Friday, August 11, 2006

The Paano Pag... Chronicles * Vol. 1 Isyu # 1

Sitwasyon:

Nasa isang date ka. Itong lalake/ babaeng ito ay kras na kras mo. Kumbaga patay na patay ka dito. Nasa Baywalk kayo, umupo sa tabi ng bay at nagkwentuhan. Pagkalipas ng ilang oras, naisipan niyo ng umuwi. Tumayo ka... at ng tumayo ka napa-utot ka. Tumingin sayo ang ka-date mo, anong gagawin mo?




Office ni Sayote Queen


Ang masasabi ko lang dito eh, ang malas mo naman kapatid. Sa dami dami naman ng oras at lugar na pwede mong pagbombahan ng ereng nasa bituka mo eh sa date mo pa nagawa. Pero no worry, heto na ang mga pwede mong gawin:

Una, mainam lang ang paghingi ng 'excuse me' sa date mo. Huwag tangkahing sabihin:

"Narinig mo ba?"

Aminin ang kapalpakan at magdasal na hindi ka ibubulgar sa mga kaibigan niya. Ang pinaka-pangit na lang na mangyayare dito ay hindi ka na kikibuin dahil turn off daw. Huwag mag-alala marami pang iba diyan.

Pangalawa, pag tumawa ang date mo at tuluyan kang inasar hangga't naihatid mo siya o ka niya sa bahay, maki-ride on na lang. Walang masama dito. Maliban na lang kung abno siya at hindi umuutot. Pero asahan mo na pagdating ng lalake o babae sa bahay niya at nakaalis ka na,tatawa siya ng walang humpay. Kulang na lang eh gumulong siya sa papag sa katatawa. At tuwing makikita ka niya, hindi niya makakalimutan ang naging pangyayare. Isipin mo na lang na okey lang yun dahil kakabagin siya at uutot din siya sa huli. Nasa iyo ang huling utot... este halakhak.

Pangatlo, pag ang utot mo eh narinig ng buong baywalk at hindi lang ang date mo, huwag nang magpakita sa baywalk. O kung malakas pa rin loob mo, magliwaliw pa rin kahit na alam mong pinagtatawanan ka na sa likod mo. Maaari ding gumamit ng maskara sa susunod na dalaw o kung may pera na ekstra, pumunta lamang sa inyong pinakamalapit na Bello clinic.

Pang-apat, sabihin sa date: "Grabe naman yung mga bangkang yan... kung rumampa sa tubig eh parang umuutot". Epektib lang ito pag alam mong medyo slow yung ka-date mo at hindi nakakaamoy.

Pang-lima, pag mabaho ang utot, mainam na mag-spray ng cologne (kahit anong brand) o kung sobrang baho itutok ang butas ng spray sa ilong ng date para may fast and immediate effect. Kung ikaw ay laging may tendency na magpalaya ng nabuong gas sa iyong bituka, dapat laging magbitbit ng mga aerosol cans na may iba't-ibang mabangong amoy. Dapat hindi ka aalis ng bahay na wala ito.

Pang anim, sisihin ang katabi niyong nagde-date rin na siya ang umutot. Dapat deny to death ka. Sabihin sa ka-date, "Hindi ako yun! Peksman! Mamatay man! Kros may hart! Hop to day! Siya yun! Siya yun! Hindi ako!!! Ako?!?! uutot! No way man!"

Pang pito, sisihin ang date na siya ang nag-release ng utot. Humandang sanggahin ang pw
edeng i-deliver na suntok sa mukha mo.

Pang walo, sabihin sa date, "Ay! May message pala ako!". Sabihing message alert
tone ng selfon mo ang prrooooottttt... prut! prut! At ito ay nasa .wav format or .mp3 format at pwede mong i-bluetooth kung sakaling gusto niyang magkaroon din ng ganitong ring tone dahil wala ito sa Greenhills.

Pang siyam, pilit na takpan ang ilong ng ka-date na parang hinoholdap siya. Tapos sabay bulong, "I love you and I'll never let you go [insert name here]" Saka na lang pakawalan ang higpit ng iyong hawak pag nawala na ang amoy.

Pang sampu,tumalon sa tubig at lumangoy hanggang makarating sa Cebu.

30 comments:

Mish said...

wahhh! pag sa akin nangyari to baka di na ako magpakita sa kanya! kakahiya. dami pa namang lalake eh. ahihihihi. buti na lang bihira ako magpalabas nang malakas na tunog ng hangin. baka di ako nakatagal sa trabaho ko sa dalas kong umutot! wahehehehe...

LIPAD PARUPARO LIPAD! said...

hehehe..kase namaaaaannn...di ba nagpapigil ang bastos na utot at nagmadaling lumabas? sa susunod punta ka muna kasilyas bago makipag-date, okei?

Uy mahal na reynang sayote, pwede ba pa-link sa site mo? :-)

jeniffer said...

hahaha.. salamat sa pagdaan.. naku.. pareho na tayong sabog din ang mga post.. pero mas nakakaaliw naman kaya yun.. hehehe.. nga pala dalaw ka sa isa pang blog ko http://bukasnaisipangpinoy.blogspot.com

malaya said...

sabihin mo na lang na mabaho talaga ang simoy sa baywalk
sabay walkout! hehehe

kung puwede rin lang humiram ng katawan sa pagong para puwedeng itago ang mukha sa kahihiyan. hehehe

kakaiba ang chronicle na to! taas kamay sa'yo Sayote!

Jigs said...

Shucks, that would indeed be sooo embarassing! Magpapalusot nalang ako! LOL!

Excuse me...Ikaw ba yon?! LOL!

gladys said...

tao po...hahahahahahaha..tawa ako ng tawa dito ngayon.. thanks sa pagbisita sa site ko ha..hinanap ko ang tagboard..di ko makita, hehehe..nalito ako..sa pagbabalik ko..pag-iigihan ko na ang paghahanap..

-=hg=- said...

ah kung pwedeng dumakbo nlng ako ggwin ko... tpos di na ako magpapakita...

wahahaha

psyche said...

ako iisipin ko nalang na hindi kami magkakilala. at kung sa baywalk man yun eh ayos lang kasi ang lawak namang ng baywalk eh so mejo di ako makikilala dun. hehehehehe.

or finale. sasabihin ko nalang goodbye [insert date's name] and i dont want to see you anymore. sad pero kailanga. kesa naman mapahiya ako. hahahaha

btw, thanks for dropping by sa blog ko. =)

:: J a n e l l e :: said...

sis links tau ah.. naaliw aq sa mga post mo.. ang kwela nila.. ahaha.. parehas tau.. i also love to talk about nating!! nyahahaha!!

kung sakin nangyari yan, cguro ride na lang aq! hindi dahil gus2 ko cya.. pero gus2 ko din kc ung laging tumatawa.. at lis dba, kahit kahiya hiya, matatawa ka na lang pag maalala mo..

richard said...

wah! nag fart ba naman.. sabagay, di naman yan napipigilan.. pero it's so embarassing.. yuuk! hehe

Princess of CJ said...

hahaha! i had fun!

as of now, d ko pa maisip ang gagawin ko if ever sa akin nangyari un.

but if ako yong ka-date.. okay lang... sasabihin ko n lng "baka gusto mo punta muna tayo ng cr". bwahahaha!

ralphT said...

haha. anong naging inspirasyon at gumawa ka ng ganitong entry? nangyari na ba sa'yo ang ganito? lol

idealpinkrose said...

mwahahahaha....or try gumawa ng ingay na gaya ng utot sabay paypay sa katabi....hahahahaha...saka sabihin na lipat ng ibang place kasi ang baho ng bay...mwahahaha....sinisi pa ang bay ano? hehehe...

nakaka turn off... buti di nangyari sa amin noong nagdi date pa kami ni hubby...

joy-joy said...

nakakatawa naman tong posts mo.. naalala ko tuloy.. araw-araw nalang! umuutot yung kaklase ko habang nagkaklase ko! at take note kalat sa buong klasrum ang baho! wahaha,,, nakakadistrak sa diskasyion! hahaha... :)) salamat sa pagdaan sa blog.

Jonell said...

nabasa mo na ba talaga ang JANE EYRE. hindi ko makalimutang part doon ay noong namatay yung isa niyang friend sa charity na school. nakakaiyak yun e. pero actually hindi ko pa natutuloy tapusin yung book ni Charlotte Bronte. Ganda. astig.

-- http://paurong.blogspot.com


p.s. siya nga pala... nabasa mo na ba ang CHRISTINE ni Stephen King? maganda din kasi yun. tungkol sa nagmumultong kotse. yun lang.

bisitahin mo sana ako.

hintay ako sa comment mo.

http://paurong.blogspot.com

jef said...

Total nightmare...I'd rather die if that happens. Kakahiya! Siguro do ko na maihaharap ang mukha ko hehe!

Thanks for droppin by my site pala!

yorokobee said...

awww! ano ba yon...!

thanks sa pagbisita*mwaah*

cool site SAYOTE QUEEN!

Lalaine said...

hahahahaha.. nakakhiya naman yun, kapag nangyari sakin yun eh mas gugustuhin ko na maglaho sa harap ng ka date ko :D...

buti na lang hindi ako mahilig makipag date... hehe kase may bf na ako eh :D.

Happy Weekend! ;)

karmi said...

ngek! hahaha.. nakakahiya naman un!!!

aus ah.. :)

anyways, charmed fan ka po ba? kasi, ung font na gamit mo, un ung font ng book of shadows.. :) la lang..


ingatz!

kamille lois said...

sobrang nakakahiya naman un..


pls change my link nga pala..
http://imperfectmatch.blogspot.com/

you know me... said...

daan lang po..hindi ko marunong mag-tag ng msg e..hehe..nway,link ex..
hehe...
katuwa tong post na to!
[pra kong bliw n tumatawa,,=P]
buti nlng,tulog n cla d2..=P
tc po!

KaDyo said...

bwehehehe pwedeng mangyari ito kahit kanino kaya dapat eh ready ka sa ganitong sitwaston at dapat mabilis ang reaksyon mo kasi pag di ka agad kumilos malamang eh ikaw nga ang pag-bintangan ng ka-date mo. Panalo yung pang-walo may napanood ako na short clip nyan heheh ayus di masyadong halata basta wag amoy imburnala ng utut mo lusot 100% hehehehe

Cheska said...

nakakatawa kasi just last tuesday, nagkablooper din ako.hindi naman utot pero habang kausap ko ang kaibigan ko na guy,sa kadldalan ko,tumilapon ang kendi na nasa bibig ko.grabe, buti na lang, hindi napunta sa mukha niya...hha ha ha ha!!!!

yasu said...

hahaha!! tsk. gandang timing ah pero mahirap talaga magpigil.

kung sa akin nangyari yan, gagawin ko yung pangalawa mong sinabi. bahala na. haha. basta laughtrip, alang hassle. sige lang.

*eherm* pero wag naman sana.
@__@

Ann said...

hahaha! dyahi nga yata yun. Pero kung love ka rin nya dapat makiamoy na lang sya...hehehe.

nagi said...

Wah~ sobrang nakakahiya. Tapos baka ipagkalat pa..

Mmy-Lei said...

gagawin ko yung pang-sampu! wala na akong mukhang ihaharap sa ka-date ko! nyahahaha!

Iloilo City Boy said...

Good one Sayote Queen!

Kung ako yung umutot, I will just try to divert my date's thoughts on other things like "Grabe naman tong mga billboards ni Mayor Atienza. Magkano kaya pagpagawa nito?" ... or like Miriam Quiambao at the Miss Universe pageant recovering my poise, I will say "Mabuhay" triumphantly.

pao said...

sabihin sa ka-date na "ang baho talaga ng manila bay. hindi mo na ma-distinguish ang amoy utot sa amoy ng polluted waters nito." tapos sabay pahabol na, "alis na nga tayo dito at baka mangamoy utot tayo."

at least na-divert mo attention ng ka-date mo da bah? :lol:

tutubing_karayom said...

wait lang sumakit ata ang tyan ko sa kakatawa! hahah1