Thursday, July 20, 2006

Wish List ng Student Nurse

Walang mali sa paghangad ng magandang buhay. Pag may paraan para makamit yun, bakit hindi natin gawin? Wala ring mali pag nangangarap tayo... Kahit na suntok sa buwan na... Libre naman...

Bilang mga student nurse, madalas naming pag-usapan kung ano ang mga plano namin pagkatapos ng graduation (O Diyos ko! Pagraduate-in niyo po ako). At karamihan sa mga babae kong kaibigan ay sumasagot na magpapa-bello daw sila. Magpapatangos daw sila ng ilong at magpapa-laki ng boobs. Kasi pag naka-trabaho na daw sila sa Amerika, sigurado daw eh marami na silang pera.

Sa mga lalaki naman, marami ang nagsabi na ang una daw nilang bibilhin sa unang sweldo nila pag nasa Amerika na daw sila ay isang magarang kotse.

Kung ako tatanungin, basta gusto ko muna grumaduate. Pangalawa, makapasa muna sa mga exam na dapat kunin. Siguro ang pinaka "goal" ko na lang ngayon sa buhay eh makapag-ipon. Ang boring noh. Pero yun talaga...

Siguro kung may extra man akong pera, magpapa-bello din ako. Siguro hanggang liposuction lang ako para mabawasan ang aking bilbil. Pati tummy tuck ok din yun. Pero parang di ko maimagine ako sarili kong nagpapa-boob job... Pati yung pagpapatangos ng ilong. Kahit pango ako, parang hindi ko kayang ipagalaw ito sa iba. Kumbaga trademark ko na ito.

Hindi ko alam kung bakit napaka negative ang nararamdaman ko tuwing pinag-uusapan ang boob job... paglagay ng silicone sa suso ng babae. Wala akong karapatang pigilan ang mga babaeng nagpapaganito pero ang sa akin lang, natatakot ako. Parang feeling ko, hindi na ako magiging natural.

Naiimagine ko kasi mismo yung surgical procedure na gagawin sa akin... Feeling ko mawawarak ang kaluluwa ng suso ko pag ganun. Alam kong bibigat ito at parang hindi ko macarry. Siguro, marami lang akong misconceptions sa procedure and I do not understand kung ano nga ba talaga ang magiging epekto nito sa aking katawan. Marami na kasi akong nabalitaan tungkol sa mga boob-job-gone-wrong scenarios.

So back to my wish list. Oo gusto ko rin sana ng kotse. Yung isang Mustang or JEEP lang naman ang pinapangarap ko. Pero kung magiging praktikal ako, ok na kahit ano basta umaandar. Kung mangangarap na rin lang ako, gusto ko mabibilhan ko ang tatay ko ng isang kotse. At ako, gusto ko ng kotse. At isa naman isang SUV. Solve na ako dun.

Gusto ko ring makapag-ipon ng marami para magtatayo ako ng Jollibee malapit sa bahay namin. Hehehe. O basta, kahit anong fast food chain...Mc Do, Chowking... At lahat ng mga nagco-comment sa post ko eh may free food sila dun hehehe.

Kantsawan niyo na ako sa susunod kong sasabihin, pero ito, gusto ko ng gawin magmula nung bata pa ako. Gusto ko sana makadonate ng medyo malaking halaga sa isang charity. More than 5 pesos. Hindi joke lang. Kumbaga more than 1000 pesos ha. (Inemphasize ang pesos eh) Dahil masarap talaga ang makatulong sa kapwa. Totoo yan. Ang pagtulong sa kapwa at ang feeling mo pag-nagawa mo ito... Iba ang feeling. Parang pinuno ng gasolina ang puso... Yan na siguro ang pinaka gusto ko sa kurso ko na nagawa kong mahalin kahit na engineering talaga ang sigaw ng puso ko (hanep ba sa words)...

Marami pa akong wishes pero akin na lang yung iba... Tutal, ang mga andito eh parang suntok sa buwan na lang... Yan na lang ang ishe-share ko :)

5 comments:

yentot said...

kung ikaw gustong magpalipo,, ako sa sobrang payat ko,, gusto kong magpa fat transplant. palit tayo??! :)

yung ibang kaklase kong bading,, pag nakapasa na ng CGNFS,, (tama ba?!) gustong mag pa sex change.

lupet. :)

micah said...

kahit ako rin, natatakot ako sa mga ganyan. tsaka, wala namang kabawasan sa pagkababae un kahit di masyadong malaki boobs mo. at bakit p? para lang b mapansin ng ibang tao ung boobs mo habang naglalakad ka sa mga pampublikong lugar? ahhehehe..

Sayote Queen said...

YENTOT >> hello salamat sa pagdaan :) Wow! sex change? astig yun ah! hehehehe

MICAH >> tama ka jan sister! apir tayo!

musikera said...

i guess common misconception eh pag nagnurse ka easy money sa amerika... oo nga per hour ang bayad pero of course kailangan ipunin mo yung hours na yun which means doble trabaho para maipon mo yun... but i guess that's life... there's no easy way...

good luck na lang sa studies mo! pagigihan mo para makagraduate ka..

KaDyo said...

okay ah hehe libreng tsibog pag me comment..tawa ako dito ng tawa hehehe
galing mo talaga mag-sulat kakatuwa epekto ba yan ng sobrang kain ng sayote hihihi