Monday, August 21, 2006

Big Boobs or Small Boobs?

Warning : Medyo pang R-18 to ha! Tumuloy lang kung hindi makitid ang utak mo...

Kelangan ba talagang malaki ang boobs ng isang babae para magustuhan siya? Pano kung singlaki lang ng pisong pandesal? May manliligaw pa rin kaya?

Sa sariling opinyon ko, hindi naman talaga kelangang malaki ang boobs ng babae. Oo, asset na kung asset kung malaki. Pero hindi yun ang magiging basehan kung liligawan ka o hindi. Dapat, CARRY MO sister! Literally!

May misconception din kasi ang mga babae (at lalake) na kung malaki ang boobs ng isang babae, patok na patok siya sa lalake. Kumbaga, kelangan daw malaki ang boobs para magkaroon ka ng epekto sa mga male species. Pero hindi naman talaga di ba mga lalake? Di ba? Di ba? (SQ: Ngyek! Hindi ba?)

Halimbawa, nung nasa Saint Louis University ako, may isang Med Tech student na jumbology ang kaniyang hinaharap... Kung kay Ruffa Mae Quinto, jumbo, iyon double jumbo. Pero ang problema, 4 feet 11 inches siya. Parang hindi bagay di ba. Pero sariling opinyon ko lang yun ha. Walang personalan.

Tuwing nasasalubong namin siya, napapatunganga ang mga kasama naming lalake. Dahil maliban sa kaniyang napakalaking hinaharap, okey pa manamit ang girlash na to. Mini skirt, spaghetti strap, see-through blouse, atbp. Siguro siya na ang naging dahilan sa pag-hihigpit ng SLU sa dress code. Akala ko nga ako ang naging dahilan dahil sa sobrang baduy ko.

Anyway, pansinin talaga ang girlash, dahil kung nakita niyo man siya, para siyang pupunta lagi sa Alberto's o Gimbals sa get-up niya. Kulang na lang, sabayan siya ng isang floating disco ball.

Sa akin naman, walang problema 'to. Wala akong paki-alam kung ganun siya manamit. Pero sa totoo lang, naaawa ako kasi madalas siyang mabastos. Naalala ko minsan nakasama ko yan papasok sa gate ng Otto Hahn. Nung pagdating sa tambayan ng mga guys between Adenauer building at Otto Hahn building, andaming sumipol, andaming nag-comment. At enjoy na enjoy pa rin si girlash. Kumaway pa ang jumbology.

At da worst talaga ang nangyare sa isang Natural Sciences night namin. Technical crew ako nun at nasa harap kami ng mga kasama ko. Kasali pala siya sa dance number.

Que barbaridad! Dance number nga. Ang sinuot ni girlash eh isang off-shoulder dress. Meaning, pag yumuko man siya, makikita na ang mga Mount Mayon niya.

Eh ang dance number na yun, talagang mabilis, matalon, at funky na funky. Kaya ang nangayare, kada talon ni girlash, tumatalon na rin ang kanyang hinaharap. Ito ay ikinatuwa ng mga lalakeng audience siyempre. Pati nga ako, tuwang tuwa pero nahihiya na ewan. Hindi ko mawari nararamdaman ko nun eh.

Kaya naging special attraction ang girlash na ito. Hindi naiwasan na maglabas ng iba ng mga cellphone nila para i-video nila ang girlash na yun. Malakas ang mga hiyaw, sipol, palakpak. Pero hindi ko narinig ang BOO!

Tsk tsk.

Since nasa harap ang sayote, kitang kita ang mga moves ni girlash. Pati moves ng kanyang hinaharap, kitang kita ko rin. Hindi kasi pareho ang direksyon ng pag-galaw ni girlash at kanyang hinaharap. Since mabigat ang hinaharap, parang may delay sa pagsabay ang boobs niya. Kumbaga, normal ang speed ni girlash, pero ang hinaharap, parang slow motion. Kung nasa kanan na ang mga steps ni girlash, parang nasa left pa rin ang hinaharap niya.

Hindi mapagkakaila na siya ang naging headline sa sumunod na araw. May mga kumakalat na balita na hindi rin siya naka-bra nung gabing yun. Meron din ang mga nagsabing maki-kick out na siya sa SLU. Hindi lahat yan tsismis. Dahil nung sumunod na nakita ko siya, schoolmate ko na rin siya sa University of Baguio nung nag-transfer ako dun.

Kahit anong size man ng boobs mo, okey lang yan. Basta carry mo girl, rerespetuhin ka. Kung malaki ka man, be proud! But always make sure you don't disgrace yourself. Hindi boobs mo ang magbibigay sayo ng character mo. Kundi sarili mo.

At kung liligawan ka rin dahil sa boobs mo, naku sister, batukan mo na lang at hintayin ang Prince Charming mo. Obviously, may ibang gusto ang lalaki na yun sa iyo. At teka, kung malaki sayo, malaki rin ba kay boy? O ha, di ba! Dapat naisip mo yun! Hehehe. Para patas di ba.

At hindi naman mahalaga sa isang lalake ang malaking boobs eh. Di ba guys? Di ba!? (umaastang susuntok) Good boy! hehehe.

Related posts:

Random Sayote Entries:

23 comments:

janelle said...

agree aq sa sinabi mo SQ! hindi yan sukatan o batayan ng pagkababae. ang magiging batayan dyan, kung papano mo madadala. magpasalamat na lang at meron!

MaRoSe said...

nasa tamang pagdadala yan. doesnt really matter if you're gifted with a DD++ or an A cup. sa akin, personality and smartness pa din ang tamang batayan although let's face it na pag big busted ang isang babae ang tingin ng iba mas sexy or maganda/ mas agaw pansin.
at sana lang din, pag nasa big cup ang 1 babae, sana she carries herself well para hindi sya bastusin.
pero ako, ok na ko dito! di man ako nabiyayaan ng sobra, masaya at kuntento na ako!

kapitana lipz said...

nyahahaha. para sa akin, hindi naMan kailangang malaki ang boobs. basta she knows how to carry it, ayos na, right?

it's all how you work it naman. if you have3 the confidence, masmalakas ang appeal mo.

btw, thanks for dropping by sa blog. comment ko rin ha? :)

fayeangela said...

tinamaan ako. haha. nde kasi ako kaboom. haha.

Ann said...

Wala naman sa laki ng hinaharap kung babastusin or irerespeto ka ng kaharap mo. Sa kwento mo, sya na rin ang gumagawa ng way para sya mabastos. Gusto rin nya yun.

pat said...

If you like/love the person's inside, mas madaling tanggapin ung outside appearance nya, malaki man o maliit. So, it doesn't matter for me.

Well, base sa aking experience, tama naman yung sinabi mo na hindi kailangan maging malaki para may maging epekto sa isang lalake. Hehe.

Pat

cyberpunk said...

hehe kawawa naman yung girl, pero kasalanan nya rin naman kung bakit sya laging nababastos.

as for big boobs, kadalasan talaga napapansin sila ng mga lalaki, pero yung atensyon na ganun eh hindi naman nakakainggit kasi ang babaw, mas maganda yung mapansin ka sa ibang assets mo na hindi lang pisikal...

besides, maraming babae ang considered na vavavoom at hot (like charlize theron at cindy kurleto) kahit na maliit lang ang hinaharap :)

Carlotz said...

Hi thanks for dropping by sa blog ko. you have a nice blog, i enjoyed my stay.

Take care.

Sayote Queen said...

HELLO EVERYONE! Thanks for dropping by and I agree with all of you... The physical aspect of a woman can not surpass her character. Physical attributes may enhance character, but the physical aspect of a woman will never ever replace it.

Obi Macapuno said...

ye wala sa boobs yun, you could be sexy on a lot of ways other than having bouncy baby boobies. :)

i agree with everyone. butt rocks!!

haha.

~*galenlondeien*~ said...

Lahat ng bagay may disadvantages at advantages. Tulad nga ng sinabi nyo, nasa pagdadala yan at kanya-kanyang taste din yan. :)

Anonymous said...

parang kilala ko to. kung anong laki ng boobs niya yun naman daw ang liit ng kanyang utak.

yna said...

hmmm...

boo-boo-boobs!!

syongaers na babai itong sinulat mo...

babyfatzs said...

kuh sayote queen tama ka..... madami ngang ibang guys na gusto malaki hinaharap... at ayon naman sa balita mu, buti di ka tinamaan kc parang sa balita mu tutok na tutok kae... ganun ba talaga kalaki un??????? ngeeeekkkkk/.....
isa na ako ngaun sa magiging reader mu... saya sa bahay mu...... ad ko poh link u sa blog ko....

queen paranoia said...

xa aman an gumagawa ng dahilan pra bastusin xa..

peo sv nga nila..

if u have it..flaunt it..

un nga lan la q nian ehh..!hakhak!
pede bang kumanta nlan aq..?!

[http://unexposedmoi.blogspot.com]

karol said...

haha! natuwa naman ako dito. so true! blog hopping. can i link u up? =D

Ka Uro said...

can't help make a comment. for me i like any size of boobs so long as they are the real thing. hindi silicon. kahit ga-papaya kung silicon di bale na lang.

kendi said...

what's with size anyway?

if you've got small bumpers, then be thankful. you're at less risk for breast cancer.

rose said...

totoo kaya yun? di kaya silicon yun?hehe

now adays, mahili gang mga lalaki sa malalaki ano?
pero kun gjumbo naman, na as in papaya,. ayaw naman nila siguro ng ganon..
natanong ko na din yan sa asawa ko eh ,.
malambot daw kasi , lalo na sa ... alam mo na,.
kung kasi wala daw mapisil,. para daw ang nilalamas eh parang sa lalaki din hehe ...
di ba me lalaki ding malaki ang suso,.. i mean di katulad sa mga babae, lalo na yung medyo chubby na guy.. haha! me dede sila...

opinyon lang po!! :)

yawmee said...

ay korek. pano ka naman tatakbo na may malaking hadlang sa harap?

saka yung mga beauty queen, ala namang malalaking boobs eh. :)

saka mas madaling bumili ng bra kasi A lagi. nyehehehe

Laced Fantasies said...

Hi Sayote Queen. Share ko lang, may nakausap ako na lalaki na walang inisip kundi ang boobs ng babae. Sabi niye big deal daw ang big boobs sa guys.. basta wag lang yung todo to the max ang size. Sabi pa niya, mahalaga daw na "firm"... Wah! kinikilabutan ako!

:: sHoNa :: said...

katuwa naman tong post mo! hahaha! mahirap pag may malaking boobs...mahirap pumili ng damit, imbis na SMALL nagiging medium pa or kung jumbo jumbo tlga sa laki magiging Large pa damit mo. Hahaha! Ska kalokohan na kaya ka nagugustuhan ng lalaki dahil malaki boobs mo. Iba lang tlga ang habol ng lalaking yun kung dun lang sya magbebase sa cup size mo.

zero voltage said...

wala sa boobs yun ... it's true na mapapatinggin ka pagkapansin pansin ... kahit naman babae di ba? :P pero not all guys like big boobs. I agree with ka uro ... basta hindi fake.

imagine pagmalaki sobra e di hanggang tuhod na yun pagnaging lola ;P katakot ata un :O