Wednesday, August 02, 2006

Balahibong Pusa

Sa isang Catholic all girls school ako nag-high school. So as expected, isa akong banal na estudyante. Dasal dito. Dasal don. Linis dito. Linis don. Aral dito. Aral don. Tahi dito. Tahi don. Lahat na yata ng gawaing pang madre, nagawa ko. Ewan ko lang sa iba ha. Pero goodie-goodie talaga ako ng high school.

Ewan ko lang kung anong nangyare sa akin nung college.

May isa akong hindi makakalimutan nung highschool...

Isang araw, bigla na lang naisipan ng barkada na manood kami ng bold film. Sa bahay namin. Eh ako, ayaw ko namang tumanggi dahil baka ma OP (out of place) ako sa mga barkada at masabihang isang KJ (killjoy).

At saka gusto ko rin ma-try. Kumabaga, virgin pa ako sa mga bold/ porno na mga yan. Bibinyagan nila ako. Kahit na mas matanda ako sa kanila noon, sila ang namilit na it's time na daw para ako'y mamulat sa mundo ng ganoong mga pelikula. Kung noon eh hanggang comedy lang ako at sci-fi, now it's time daw na R-18 naman.

So after school, pumunta kami sa Session Road para mag-rent ng CD sa ACA video. Sa kamalasan ko, naiwan ng aking barkada yung card niya at ako na lang ang tangi nilang pag-asa para mamulat sa mundo ng bold. Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang mga yon dahil matampuhin sila. Nag-isip ako ng mga pwedeng excuse na huwag yung card ko ang gamitin. Dahil nagshe-share kami ng tatay ko. Naisip ko kasi, baka malaman niya na ang anak niya ay may itinatagong pagnanasa na manood ng porno.

Yari ako dun kung sakali mang mangyare yun.

Pero hindi talaga ako nakatanggi dahil bumili na ang barkada ng Oishi, Nova, Piatos, at Lala with matching suka.

Pumasok kaming lahat sa ACA video... Ako, half-excited, half ninenerbyos. Half-wise. Half tanga. Pumunta kami sa ADULT section.

Nanlaki mata ko sa mga nakita kong CD covers at mga title. Kahit na may saplot pa ang mga yun. Hindi nakayanan ng powers ko ang mga naka bra at panty lang na mga babae ng Playboy. Ang mga "Jenna does New York", "How to liven up your sex life", "Sutla", "Talong", "Kama Sutra"...

Que barbaridad. Title pa lang! Ulam na! May "Sayote" na kayang bold film. Kung wala, ahem... gagawa tayo. Que barbaridad!

Namili ang mga kasama ko ng isang bold film... kung san starring si Rica Paralejo... Balahibong Pusa. Que barbaridad. Parang pilit kong tinatanggihan ang CD. Ayaw ko, natatakot ako.

Kama Sutra na lang...

Pero, since mabait ang Sayote, Balahibong Pusa ang nirent namin...

Nung araw na yun, maraming tao dahil Biyernes. Kaya pilit ko pang tinatago ang CD at pinapasa sa mga kasama ko dahil nahihiya ako. Eh ayaw nila... Pinagtatawanan nila ako. Since ako daw ang may card, ako daw ang hihiram, magbabayad at magpapahiya ng sarili ko.

Binigay sa akin ang pera. Kinuha ko ang card sa wallet kong Kerokerokerokeropi. Nakipila ang sayote.

Nagpasalamat ako sa Maykapal noon dahil wala akong kasamang nagbabayad. At nagdasal ako na walang tatabi sa akin sa counter.

Pero hindi yata narinig ng Diyos ang dasal ko. (Sayote Queen kumakanta : Natuuu-tulog ba ang Diyos, natutulog ba.....) After isang minuto, que barbaridad! May tumabing dalawang binata sa akin... Pinagpawisan ako ng malamig... Ang bagal naman kasi ng nag-aayos ng nirent naming bold.

Sabay hirit, "Ma'am, you rented Balahibong Pusa, this will be due after 2 days..." Buti sana kung mahina lang ang boses niya. Pero hindi eh, parang nagtitinda ng sili sa palengke.

Tumawa ng malakas ang dalawang lalake sa tabi ko.

"Tol, balahibong pusa oh..."

Nagtinginan kami ng mga lalake. Ano kaya dumaloy sa mga isip nila?

Ako? Gusto ko ng maglaho bigla para hindi na ako mapahiya lalo. Gusto kong i-madyik ako ni David Blane papuntang Zimbabwe.

Kinwento ko ito sa mga barkada ko at ako'y tinawanan hanggang sa bahay... Que barbaridad.

Wala na tuloy akong ganang manood ng Balahibong Pusa. Pero after 1 minute, may gana na ako.

18 comments:

ofelia joy said...

and....??? what happened???? ano reaction mo??? :D hehehe.... ok. alam ko na.. i woon't tell anybody. \peace/

ofelia joy said...

at saka nga pala.... na track ga ng iyong butihing ama ang summary report ng mga ni rent??? :P \peace/ hindi naman kita isusumbong :D

malaine said...

hahaha! kakatawa naman sex este xperience mo sa rental shop. pero buti nga balahibong pusa lang, ako yong una ko, scorpion nights ni gino antonio at jacklyn jose hahaha!

meowok said...

so what did you think of the film? :D

justine said...

Nalaman kaya ng iyong butihing itay ang iyong ginawa? Hmmmm... Well, hindi ko pa naman nararanasan iyan kasi wala pa akong balak. Baka pag 30 yrs. old na ako... Pinakamalala ko na yata ang American Pie 2 eh. (Ngek, malala na ba yun?!) Goodluck sa future ventures niyo!

yasu said...

haha.. aku din, nag-highschool sa isang exclusive skul por gerls!!

hmm.. may hinala na kong classmates tayo dati a. haha

ang kulit.. na-curious tuloy ako kung nakita ng tatay mo yung ebidensya. wahaha

pilimon said...

KUTOB lang ha.. marami ang magkokomento sa post na to.. wala lang.. feeling ko lang.. :p

teka, ano ba yang pinag-uusapan nyo? hindi ko kayo maintindihan. naguguluhan ako.. :p

pao said...

hahaha! nakakatawa basahin ito. so anong nangyari afterwards ms queen sayote? na-enjoy ninyo ba yung movie? nakita ba ng tatay mo sa report na nanghiram ka nito? habang nanonood ba kayo eh may biglang dumating sa house ninyo?

bitin!

update, update! part 2! :lol:

Ka Uro said...

hahaha. anak ng pusa o, muntik akong maihi sa salawal ko sa katatawa. mahiram nga yang balahibong pusang yan. di ko pa napapanood yan ah.

chino said...

potcha..ang ganda ng post mu!..hahahahaha.. ako isa ako dun sa mga taong inuutusan ang ibang bumili.. bwahahahahahahaha... mabuhay~!

hanaKZ said...

wahahaha..nakakatawa talaga balikan yung mga kalokohan natin nung highschool no!, siguro kung may kung anong iniisip ung dalwang lalakeng yun..hehehe...

watson said...

hahaha! Sayote Queen, you made my day. Member kasi ako ng blogkadahan.com at ang topic for this month ay about sex. Grabe, hindi ako sumali. Pero pinipilit nila ako. Wala talaga ako maisip na pwede i-kwento. Nagkaroon ako ng similar experience sa yo pero hindi ako ang nag-rent. hehehe.

Nakakatuwa kwento mo. Reminds me of the good old days. Excited syempre kasi andun yung feeling na baka mahuli ka!

mama jenn said...

girls school din ako nag-hayskul, goodie goodie rin ako. pero goodie goodie goodie rin ang mga barkada ko kaya wala akong experience na ganyan. :D

Obi Macapuno said...

astig... trip ko yan. andyan si Joyce Jimenez e. kras na kras ko yun.

jai skizzy said...

nung high school ako nag-rerent din kami ng bold (laser disc pa nun) at ako madalas ang host. pero mas malimit e sa sinehan kami nanonood (note: cutting classes). panahon pa ni rosanna roces at priscilla almeda. ako tagabili ng ticket.

nakasama ka ba sa mga escapades na yun obi?

ralphT said...

nice. haha. pag mga tipong ganyan kasi na movies, hindi nirerent yun! haha. bumibili ng pirata! (wag sana ako huntingin ni Bong Revilla dahil bumibili ako ng pirata... but then, who doesnt? haha) oh... and i dont encourage people to buy pirated cd's... lalo na pag love nyo yun artist! haha. support them. pero ang problema, ang mahal lang talaga ng orig. haha

Sayote Queen said...

HELLO MGA PEEPS :) THANK YOU PO SA LAHAT NG NAGCOMMENT... SORRY HINDI KO MASYADONG NAASIKASO ANG PAGSAGOT SA MGA COMMENTS NIYO. BISI KASI AKO. :)

TUNGKOL NAMAN SA NANGYARE SA PINANOOD NAMIN... SA SUSUNOD NA ENTRY YUN. HEHEHE.

KaDyo said...

yus kwento mo SQ it bring back memories nyehehe..o kwento muna kung paano ninyo pinanood o baka sinoli mo na rin yung tape agad heheheg