Monday, August 07, 2006

The Condom Boy

Current mood ni SQ: Tsismosa

Required sa isang Pharmacy student ang pag OJT sa isang botika. Nung 3rd year ako sa Saint Louis University, na-assign ako sa isang botika malapit sa Baguio General Hospital.

Hindi ko makalimutan ang botikang iyon dahil bukod sa utusan ako dun, (taga-bili ng pagkain ng may ari, taga bili ng pagkain ng anak ng may ari, taga bili ng pagkain ng asawa ng may ari... gets niyo? Runner. Sweeper. Inventory-er.- ngak! tama ba yan) maraming nakakatawa, weird at agresibong mga mamimili.

Pero ang hindi ko makalimutan at tuwang tuwa akong ikwento sa mga kapwa ko drug lords (yan ang mga tawagan namin bilang pharmacy students) ay ang pagbili ng isang binata ng condom sa akin...

Mula alas-tres ng hapon hanggang alas-onse ng gabi ako naka-OJT dun. Isang ordinaryong araw yun. Mga dakong, alas-nuwebe, may lumapit na isang binata. Pansin ko, ubo ng ubo at tumutulo ang pawis. Malala siguro ang sakit neto, sabi ko.

Tulo pawis yung binata, na parang tumakbo sa isang marathon. Sa lamig ng gabing iyon, hindi ko alam kung bakit siya pinapawisan. Either ninenerbyos siya o natatae na siya. Siguro, konting ubo na lang niya, lalabas na ang 1/4 ng dumi niya at bibitin na hanggang maka u-u siya. Medyo nanginginig din. Dahil siguro sa lamig.

Nakita ko rin ang sasakyan na pinagbabahan niya. Isang taxi na may nakasakay na babae. Sigurado ako hindi niya girlfriend yun. Kasi mukhang nanay na. (May naririnig ba akong age doesn't matter diyan) Pero todo get-up ang babae sa taxi para mabansagang nanay ng binatang iyon. At kapal-to-the-max ang make up na hindi umayon sa kanyang skin color. Konti na lang, clown na siya. Ala-bangkay ang make-up. Naka tight-fitting jeans siya at naka plunging neck line blouse na kulang nalang eh areola na ang makikita.

Tama ba ang hinala ko? O guni-guni ko lang? Nanay niya kaya yon?

Balik sa binata...

Sabi ko sa sarili ko, bibili siguro ito ng cough syrup o isang anti-pyretic.

Pumunta siya sa bintana kung san ako naka-istasyon, at sabay bulong:

Binata: Ate, pabili ng ehem-ehem-ehem... #$#$%om....
SQ: Ano?

Binata: (Konting taas ng boses) Con### ahem-ahem %^%^&%#;%ili.

SQ: Ano?

Binata: (Medyo nilakasan) Pabili po ng condom.
Que barbaridad! Gamot nga! Condom?! Naku! Cough syrup ha! Di ko inasahan yun ang bibilhin. Ang inakala kong gamot sa kanyang nararamdaman, ay isa palang artificial contraceptive na kadalasang ginagamit ng mga lalake at nakatago sa wallet nila. Kumbaga, parang American Express card na 'Don't leave home without it!' O di kaya - boyscout: laging handa! (pano mo yun alam SQ ha!)

Siguro first time ng batang itong bumili ng condom sabi ko sa isip-isip ko.

Ganon ba talaga ang mga lalake? Pag first time bumili ng contraceptive eh pinagpapawisan at biglang nagkakaubo? Kaya pala mabili ang Robitussin ngayon eh.

Maliwanag sa isip ko na ayaw niyang malaman ng ibang tao na bibili siya nun. Nahihiya ang kawawang binata. Kung iisipin niyo, nakakahiya nga naman bumili. Kung ako tatanungin kung makakabili me ng condom nang ganun ganun lang, ehm... sekret.

SQ: Sige, sandali lang.

Pumunta ako sa likod ng botika kung san nakatago ang stock namin ng mga condom. Kukuha na sana ako ng isang TRUST condom sa kahon nung natanong ko sa sarili ko kung ano ang flavor na gusto niya.

SQ (sumigaw): Anong pleybbbooorrr?

Hindi yata niya ako narinig...

SQ (sabay lapit sa binata): Anong pleybor?

Binata: Ha? May pleybor yan ate? Kahit ano na.


Kahit ano na? Que barbaridad! Hindi ko alam ang ibibigay ko sa binata. Sa dami ba naman ng choices, ako pa ang ginawang papiliin ng pleybor ng condom... Banana, strawberry, chocolate... (ano pa ba meron - ay oo mint)

Inabot ko ang chocolate flavor TRUST condom sa binata. Ewanko kung bakit ko kinuha ang flavor na yun. Siguro dahil andami naming stock nun. O di kaya peyborit ko ang tsokolate. Pero hindi sa condom siyempre (SQ: bakit ba may flavor ang condom?).

Binata: Ate, dalawa po.

Que barbaridad! Dalawang 'gamot' pa ang hinirit ng binatang to!

Daliang nagbayad at nagmadaling sumakay sa taxi ang binata. Kasama ang kanyang dalawang 'cough syrup'.


"Bakit may Pleybor ang Condom" at iba pang mga condom-related entries :)


SHOUT-OUTS!

>> Thank you po sa mga nagkomento sa mga bagong post ko :) Balik po kayo! :

25 comments:

masterbetong said...

bakit nga ba may pleybor ang condom? may panlasa ba ang...? ay erase na nga!!!

kaaliw ang post, dapat sa 7-11 na lang siya bumili, sabay bili na rin ng slurpee para humupa ang pawis n'ya!

jepoi said...

BWAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAAHA... katawa naman tong wento na to hehehehehe

din-din said...

hahaha! dito pag-swerte ka, yung school mo namimigay ng condom.. hehehe..

hindi mahiyain ang mga binata dito pag-dating sa ganyan.. yung kapatid ng ka-klase ko binigay pa sa parents nya yung resibo nung bumili sya ng condom eh.. hahaha!

hindi rin ako sigurado, pero sabi kaya daw may flavour ang mga condom eh para sa mga nag-o-oral sex.. ooopppsss...

=)

Paolo said...

sa totoo lang kahit ako eh nahihiya parin bumili ng condom kaya sa 7-11 ako bumubili tapos kunwari may kausap ako sa cell phone para bc bchan at nagmamadali kuno ang style .lolz.

at nakakatuwa rin ang evolutions ng condom, from flavored pati ang mga kulay nakakatuwa.

qroon said...

May flavors ang condom dahil sa competition. Dagdag pa natin ang panipisan at patibayan ng gamit na materyales. Tapos meron pang dagdag na design kagaya ng dots o kaya naman ay spikes. he he he.

pare mo said...

haha.. katuwa naman ^___^ iba kasi ang tingin ng madlang Pilipino sa sex e kaya pati pagbili ng condom nakakahiyang gawin

Cedrix said...

Alam ko na kung bakit mat flavor ang CONDOM!!

Alam ninyo may mga babae ang hilig nila bago ipasok sa ehemmmmmmmmmm!!! ay itaste nila kung ano ang lasa ng papasok sa kanilang ehemmmmmmmm!!!. Kaya kung may condom ka.....

Dapat yung masarap ang flavor!!!

HeHeHe!!!


Ako ang favorite flavor ok ay...... (secret ko na yun! baka malaman ninyo pa at isa pa wala ako bayad sa ad!)

yun lang!!

EMO CEDRIX

Cedrix said...

Alam ko na kung bakit ang binata ay bumili ng condom dahil siya ay isang call boy may pumik-up sa kanya pero matronang matanda na parang nanay na.

Kailanga niya ng condom para pampadulas ng ehemmmmmmm!!!

Yun Lang!!

EMO CEDRIX

sorbetera said...

haha! That kid should do his homework before going to the battlefield. If he wants OTC condoms, then he could easily go to Watsons and he can buy it worry-free.. Mas safe kasi kung bibili ka sa ganitong manner:

"Ate, pabili naman ng Trust, Okinomoto, *insert name of brand here*"

by the way, thanks for the visit! ^__^

Laureen said...

thanks for visiting my blog :)

nakakatawa naman tong entry na to. bakit nga ba may flavor pa ang condom. paano naman "nalalasahan" yun?

aka ZORD said...

hala...

aliw ang kwento

haha

tawa ako ng tawa dito lalo n nung tinanong nung lalake na pagulat nung malamn nyang me flavor ang condom

hehe

aka ZORD said...

may flavor yan para aliw..

after gamitin

me after taste na maiiwan sa

waaaaa

ang libog ng post..

ang libog ng comment

ang libog ko

wahahaha

ginagamit ba ang sayote as sex toy?

haha

Jinjiruks said...

waa.. bakit nga ba may flavor ang condom? para nde mangamoy chlorox? jowk!

pilimon said...

guys.. guys..

ano ba tong pinaguusapan nyo dito?? ano ba ang condom guys??

:p

pao said...

this is a funny one...

buti na lang kaming mag-asawa eh di na kailangan nito. naghahabol na nga kami sa oras eh, para makabuo. :lol:

Mayang said...

tanong ko lng eh, nalalasahan mo ba yun don pg ngseSex na kayo? ano pa purpose ng falvor di ba? naiintindhan ko pa yung pgdagdag ng pleasure dots sa condom pero flavor?!

Ann said...

Dito ang condom nakadisplay na sa tabi ng counter kaya di mo na hihingin sa tindera, dampot ka na lang at bayaran sa cashier.

Yung friend ko CD ang code name nila sa condom para di maintindihan ng mga anak, kaya pag sinabi raw ng lalaki na bibili muna sya ng CD, magbibilin pa raw yung mga bata na cartoons ang bilhin...hehehe.

she said...

ate... :-)

wala ka nung review sa CD? inexplain ni sir bakit may flavor ang condom at sino ang naka-isip niyan.

** para daw iyan sa mga sex workers. para daw sa pagkabit nun sa (tut) by (tut). si juan flavier ang nakaisip nun **

ang hirap ng may splint!!!!!!!

malaine said...

hahaha! natawa ako sa tanghaling tapat dito sa qatar.

uu nga no? di naman sinusubo yon pag nakasuot na hahaha!

siguro mas ok pag mint flavor kasi malamig lamig...hehehe...

tutubing_karayom said...

Huli man daw ako sa comment, huli parin.. heheh!! ang tanong e bakit ngaba? hahah!!! ewan ko din! at binasa ko daw mga comment hahah!

chino said...

takte...ganda ng pangyayari a!!.. hehehehehe.. ui..daan ka din sa blog ko!..link me up! :)

Raymond said...

Que Barbaridad! Kamusta naman yun?! Haha.

animemp3hunter said...

Hehehe! Natatawa ko. Que Barbaridad! Di naman masama bumili ng condom, kaya peborit ko si Sen Juan Flavier.

achoo said...

I guess its the associated taboo that made his experience buying a condom stressful. I just don't know why we feel ashamed or embarassed getting one. It's readily available because its necessary for protected sex. At least, may ginawa siyang effort to protect himself and his partner(regardless of age, sexual orientation,social status and/or occupation). I don't mean to be a hypocrite, but we shouldn't be laughing at this experience. I know, we have had our share of those awkward moments (not unless, you are a virgin or you never cared about condoms!)and it's not a laughing matter. Maybe pharmacists can make a consumer's life better by making things discreet if need be, especially on matters that calls for privacy. And why do condoms come with flavors? It was meant for sex workers who need to protect themselves by discreetly placing the condom on their partners penis by the use of their oral faculty. Now for the rest of us, let us just refer to it as variation. At least you are not tasting the same flesh over and over again, you can always have chocolate tomorrow! ;)

Leyte├▒o said...

ako nga nung first time ko bumili medyo nakakahiya nga pero sa pangalawang beses aba kahit marami ang mga taong nakarinig sinisigaw ko, "Straberry Condom 1 box nga po!".... hehehe lingunan ang mga tao sa akin...

pero nung tanungin ako, "anung size po?" aba medyo natulala ako ng kunti... ano nga ba size ng ano ko heheheh 5 inches..... a small yata... kaya bumili ako ng smalll.

ng gamitin ko na ang sikit halos di makahinga ang ano ko.....hehehehe

magandang pagkuwente mo maam... galing

PBlogger