Thursday, August 31, 2006

Three Flat Tires and a Funeral

Time flies so fast. Before we know it, we are heading to another month. My month... September. Why my month? Coz soon, I will turn (gulp!) 25 years old. Anyway, enough about my age...

Since I'm this blog's owner, I feel obliged to actually write before this month ends. Let me give a big sayote apir to those who left their comments especially on the last entry, the second issue of The Paano Pag chronicles. FYI, I have not experienced this and I hope it won't happen to me. The Paano Pag Chronicles issues are just events I suddenly think of and decide to write about. Yes people, when I think of something to write about, I have to let it out of my system. Hey, never miss a creative thought as they say.

August for me had its share of both ups and downs. The usual funny events, adventures and misadventures. You get the picture.

Let me just start by relating an incident which just happened yesterday. The taxi I was riding on my way to Cubao Victory terminal had a flat tire. We were about 50 meters away from the terminal. (Yes,I'm in Baguio right now)

Not a weird revelation?

Well, how about if I told you that this happened to me 3 times this month! Same situation. A few meters away from my destination, the taxis I rode on had a flat tire. Yes people, three times. Whenever I ride a taxi, LIKE MAGIC, it will have a flat tire.

Must be me being overweight (???)

Not only that, just this Wednesday, I rode a taxi from SM North. This taxi was running on LPG. Not the usual gasoline. Then the LPG's warning light came on - that is, the LPG is running empty. The driver cursed under his breath. I did the same.

I don't know why this is happening to me. Suddenly, the world decides to go against me through taxi rides. How unlucky am I, ei?

If anyone knows what this means, please contact me. Either I'm getting unlucky with taxis, or more and more drivers neglect their duty to have their taxis checked.

**

So much for that...

This month, Arjud and Nagarjud died.

Who the hell are Arjud and Nagarjud?

These are (were) my 2 goldfish (goldfishes). Yes, they have names. Where I got the names, you'd just have to ask me.

I didn't cry of course. I just felt bad. They were, after all my companions in Manila. I do talk to them whenever I get the chance. Especially when Sayote King and I have our everyday LQ's (lover's quarrel). They're good listeners I must say.

And just because I overfed them, they gave up on me. I didn't do it in purpose of course. I was thinking that if I'll give them more, they would be happier. Bad idea. [SQ: my bad! my bad!)

So now, I'm a goldfish murderer.

Lesson? That too little or too much is bad.

Arjud and Nagarjud are now burried in the apartment's septic tank. I flushed them down my toilet bowl. Sorry, I don't know of any goldfish memorial parks.

**

Speaking of memorial parks, one of my titos actually announced his birthday gift to my tita: a LOT in one of the memorial parks in La Union. This lot was supposed to show his wife that he cared for her and thought of her future (when she dies).

I didn't know what my tita thought of the gift. For me, I'd rather not say. Nothing wrong naman siguro. I was thinking of a more traditional gift. Like a necklace or something.

**

Sumweldo na ako sa paluwagan. Kaya bibili ako ng pasalubong sa mga kasama ko sa paluwagan. Hmm... is that right? Parang binalik ko lang ah.

**

THANK YOU TO ALL THOSE WHO LEFT THEIR COMMENTS! I APPRECIATE IT A LOT. I HOPE YOU ALL COME BACK SOON. KISSES FROM BAGUIO CITY, PHILIPPINES! MABUHAY!

**

HAPPY BIRTHDAY BAGUIO CITY! (September 1)

**

ANOTHER ROUND OF PASALUBONGS when I get back to Manila :)

Sunday, August 27, 2006

The Paano Pag... Chronicles * Vol. 1 Isyu # 2

Related Post: ISYU NUMBER ONE

**

Sitwasyon:

Kasama mo ang boyfriend/girlfriend mo isang gabi. Naglalakad na kayong pauwi papunta sa bahay niyo. Bigla kayong nag-away tungkol sa isang bagay. Nagsabatan kayo, kulang na lang magsampalan kayo sa inis sa isa't-isa. Nagsisigawan kayo, nag-iirapan. Naglalakad kayo sa overpass, at nagpasya kang mag-walk out na lang sa inis! Paano pag, bumabababa ka ng hagdan ng overpass nang bigla kang nadulas at nag-slide hanggang sa baba? Paglapag mo sa baba ng hagdan, naka-upo ka dun at nakatunganga. Nag-iisip ko ano ang gagawin dahil nakita ka ni fafa/mama...



Naku, napakamalas mo naman... Kung kelan ka pa nagdrama na pang FAMAS, dun ko pa nagka-blooper. Para kang si Jackie Chan na gumagawa ng pelikula at sa huli, pinapakita lahat ng kaniyang mga stunts-gone-wrong.

Pero, huwag mag-alala, heto ang mga pwedeng gawin upang ikaw ay di mapahiya lalo.

Tip #1:
Tumayo, pagpagin ang dumi sa damit, itaas ang noo, at mag-lakad sabay sigaw MABUHAY! Siguraduhing stomach in, chest out, chin up na parang kadete ng PMA. Mag-lakad na gaya ng isang beauty queen o model. Pwede ring ayusin ang buhok na parang nasa isang shampoo commercial bago umalis para with poise.

Note: Hindi 'to pwedeng gawin kung napilayan ka dahil mas lalo mo pang pinalala ang pilay mo. Kung durog na sa lagay na yun ang mga buto mo, mas lalo pang madudurog (napag-aralan ko yan sa nursing - kaya I need to apply it)

Tip #2:
Tumayo bigla at tumakbo papuntang bahay. Dapat pag ginawa mo to, daig mo pa si Lydia de Vega sa pag-takbo o dapat ma-break ang SEA Games record.



Run Sayoteeeeeee Runn.....


Alalahanin na kaya ka tumakbo eh para matakasan ang BF/GF. Kaya dapat gawin ito sa mabilisang paraan. Nararapat lang na tumakbo na para kang hinahabol ng mga asong may rabies. Walang lingon. Tuloy tuloy. Kung may hurdles, talunin na parang athlete. Maaaring mag-high jump kung may mga iba pang balakid. Pagdating sa pintuan ng bahay, huwag pa rin tumigil. Tumakbo pa rin hanggang makarating sa kwarto. At mag-high jump sa kama. Huwag ng tangkahing magbihis. Magkumot ng dalawa o tatlo hanggang ulo. Ganun ka na lang hanggang magising kinabukasan.

Tip #3:
Tumayo at lumingon kay fafa/mama, at sabihing, "O ha! Kaya mo yun"

Note: Huwag maghintay ng sagot.

Tip #4:
Tumayo at lumingon kay fafa/mama. Hintayin ang reaksyon. Kung tatawa, umiyak ka gaya ni Sugar sa Eat Bulaga. Kung bababa siya, at dadamayan ka, mag-bati na kayo. Huwag mo ng tangkahing awayin siya ever again!



Note: Mainam gawin ito pag-napilayan ka o masakit ang pwet mo sa pagbagsak. Kelangan mo ang mga haplos at hilot ni fafa/mama.

Tip #5:
Imbes na tumayo, lumuhod, at tumingin sa langit. Sabay sigaw, Diyos Ko! Bakit ako! (singhot, singhot) Bakit ngayon pa, o Diyos ko!


Hintayin ang pekeng ulan na dumating sayo. Ang pekeng ulan ay pwedeng manggaling sa isang hose o tubo o sprinkler. Pwede ring maghintay ng isang ulap na tatapat lang sa ulo mo at biglang uulan. Sayo lang ang ulan na to. Kaya kahit san ka pumunta, nakalutang ang ulap na ito... inuulanan ka.

Mag-drama sa baba ng hagdan hanggang panoorin ka ng ibang tao. Kung mas dumami ang tao, dapat mas lalo mo pa galingan ang pag-arte.



Tip #6:
Piliting lumuha. Kung may dala kang sibuyas, kelangan mo ng gamitin ngayon. Balatan ang sibuyas at amuyin. Siguraduhing hindi makikita ni fafa/ mama ang hawak mong sibuyas. Piliting suminghot kahit hindi nasisinghot. Mag-mukhang kawawa gaya ni Puss in Boots sa Shrek Part 2. Gawin ito para damayan ka ni fafa/mama.




Tip #7:
Tumayo sa hagdan at bumalik kay fafa/mama sabay sabihing, "Ikaw kasi eh honey/ bhe/ sweety pie/ lavs/ sweetheart/ cookie/ cupcake/ cheesecake/ ube cake/ yema cake/ red ribbon cake... Bati na tayo ha?" Sabay beautiful eyes sa kanya.

Tip #8:
(Para lang sa babae)
Tumayo, lumingon kay fafa, at flash him this killer look para mawala ang isip niya sa nangyare:


Makaka-asa kang magdadasal yun lagi na madulas ka sa hagdan.

Tip #9:
Magdasal ng mataimtim na dumating si David Blaine upang i-magic ka hanggang Mars.


Abra!Kadabra! Ika'y pupunta na ng ibang planeta!


**
Read ISYU #1

SAYOTE CLASSICS:

Pagbibigay ng Payo
Balahibong Pusa
Seksi... Not Sayote Queen
Chitae
Ebolusyon ng Saplot ng Lalake

SHOUT OUTS

Thank you to all those who left their comments and messages :) Hope everyone had their share of pasalubong from Baguio :)

Thursday, August 24, 2006

Pasalubong sa mga Bisita

MABUHAY! Sa aking mga bisita! As promised, pasalubong! :) ENJOY! Strawberry jam, lengua and peanut brittle po para sa lahat. Namnamin ang sarap at tamis.

BIG THANKS to everyone who left their comments :) Much much much appreciated :)



and for the ladies of the house (or blog), flowers from this site.


Monday, August 21, 2006

Sa Pagiging Panganay

Kanina, tumawag si Tatay para kausapin ako tungkol sa nalalapit kong (SANA) graduation. Tinatanong kung siguradong gra-graduate na ako. At nag-request na sana pag nag-trabaho na ako eh tulungan ko siya sa pagpapa-aral sa mga kapatid ko.

Siyempre, kahit hindi naman magre-request si Tatay, talagang gagawin ko naman yun. Balak ko nga, unang sweldo ko, 95% ang ibibigay ko para sa kanila. Bakit hindi 100%? Kasi ayaw ko rin namang mag-hunger strike noh! Pero malayo pa yun. Dapat talaga, mag-aral muna ng mabuti para talagang maka-graduate at makapag-trabaho.

Naisip ko, mahirap din talaga ang maging panganay. Maraming hihingiin sayo. Maraming dapat at di dapat gawin. Dapat, kaw ang role model ng mga kapatid mo.

Pero may advantage/ pros rin ang pagiging isang panganay eh...Nakakasiguro kang BRAND NEW lahat ng baby clothes mo. At lahat ng mga susunod na kapatid mo, siguradong sigurado may isusuot silang damit na pinag-lumaan mo nung baby ka. At pwede ka ring maging instant diktador (pag bata kayo ha, hindi pwede yan pag matanda na hehehe).





Naaalala ko nung bata ako, andaming beses kong naloko kapatid ko. Sa sobrang loko ko nung bata ako, napainom ko siya ng isang tasa ng suka. Ang sabi ko kasi sa kanya, [pangalan ng kapatid], inumin mo na ang tsa-a mo, sige ka, magagalit si Nanay.

Eh ininom niya nga. At nagsuka ang kawawa kong kapatid. Palo sa pwet ang naging kapalit nun.

Minsan, sinabi ko rin sa kanya noon na mas malaki ang halaga ng mga barya kesa papel na pera. Noon kasi may papel pang limang piso. Eh may dalawang piso ako. Nagpalitan kami. Yun tuloy, naka limang ZOOM ZOOM ako.

Nung birthday nang kapatid kong yun, naglaro kami ng parlor-parlor. Sabi ko ako yung gugupit sa kanya at vice versa. Kaya ang ginawa naming dalawa, nag-gupitan kami ng bangs, sagad sa ulo. Imagine niyo na lang itsura namin nun. Para kaming nadaanan ng lawn mower sa ulo. Kaya kung titignan niyo ang mga pictures namin nung bata, makikita niyo yung picture naming wala kaming bangs. Kalbo sa harap at may buhok sa likod ng ulo. Konti na lang, magiging gaya na kami ni Jet Li sa mga old martial arts movie niya.

Siyempre, mga innocent pranks lang yun nung bata pa ako. Ngayon, spoiled naman sila sa akin. Kahit na wala akong trabaho, kung nakakapag-ipon ako, talagang pinapasalubungan ko sila kahit konti. Siguro mamumulubi ako pag nag-work na ako...



Pag panganay ka, pwede mo ring diktahan ang mga kapatid mo sa mga gawaing-bahay habang hihiga ka lang sa duyan pa swing-swing. Pwede mong pa-saingin si Junior, pag-lutuhin si Neneng, at paglabahin si Boy. Habang si Marya naman ay pinapaypayan ka sa duyan at sinusubuan ka ng mga grapes.

Pagtanda naman, ayan na ang pressure. Dapat talaga, pinapakitaan mo ng mabuti ang kapatid mo para hindi gayahin ang mga maling gawain mo. Role-model kumbaga. At kung papalya ka, parang napakalaking kasalanan ang naidulot mo sa pamilya mo. Hindi lang sa magulang kundi pati sa mga kapatid mo.

At siyempre, marami rin akong kilalang panganay na nawalan na ng tuluyan ang love life dahil inuna muna ang pagsilbi sa magulang at mga kapatid. Naibuhos na lahat ng oras sa pagtratrabaho.

Siyempre, sa akin, talagang pangarap ko ring magsilbi kina Nanay at Tatay, gusto kong tinapay. Ate kuya gusto kong kape. [Kumanta ba. Hindi joke lang.]

Gusto ko ring talagang pagsilbihan ang magulang kong sangkatutak na ang nagastos sa pag-aaral naming magkakapatid. Lahat ng kaya ko sigurong bilhin, bibilhin ko sa magulang ko. Lalo na kay Tatay. Kasi siya talaga ang nagpursiging mag-trabaho sa ibang bansa, kahit na malayo kami sa kanya. Talagang gusto kong palitan ang lahat ng sakripisyo niya para sa aming lahat. Kaso parang ang hirap, ang hilig kasi nun mga sound system. Que barbaridad! Mamumulubi nga talaga ako hehehe!

Hindi ko siya masisisi kung talagang sinisigurado niya ang pag-graduate ko. Ako kasi ang una niyang anak na gra-graduate. At isa pa, ako ang "pinaka-" sa mga kapatid. Hehehe. Hindi biro lang, ako lang kasi ang malapit sa kanya at malambing. Kumbaga, magka-level kami sa mga istorya. Mahilig kasi mag-joke yun. Ako naman, mahilig mag-green joke. hehehe.


Hay! Parang ang laki tuloy ng responsibilidad ko ngayon. Dapat talagang mag-aral. Dapat maka-graduate, makapasa sa board exams. Mahirap na, baka masinturon ako ni Tatay hehehe. Nasinturon na kasi kami ng kapatid ko nun dahil nagbugbugan kami at napa-dugo ko bibig ng kapatid ko. Ayun, yari si SQ nun. WAAAAA-PAK! Sinturon tuloy abot ko.

Sayote Classics:
Balahibong Pusa
Woman as an Element
Seksi... Not Sayote Queen
I Have Money that Can't Buy Me Anything
USO. Noon at Ngayon
Utot
Pagbatok ng Siraulo Kay She



Big Boobs or Small Boobs?

Warning : Medyo pang R-18 to ha! Tumuloy lang kung hindi makitid ang utak mo...

Kelangan ba talagang malaki ang boobs ng isang babae para magustuhan siya? Pano kung singlaki lang ng pisong pandesal? May manliligaw pa rin kaya?

Sa sariling opinyon ko, hindi naman talaga kelangang malaki ang boobs ng babae. Oo, asset na kung asset kung malaki. Pero hindi yun ang magiging basehan kung liligawan ka o hindi. Dapat, CARRY MO sister! Literally!

May misconception din kasi ang mga babae (at lalake) na kung malaki ang boobs ng isang babae, patok na patok siya sa lalake. Kumbaga, kelangan daw malaki ang boobs para magkaroon ka ng epekto sa mga male species. Pero hindi naman talaga di ba mga lalake? Di ba? Di ba? (SQ: Ngyek! Hindi ba?)

Halimbawa, nung nasa Saint Louis University ako, may isang Med Tech student na jumbology ang kaniyang hinaharap... Kung kay Ruffa Mae Quinto, jumbo, iyon double jumbo. Pero ang problema, 4 feet 11 inches siya. Parang hindi bagay di ba. Pero sariling opinyon ko lang yun ha. Walang personalan.

Tuwing nasasalubong namin siya, napapatunganga ang mga kasama naming lalake. Dahil maliban sa kaniyang napakalaking hinaharap, okey pa manamit ang girlash na to. Mini skirt, spaghetti strap, see-through blouse, atbp. Siguro siya na ang naging dahilan sa pag-hihigpit ng SLU sa dress code. Akala ko nga ako ang naging dahilan dahil sa sobrang baduy ko.

Anyway, pansinin talaga ang girlash, dahil kung nakita niyo man siya, para siyang pupunta lagi sa Alberto's o Gimbals sa get-up niya. Kulang na lang, sabayan siya ng isang floating disco ball.

Sa akin naman, walang problema 'to. Wala akong paki-alam kung ganun siya manamit. Pero sa totoo lang, naaawa ako kasi madalas siyang mabastos. Naalala ko minsan nakasama ko yan papasok sa gate ng Otto Hahn. Nung pagdating sa tambayan ng mga guys between Adenauer building at Otto Hahn building, andaming sumipol, andaming nag-comment. At enjoy na enjoy pa rin si girlash. Kumaway pa ang jumbology.

At da worst talaga ang nangyare sa isang Natural Sciences night namin. Technical crew ako nun at nasa harap kami ng mga kasama ko. Kasali pala siya sa dance number.

Que barbaridad! Dance number nga. Ang sinuot ni girlash eh isang off-shoulder dress. Meaning, pag yumuko man siya, makikita na ang mga Mount Mayon niya.

Eh ang dance number na yun, talagang mabilis, matalon, at funky na funky. Kaya ang nangayare, kada talon ni girlash, tumatalon na rin ang kanyang hinaharap. Ito ay ikinatuwa ng mga lalakeng audience siyempre. Pati nga ako, tuwang tuwa pero nahihiya na ewan. Hindi ko mawari nararamdaman ko nun eh.

Kaya naging special attraction ang girlash na ito. Hindi naiwasan na maglabas ng iba ng mga cellphone nila para i-video nila ang girlash na yun. Malakas ang mga hiyaw, sipol, palakpak. Pero hindi ko narinig ang BOO!

Tsk tsk.

Since nasa harap ang sayote, kitang kita ang mga moves ni girlash. Pati moves ng kanyang hinaharap, kitang kita ko rin. Hindi kasi pareho ang direksyon ng pag-galaw ni girlash at kanyang hinaharap. Since mabigat ang hinaharap, parang may delay sa pagsabay ang boobs niya. Kumbaga, normal ang speed ni girlash, pero ang hinaharap, parang slow motion. Kung nasa kanan na ang mga steps ni girlash, parang nasa left pa rin ang hinaharap niya.

Hindi mapagkakaila na siya ang naging headline sa sumunod na araw. May mga kumakalat na balita na hindi rin siya naka-bra nung gabing yun. Meron din ang mga nagsabing maki-kick out na siya sa SLU. Hindi lahat yan tsismis. Dahil nung sumunod na nakita ko siya, schoolmate ko na rin siya sa University of Baguio nung nag-transfer ako dun.

Kahit anong size man ng boobs mo, okey lang yan. Basta carry mo girl, rerespetuhin ka. Kung malaki ka man, be proud! But always make sure you don't disgrace yourself. Hindi boobs mo ang magbibigay sayo ng character mo. Kundi sarili mo.

At kung liligawan ka rin dahil sa boobs mo, naku sister, batukan mo na lang at hintayin ang Prince Charming mo. Obviously, may ibang gusto ang lalaki na yun sa iyo. At teka, kung malaki sayo, malaki rin ba kay boy? O ha, di ba! Dapat naisip mo yun! Hehehe. Para patas di ba.

At hindi naman mahalaga sa isang lalake ang malaking boobs eh. Di ba guys? Di ba!? (umaastang susuntok) Good boy! hehehe.

Related posts:

Random Sayote Entries:

Blogging from Baguio City

Hello mga peeps! Kala ko walang net dito sa bahay. Meron na pala. Woohoo! Andito na ako sa Baguio. Sa mga humihingi ng pasalubong, hmm... pano kaya to, down ang mga trak. hehehe. Hindi biro lang.

Magbabalita lang ako sa kalagayan ng Baguio ngayon. As usual, malamig pa rin dito. Pero hindi na gaya nung bata ako. Parang aircon lang ngayon. Hindi na gaya ng dati na kelangan mo talagang naka-jacket pag lalabas ka. Ngayon, wala lang. May mga nakita pa nga ako sa terminal kahapon na naka sphagetti strap. Kakainggit naman. Sana ganon din kaliit ang braso ko. Kaya kahit na malamig, carry ko pa rin mag sleeveless.

Sobrang foggy ngayon dito sa amin. Magpe-petsur petsur sana ako ngayon kaso walang makita. Parang nasa langit ako lagi dito. Sarap tuloy magkape, kumain ng suman at pandesal.

Yung post ko palang "SQ lives here", tinanong ako ni Wil kung sa Bakakeng kami. Hindi kami dun pero malapit kami dun hehehe. Basta nasa Marcos Highway lang kami. Sa mga madalas umakyat ng Baguio, kawayan niyo lang ako. Hehehe.

Ah, at saka binati ako ni Nanay ng isang sermon at pagkagulat dahil dumoble daw ako according to size. Sabi niya, huwag ka na kasing kumain ng kanin. Huwag ka na kasing kumain ng ganito at ng ganito. Kulang na lang sabihin niya mag-fasting ako. Aminado naman ako dun. Kaso ang hirap talagang mag-diyeta noh! Pero promise susubukan ko! Sinabi ko rin kay Sayote King na sana huwag akong ipagpalit kahit na balyena na ako. Tinawanan niya lang ako.

May bago ng GF (na naman) ang kapatid kong lalake. Ang bilis naman niyang magpalit. Iba na talaga pag gwapo. Naks. Wakokoko. Parang summer fling lang daw ang nangyare sa ex niya. At saka first time, hindi lahing Intsik ang GF niya ngayon. Kasi, magmula nung Grade 1 yan, puro Intsik ang naging crush/GF niyan.

Hindi nag-komento ang kapatid ko tungkol sa double size ko. May utang kasing limang piso.

Ang Nanay ko naman, ubod na ng sexy. Lahat na lang yata ng taba niya nailipat magically sa akin. Mas daig pa ang anak. Tsk tsk. Pero ok lang, sabi niya, ayaw niya daw maging losyang. Bait talaga ng Nanay ko (mana sa anak) hehehe. Nilutuan niya ako ng pinakbet na may chicharon. Kaya as usual, marami akong kinain kagabi. Pinuri ko na lang ng pinuri ang luto ni Nanay para mawala sa isip niyang naka isang balik na ako sa kanin.

***

Gusto niyo pang magbasa?

Sunday, August 20, 2006

Going Back to Baguio

Hello everyone! I hope you enjoy your stay here :) I'll be going back to Baguio today. To visit my family and to visit the sayotes :) so I'll be *out* of the blogging world for a while (or maybe not - for about three days). Anyway, I want to say thank you for all the people who left me messages and comments. I'm very sorry if I can't reply now. But I promise, I'll eventually make it up to all of you.

Shoutouts:

  • Thank you Kadyo for introducing imagecave to me. Mas maganda nga yun! Ayos!
  • I've updated my photoblog with new pictures.
  • Give me time to link you up. If I forget, please kulitin niyo ako by leaving me a message.


You might want to read this old posts:

Ang Pagbatok ng Siraulo Kay She

Ang Multo Sa Puno

Bra Size

Ang Ebolusyon ng Saplot ng Lalake

Ang Pag-giling ni She

Friday, August 18, 2006

Iba Ka Na Pala Ngayon Woooooohhh

Nung high school ako, napipilitan talaga akong kumanta. Hindi ko naman ito hobby, o talent, o past-time... Kung may gusto man akong gawin noon (at hanggang ngayon) eh magbasa ng magbasa. Halos lahat nababasa ko nun. Basta mababasa. Comics. Textbook. Notebook. Nancy Drew. Sweet Valley High. Readers' Digest. Pocketbook. Liwayway. Abante. Bulgar... Pati yung "How to Improve your Sex Life" ng tita ko na iniwan niyang nakakalat sa sala niya nabasa ko na rin. Sekret na lang kung kelan ko na-apply ang mga nabasa ko sa librong iyon.

Back to pagkanta...

Naalala ko nung first day ko sa school na yun, required daw talaga ang kumanta sa music class. Lahat daw ng new students. Hulaan niyo kung ilan ang new students. Ako lang (second year ako nung pumasok ako sa school na yun).

Que barbaridad! Eh pano naman kaya yun? Hindi pa nga ako na-update sa recent na mga tugtugin nun sa Pilipinas, pinapakanta na ako ng guro. Sus marya, ginoo! Biglang naglaho ang pangarap kong manahimik na lang sa sulok ng classroom hanggang dismissal. Pinagpawisan ako ng malamig kasi hindi ko talaga alam ang kakantahin ko... Hindi daw pwede ang Happy Birthday, London Bridge, Twinkle Twinkle Star.

Ano na SQ? Ano ang pwede mong kantahin...

Siguro, kung may genie in a bottle lang ako nun, ang magiging first wish ko ay:

LIFETIME FINANCIAL FUNDS FOR ME AND MY FAMILY. Kala niyo ha hehehe. Biro lang.

Yap, kung may genie in a bottle, talagang iwi-wish kong ilipad ako ng genie sa Babuyan Islands o di kaya gawin na lang akong suman.

Nag-isip ang sayote...

Halos lahat na yata ng santo nahingian ko ng tulong. Pati ang kaluluwa ni Elvis gusto kong sapian ako bigla para "You Aint Nothing but a Hound Dog" na lang ang kakantahin ko with matching Elvis asta and moves.

Nung mga oras na yun, na-mental block ako. Parang naglaho lahat ng mga alam kong kanta sa isipan dahil sa nerbyos. Ikaw ba naman mailagay ng biglaan sa spotlight ng walang rehearsal, props, back up dancers, second voice at orchestra ! Impromptu!

Ganun lang siguro talaga pag hindi mo ma-handle ang pressure ng isang sitwasyon. Natataranta at biglang nabubulok ang mga neurons mo. Biglang nagiging aktibo ang sympathetic nervous system mo. Hindi mo na mawari kung asan ang ulo mo sa paa mo. Halos mahimatay ka na sa nerbyos. O di kaya, halos lumabas na kalahati ng naipong ihi mo.

Wala talaga akong choice. Kelangan talagang kumanta ang kawawang SQ.

Ang mga naisip kong kanta sa mga segundong iyon ay :

Hero by Mariah Carey ba? >> Hindi pwede. Hindi ko kaya ang mga nota.

Humanap ka ng Pangit by Andrew E.? >> Naku, pang old school na yun. Year 1997 na kaya nun! Baka pagtawanan pa ako.

Paglisan ng Color It Red? >> S*it! Nakalimutan ko yung lyrics. Ang naalala ko na lang eh yung oooohhh oooohhhh sa chorus.
Tapos... Tapos... EUREKA! Alam ko na! May naririnig ako sa radyo nun. [SQ rapping]: It goes a little something like this:


Iba ka na pala ngayon ooohh...
Iba ka na pala ngayon...
Kinalimutan...
Hinayaan... at binalewala...
Kinawa... waaaaah..... waaaaaah... wooooohhh...



Sa huli talaga ang pagsisisi. Tinawanan ako ng buong klase non. Walang pumalakpak. Tumawa lang sila ng tumawa. Pati siguro si Ma'am eh gusto ng tumawa pero pinipigilan na lang.

Ginaya nila yung ending ko... kinawa... waaah.. waaah... wooo-oooohhh... Ilang beses nilang inulit at ginaya...

Mali ang choice ko sa kanta. Pang-jologs lang daw yun. Hindi ko na matandaan kung sino ang kumanta niyan eh. Nagagandahan lang ako sa tono. Naitatak sa isipan ko ang kantang yan dahil gandang ganda ako sa mensahe ng kanta.

Magmula nung araw na yun hanggang, siguro mga three months, basta makikita nila ako, kakantahin nila ung ending na kinawa... waaahh.. waaaah.. woooooohhh. Isisigaw pa nila ang kanta na parang di ko naririnig. At ako naman, nakiki-ride na lang at tinatawanan ko sarili ko

Blessed are those who can laugh at themselves, for they shall never cease to be amused. [SQ: Amen!]

Tumigil na lang ang mga classmate kong yun nung nalaman nilang pwede pala akong pagkopyahan ng assignment, pagawin ng project at mag-solve ng mga math problems. Magmula noon, hindi na nila ako kinantsawan sa sinabing kanta [SQ: Yun lang yata ang katapat ng kahihiyang dinulot nila sa akin - tsk tsk tsk]

Kaso ngayong mas tumanda kami ng ilang taon, pag nakikita ako ng mga classmate ko, wika nila, "di ba ikaw yung kumanta ng iba ka na pala ngayon? Ayos ka ha!" Sabay tawa (o tago ng tawa).

At ano naman ang reaction ng sayote? Siyempre ngingiti at sasabihin sa sarili: Pasalamat kayo sa akin ginawa ko mga assignment niyo nun kay Ma'am sa Math!

Monday, August 14, 2006

Bakit Kelangan Ng Mag-Diet ang Reyna ng Sayote

Kaninang umaga, inis na inis (at pawis na pawis) ako dahil hindi ko maitaas yung zipper ng community uniform ko. Yung community uniform kasi namin, may mahabang zipper magmula sa taas ng puwet hanggang sa likod ng leeg. Ang aga ko pa naman nagising para plantsahin ang kaisa-isang uniform at para maaga akong makarating sa meeting place ng grupo papuntang health centre.

Hindi ko maabot ang zipper sa likod kaya gumamit ako una ng ruler. Hindi tumalab. Masyadong malambot ang ruler. Sinubukan ko naman ang aklo na pang-prito. Dinekwat ko ito sa mini-kusina ko at pilit tinataas ang zipper. Hindi pa rin epektib. Sinubukan ko naman ang aklo para sa sabaw. Wa pa rin! Yung bread knife sinubukan ko rin. Wala eh. Para akong isang panday sa lagay na yun.

Que barbaridad!

Tumutulo na ang pawis ko katataas ng nasabing zipper. Tapos late na ako. Napapasigaw na ako sa inis.

Sinubukan ko naman tumalon ng tumalon parang isang kuneho. Baka sakaling tumalab ang acrobatic stunts ng sayote. Baka makontra ko ang gravity. Pero wala pa rin. Umupo ako sa bean bag at nag-isip ng ibang stratehiya. Mangiyak-ngiyak na ako dahil naisip ko baka mapagalitan ako ng instructor sa health center pag hindi ako naka complete uniform. Gusto ko ng hilain ang buhok sa inis. Sinubukan ko namang tumalon gaya ng isang kangaroo. Ayaw pa rin. Que barbaridad!

...kahit hindi ako nakahiga, mukhang pitpit pa rin ang boobs ko...
Sinubukan ko ring humiga sa kama ko baka sakaling mapitpit ang aking tiyan at tuluyang ma-inangat ang zipper. At para na rin mapitpit ang boobs ko, kahit na sa totoo lang, kahit hindi ako nakahiga, mukhang pitpit pa rin . Hindi naman pwedeng maging option na huwag na akong mag-bra. Maliban na lang kung gusto kong manakot ng mga tao.

Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin pwede. At parang bigong katipunero, ako ay nakayuko papunta sa aking aparador upang dekwatin ang uniform na para sa lecture, bitbit ang mga armas ko sa pakikibaka - ang mga aklo na pangluto.

Kinwento ko ang pangyayare sa aking mga ka group mates. Pang funniest home videos daw ako. Tapos nag-suggest pa sila ng mga paraan para mazipper ko ang bwisit na uniform ko sa susunod na duty. Sabi nila, lagyan ko daw ng sinulid ang zipper para mahila ko pataas ang zipper. Sabi naman ng isa, punta daw ako sa sari-sari store na malapit sa apartment para ipataas ang zipper. Pero tingin ko hindi ko kayang gawin yun. Alam niyo naman ang sayote, konserbatib! Yeah right!

Since nag-suggest na rin ang iba, naki-ride on na rin ako. Sabi ko, tatalian ko na lang ang zipper at tatalon mula sa second floor hanggang sa baba. Tiyak aakyat ang zipper ko sa likod. At mababali ang mga buto ko sa paa. Ala bungee jump.

Heto pala ang video nung unang araw namin sa community. Guess niyo kung sino ang sumigaw ng yehey sa huli .



Tawa ako ng tawa kasi hindi nakaka-akyat ang traysikel na sinakyan namin. Pano ba naman, sabi ko sa isang kaklase ko na malaki din ang katawan na huwag sumabay sa amin. Para ang sasakay lang eh ako at ang isang kaklase kong seksi. Ewanko kung mahinang klase lang ang motor ni manong. Talagang sabi pa ni Manong nung paakyat na kami ng matirik na daan, "Patay tayo dito!"

Que barbaridad! Patay nga kami. Halos mag self-combustion na ang traysikel ni manong sa kapipilit sa pag-akyat ng daan na yun. Ang ginawa niya, lumiko siya sa kanan na daan kung saan may matirik na pababa. Bumaba kami sa daang ito at nag- u TURN si maong. Talagang binwelo niya pa. Para siyang makikipagkarera sa tindi ng rebolusyong ginawa niya sa motor.

Broom! Broom! One, two, threeeeeee!

eeeeeennnnngg! ennnnnng! broom! broom!

(SQ nagdadasal: Diyos ko! Paakyatin niyo lang po ang traysikel na to at pramis ko po hindi na ako laging late sa klase please Diyos ko! )

Parang sasablay na naman kami. Kulang na lang ipatulak sa amin ang tricycle niya. Wish ko lang maglaho na nung oras na yun ang mga ekstrang kilos ko. Wish ko lang bigla akong maging kasing payat ni Michael Jackson.

eeennnnnnnngggg! eeeennnngg!
...para naming natahak ang Mount Everest... Kulang na lang maglagay kami ng bandila ng Pilipinas sa tuktok ng daan...

Sa wakas! Nakarating na rin si manong sa taas ng daan kung san papag na. May side comment pa ang payat kong classmate na baka sira na yung clutch ni manong. Dahil sa totoo lang, parang nasunog na goma ang amoy ng traysikel. Para naming natahak ang Mount Everest. Siguro proud na proud si Manong. Kulang na lang maglagay kami ng bandila ng Pilipinas sa tuktok ng daan na yun para maipakitang naiakyat niya sa ganong katirik na daan ang dalawang malalaking tao plus isang payat.

Pagdating sa health center, nagtataka ang mga iba naming kagrupo na kasabay naming sumakay ng traysikel kung bakit ang tagal namin. Eh di siyempre, kinwento ko na naman. Tawa na naman ng tawa ang mga kagrupo ko.

Siyempre, tawa na rin ako ng tawa. At pinaalam ko sa aking sarili at adipose tissues na kelangan ko na talagang mag-diyeta!

A Different Kind of Testimonial

Yesterday, I had a chance to clean my place (finally!) And I stumbled upon this stationery in one of my boxes. I remember that we each had to provide a piece of paper and pass it around the whole class for our classmates to write testimonials. This was way back (okay, not so way back) in Saint Louis University, Baguio, during my 3rd year in Pharmacy. So here it is... I'd just 'brag' for just a little while ok? :)

Sunday, August 13, 2006

Baguio Food

I have tried living in another country and I am living proof to the cliché "home sweet home". I do not know why the Philippines has much effect on my sense of patriotism, if you would like to call it that. I do not know why the Philippines has much appeal on me. Must be the principle of jus soli running through my cholesterol-filled arteries.

With all the chaos going on, majority of people do not see this country as a haven for growth, development and promoter of conducive living conditions. While political bickering is the main attraction in our country (I think), it is always a relief to know that when things go wrong in our country, there's always a Pinoy smile (and beauties) that can make everything feel much better.

However, I will not dwell on patriotism and politics. I love my country, and just like any other person, no country is perfect too... We all have comments about our country. I say, just love it.

Let's dwell on something more appetizing then...

I remember when I was in first year college taking up Pharmacy in Saint Louis University, I was introduced to a store selling various street foods. It was a stone's throw away from SLU. It was located on a street corner going to New Lucban. My favorite food there is tok neneng. I recently found out that this was not called by that name here in Manila though. Quail eggs covered with an orange flour mixture. To top it all off, a generous amount of hot sauce will be poured by the 'ale'. I remember I would eat a dozen , okay I'm kidding. We usually ate 4 to 6 pieces, depending on how hungry we were or how much extra allowance we had. We usually drank sago't gulaman with this.

My favorite place to eat lunch is Marosan's, located near the Otto Hahn building of Saint Louis University. But they have a branch near New Lucban too and in front of SLU main gate. My favorite is Marosan Rice. Pork chop/ chicken, with fried rice, vegetables and a sunny side up egg. I usually have condiments by my side: soy sauce with calamansi at sili. Double yummy.

On the later part of my college days in Saint Louis University, I was introduced to betamax, isaw, and one day old. There's also this chicken leg that the 'tindero' fondly calls adidas, although I never tasted it.

Betamax you say? Yes, betamax. And it ain't the thing that you insert on betamax players. I haven't tasted it though. My friends say it's delicious.

Of course, one day old is my personal favorite with matching vinegar. Tastes like heaven. Better than ice cream. Well, ok, ice cream is great too.

Isaw... Well, I buy isaw whenever barbecue is not available. I believe these are chicken intestines, which are thoroughly cleaned of course. I hope.

And who could beat balot in the cold city of Baguio? It's always great to sip on it during a chilly night. I do not mind having a date who buys me balot. I think he would be original. And original for me is romantic .

One of my favorite restaurants in Baguio is GOBI. Food is served in large bowls. Affordable too. I usually eat here everytime I go back to Baguio. You should try it too. It's along Session Road near La Azotea Building. My favorite is Gobi Rice and their chicharon bulaklak. Panalo!

Another personal favorite is Balajadia's. It's in Slaughter House along Magsaysay Road. I do not know why the place was called as such. But everytime my Dad would ask us where we would want to eat after going to church (yes people I do go to church), we would reply, "Sa slaughter house".

I'm telling you, if you go here, you will not expect nothing more than a bulging tummy. Food is cheap and delicious. I remember on my most recent trip to Baguio with Sayote King, we ate here and paid only 165 pesos for a meal that we were not able to finish eating because we were too full to continue. I love their bulalo. It's heaven made on earth next to "you-know-what" .

As you can see, everything goes for me. I am not the type who gets disgusted on streetfoods. While I am risking myself for a worst case scenario thypoid fever if ever what I eat is contaminated, it's hard for me to reject delicious food. I think that's why my past BF's and current BF have/had no problem with me coz I'm a 'koboy'. Did that sound like a friendster profile intro? Or was it just my fingers typing?