Monday, August 14, 2006

Bakit Kelangan Ng Mag-Diet ang Reyna ng Sayote

Kaninang umaga, inis na inis (at pawis na pawis) ako dahil hindi ko maitaas yung zipper ng community uniform ko. Yung community uniform kasi namin, may mahabang zipper magmula sa taas ng puwet hanggang sa likod ng leeg. Ang aga ko pa naman nagising para plantsahin ang kaisa-isang uniform at para maaga akong makarating sa meeting place ng grupo papuntang health centre.

Hindi ko maabot ang zipper sa likod kaya gumamit ako una ng ruler. Hindi tumalab. Masyadong malambot ang ruler. Sinubukan ko naman ang aklo na pang-prito. Dinekwat ko ito sa mini-kusina ko at pilit tinataas ang zipper. Hindi pa rin epektib. Sinubukan ko naman ang aklo para sa sabaw. Wa pa rin! Yung bread knife sinubukan ko rin. Wala eh. Para akong isang panday sa lagay na yun.

Que barbaridad!

Tumutulo na ang pawis ko katataas ng nasabing zipper. Tapos late na ako. Napapasigaw na ako sa inis.

Sinubukan ko naman tumalon ng tumalon parang isang kuneho. Baka sakaling tumalab ang acrobatic stunts ng sayote. Baka makontra ko ang gravity. Pero wala pa rin. Umupo ako sa bean bag at nag-isip ng ibang stratehiya. Mangiyak-ngiyak na ako dahil naisip ko baka mapagalitan ako ng instructor sa health center pag hindi ako naka complete uniform. Gusto ko ng hilain ang buhok sa inis. Sinubukan ko namang tumalon gaya ng isang kangaroo. Ayaw pa rin. Que barbaridad!

...kahit hindi ako nakahiga, mukhang pitpit pa rin ang boobs ko...
Sinubukan ko ring humiga sa kama ko baka sakaling mapitpit ang aking tiyan at tuluyang ma-inangat ang zipper. At para na rin mapitpit ang boobs ko, kahit na sa totoo lang, kahit hindi ako nakahiga, mukhang pitpit pa rin . Hindi naman pwedeng maging option na huwag na akong mag-bra. Maliban na lang kung gusto kong manakot ng mga tao.

Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin pwede. At parang bigong katipunero, ako ay nakayuko papunta sa aking aparador upang dekwatin ang uniform na para sa lecture, bitbit ang mga armas ko sa pakikibaka - ang mga aklo na pangluto.

Kinwento ko ang pangyayare sa aking mga ka group mates. Pang funniest home videos daw ako. Tapos nag-suggest pa sila ng mga paraan para mazipper ko ang bwisit na uniform ko sa susunod na duty. Sabi nila, lagyan ko daw ng sinulid ang zipper para mahila ko pataas ang zipper. Sabi naman ng isa, punta daw ako sa sari-sari store na malapit sa apartment para ipataas ang zipper. Pero tingin ko hindi ko kayang gawin yun. Alam niyo naman ang sayote, konserbatib! Yeah right!

Since nag-suggest na rin ang iba, naki-ride on na rin ako. Sabi ko, tatalian ko na lang ang zipper at tatalon mula sa second floor hanggang sa baba. Tiyak aakyat ang zipper ko sa likod. At mababali ang mga buto ko sa paa. Ala bungee jump.

Heto pala ang video nung unang araw namin sa community. Guess niyo kung sino ang sumigaw ng yehey sa huli .



Tawa ako ng tawa kasi hindi nakaka-akyat ang traysikel na sinakyan namin. Pano ba naman, sabi ko sa isang kaklase ko na malaki din ang katawan na huwag sumabay sa amin. Para ang sasakay lang eh ako at ang isang kaklase kong seksi. Ewanko kung mahinang klase lang ang motor ni manong. Talagang sabi pa ni Manong nung paakyat na kami ng matirik na daan, "Patay tayo dito!"

Que barbaridad! Patay nga kami. Halos mag self-combustion na ang traysikel ni manong sa kapipilit sa pag-akyat ng daan na yun. Ang ginawa niya, lumiko siya sa kanan na daan kung saan may matirik na pababa. Bumaba kami sa daang ito at nag- u TURN si maong. Talagang binwelo niya pa. Para siyang makikipagkarera sa tindi ng rebolusyong ginawa niya sa motor.

Broom! Broom! One, two, threeeeeee!

eeeeeennnnngg! ennnnnng! broom! broom!

(SQ nagdadasal: Diyos ko! Paakyatin niyo lang po ang traysikel na to at pramis ko po hindi na ako laging late sa klase please Diyos ko! )

Parang sasablay na naman kami. Kulang na lang ipatulak sa amin ang tricycle niya. Wish ko lang maglaho na nung oras na yun ang mga ekstrang kilos ko. Wish ko lang bigla akong maging kasing payat ni Michael Jackson.

eeennnnnnnngggg! eeeennnngg!
...para naming natahak ang Mount Everest... Kulang na lang maglagay kami ng bandila ng Pilipinas sa tuktok ng daan...

Sa wakas! Nakarating na rin si manong sa taas ng daan kung san papag na. May side comment pa ang payat kong classmate na baka sira na yung clutch ni manong. Dahil sa totoo lang, parang nasunog na goma ang amoy ng traysikel. Para naming natahak ang Mount Everest. Siguro proud na proud si Manong. Kulang na lang maglagay kami ng bandila ng Pilipinas sa tuktok ng daan na yun para maipakitang naiakyat niya sa ganong katirik na daan ang dalawang malalaking tao plus isang payat.

Pagdating sa health center, nagtataka ang mga iba naming kagrupo na kasabay naming sumakay ng traysikel kung bakit ang tagal namin. Eh di siyempre, kinwento ko na naman. Tawa na naman ng tawa ang mga kagrupo ko.

Siyempre, tawa na rin ako ng tawa. At pinaalam ko sa aking sarili at adipose tissues na kelangan ko na talagang mag-diyeta!

31 comments:

~*galenlondeien*~ said...

Kakatuwa naman ang adventures mo. Ako may mga ganyang moments din kasi pataba din nang pataba. Hehe!

KaDyo said...

buti na lang at di nagkabali-bali ang buto ng sayote habang tinataas mo yung zipper ng damit mo. alam mo me teknik dyan eh:
step 1: kumuha ng isang pakong de medya (1/2 inch) at martilyo (wag mong ipukpok sa ulo mo ha)
step2: kumuha ng silya. lumapit sa ding-ding, tumayo sa silya at ipako ang pako.
step 3: bumaba sa silya at isuot ang uniporme
step 4: tumungtong ulit sa silya at isyut ang zipper sa ulo ng pako.
step 5: tumalon ng slow motion mula sa silya at presto nakataas na ang zipper mo
hehehehe

yna said...

anu yun??

hindi ko masabi kung minalas ka talaga kasi tawa ako ng tawa!

nyways, ako din, diet na!

kneeko said...

Dapat paretoke mo ang community uniform mo para di ka na mahirapan hehehe, o patahi ka ulit ng agnkop lang sa katwan mo, o di kaya hinayaan mo na alng na bukas sa likod hehe…

Grabe kakatuwa ang naranasan nyo ah… baka naman mabigat si manong, hindi kayo. O di kaya luma na ang traysikel niya kaya papagutpot na hehe..

O siya simula mo ng magdiet at exercise okies….

utakgago said...

tingin ko, kelangan bawasan mo ang pag-upo para lumiit ang pwet mo (hala, parang may kuneksyon).

salamat nga pala sa pag-link. nagulat ako ha! =)) hehe. anyway, link kita later ok?

ABA. may video pa! hehe.

ayyy grabe. :D buti nakaakyat yung tricycle... natatawa ako sa kwento mo. =))

ayun lang. http://utakgago.blogspot.com tiga saan ka ba- SQ? hehe.

* diday kampupot * said...

sayots, que horror! :) kidding. basta wag ka lang magtake ng chinese slimming pills oki?

my dear, gusto ko lagi dumaan dito sa tambayan mo... kaya lang... kaya lang... 10K years magload mother! hehehe. :) is it just me and my server? hmmm...

watson said...

Bwahuhuhuhu. Nangyari na rin yan sa amin. Hindi yung zipper ha (sino ba ang nag-design ng uniform nyo at ipa-try nyong isuot nila?), kundi yung tricycle. Pinagdidiskitihan syempre yung heavyweights. Yung one time, bumada na lang dalawa naming kasama at naglakad paakyat habang hinatid kami ng tricycle paakyat. Kasama ako sa mga featherweight, although sa last physical exam namin, obese na raw ako! waaaah

janelle said...

natatawa aq dun sa zipper... matanung ko lang, alin sa mga solusyon ang gumana? :D

Alternati said...

hehehe.. natuwa ako sa misadventure mo. Haaaayyy.. anhirap magpapayat. Natry ko nang yosi lang agahan ko, not effective. Ansarap kasi mag-snack eh. Kelan kaya magkakasya jeans ko from high school? Good luck sa pagpapapayat!

Jonell said...

ang kuwento ng mahiwagang zipper.

bow.

ni-link nga pala kita.

saya dito.

-- http://paurong. blogspot.com

Anonymous said...

LOL! Kawawa ka naman, nasira tuloy araw mo dahil sa lecheng zipper! hehe! Agree ako dun sa suggestion ng friend mo na talian mo ng sinulid yung pang-zip at yun ang hilain mo pataas. My mom has formal clothes like that. They have some sort of string on the end of the zipper to help the one wearing the dress to zip up by themselves. :)

jamie said...

tip ko hilahin mo pataas ang uniform para maabot ang zipper! LOL


hehe pero if you're seriously considering losing some inches i suggest you try yoga! pero if you don't want physical activities.. don't eat anything at all LOL... fast relief --- shabu in a capsule, then again, you'll have a rebound effect so might as well do it slowly but surely...


or the easiest solution to your problem - patahi ka bago uniform o kaya pa-adjust mo zipper! mapapansin pa ng mga kaklase mo kapag lumuwag, pumayat ka! ;-D

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

sa susunod, kumuha ka ng sampung perdible, wag mo ng isara ang zipper ... daring pa ang dating ;)

wag na rin sumakay sa traysikol, dapat basta may pagkakataong pagpawisan ka, sugod! heheh

*title ng next post mo D' Sayote Diet

... nangungulit lang uli ading :)

Raymond said...

Que Barbaridad! Sobrang nakakarelate ako dito Ate SQ! Wahahahahaha. Ako rin magbabawas na ng adipose tissues. Hehehe. Ü

Salamat nga po pala sa pagbati at pagbisita sa aking blog. =)

tutubing_karayom said...

hay naku ganyan din ang problema ko pag sumasakay ako ng traysikel feeling ko hindi kami makakaakyat at kelangan kopang bumaba para makasulong heheh

Mish said...

waheheh. astig. pag effective yung diet ninyo, pakisabihan lang ako kung anong paraan ginamit niyo. sana yung pwede pa ring kumain nang 5 beses isang araw. wag na kasi mag-tricycle. layo ba sakayan? lakad na lang para bawas din ng taba. yun nga lang pagdating sa destinasyon, amoy pawis na! lungkot...

Joan said...

hi sayote, mas mabilis na nga ngayon mag load ang page mo sister, I love it! And don't worry, beauty comes from within naman noh, siguro, maliit lang talaga ang uniform, hahaha. have a nice day!

Leah said...

you are really funny...or is it the situation that is funny....galing mo lang mag-describe...

i like the suggestions above. ingat lang baka matusok ka sa aspili o kaya sa pako.

i think, bawas-bawas lang sa kain ng street foods, he!he!

ni-link kita, ok?

monique said...

wee, nakakatuwa nmn po.. try stretching the unifrom nangyayari rin kc yan sken ehh.. !! ehehe..
ang galing nmn ng mga adventures moo ehehe..

napadaan lng pohh...

kangel said...

Hahaha! Tawa ako ng tawa sa entry na itooohhh! Que barbaridad! hahahha!

Alam mo ang mas ok na pang-diyeta... STRESS galing sa mga professors... Tingnan ko lang kung di ka papayat nyan.. :))

Anonymous said...

ms. sayote queen, pwede mag tanong? ano ba ibig sabihin ng que barbaridad?

kapitana lipz said...

nyahaha! what a bunch of funny adventures. saya natin ah! :)

Fiel said...

I wonder kung anong itsura ng reyna ng mga sayote...hmmm... :)

KaDyo said...

oo ng ano ba ibig sabihon ng que barbaridad hehehe. SQ maglagay ka naman ng tag board para sa greetings at mga request hehehe.
uy weekend na sa amin happy weekend hehehe TC SQ =D

bulitas said...

aliw.hehe.
nga pla, natagpuan ko fotoblog mo. ganda. =)

*eLLe* said...

hay nako pareho lang tayo, ako nga 100 pounds ata binigat ko.

diyeta na tayo SQ! :)

rHo-aNne said...

hahaha...natuwa naman ako sa adventures mo!! iparetoke na ang lichugas na uniform na yan.. pinapahirapan pa ang sayote! hahaha!

sa video, serious na serious si manong ha!! hahaha.. talagang ni hindi ko man lang narinig ang boses nya! hahaha! kaya siguro hindi kayo nakaakyat nung una dahil masyadong preoccupied si manong, tinan mo nung nag-concentrate na... panaloooo... nakaahon!! haha!!

Mmy-Lei said...

tama yung sinabi ng friend mo maglagay ng tali dun sa kawit ng zipper, pero wag sinulid na pang-sulsi! hehehe

tutubing_karayom said...

hmmmm parang gusto kong kumain ng tinola... naalala kc kita.. heheh!

lojik said...

naku sis, dyeta nga ang kelangan mo! di rin maganda sa health ang maraming fats. maraming bad choles.

siguro dapat isang taong sayote lang kainin mo! nyahahaha.... joke lang. buti naman di nasira trisikel ni manong kundi konsensya mo pa.

di ko nakita ung video. me virus kase yung ps ko!!!

Michelle said...

kakatuwa ka naman, na-imagine ko tuloy yung situation mo habang sinusuot yung uniform hehe...

kailangan na nga siguro mag-diet sister. kaso sarap kumain noh? :)

i'm enjoying reading your blog, keep it up!