu

Sayote Queen said...

QROON >> keep it up (fart sessions niyo) hehehe. Hindi ko pa nasubukang magkaron ng session an ganyan. Masubukan nga. Sa school wakokoko :)

jamie said...

astig to a! hehe

micah said...

nice entry! this is a fact! hehehe!

ams said...

hehehe! nice topic ah! first time akong nakabasa na ito blog subject...ang nakakatuwa while nagbasa ako dito kasi yong porener hubby ko...natatawa din. kasi isa lang alam nya at naiintindihan maliban sa mga ingles words ay ang salitang utot. palibhasa yan lang ang itinuro ko sa kanya :-)

Sayote Queen said...

hello to jamie, micah and ams >> first thing's first : THANK YOU FOR VISITING AND LEAVING A COMMENT :)

Jamie and Micah >> these entry has been thoroughly researched! hehehehe

AMS > It's nice to know that this UTOT entry made you all guys *grin* or laugh :) anyway, say hello to your hubby :) hope he enjoyed this post :)

Cheska said...

i just remembered this incident when i told my boyfriend Brian jokingly that we should break-up, he made no comment but just let out the loudest and smelliest fart ever! we both laughed our heads off. of course, i had to scratch the breaking up thing for now.

'christine said...

haha.. bkit nga kaia kinahihiya ng tao ang pagutot.. normal lang nman un ah..