Sunday, August 27, 2006

The Paano Pag... Chronicles * Vol. 1 Isyu # 2

Related Post: ISYU NUMBER ONE

**

Sitwasyon:

Kasama mo ang boyfriend/girlfriend mo isang gabi. Naglalakad na kayong pauwi papunta sa bahay niyo. Bigla kayong nag-away tungkol sa isang bagay. Nagsabatan kayo, kulang na lang magsampalan kayo sa inis sa isa't-isa. Nagsisigawan kayo, nag-iirapan. Naglalakad kayo sa overpass, at nagpasya kang mag-walk out na lang sa inis! Paano pag, bumabababa ka ng hagdan ng overpass nang bigla kang nadulas at nag-slide hanggang sa baba? Paglapag mo sa baba ng hagdan, naka-upo ka dun at nakatunganga. Nag-iisip ko ano ang gagawin dahil nakita ka ni fafa/mama...



Naku, napakamalas mo naman... Kung kelan ka pa nagdrama na pang FAMAS, dun ko pa nagka-blooper. Para kang si Jackie Chan na gumagawa ng pelikula at sa huli, pinapakita lahat ng kaniyang mga stunts-gone-wrong.

Pero, huwag mag-alala, heto ang mga pwedeng gawin upang ikaw ay di mapahiya lalo.

Tip #1:
Tumayo, pagpagin ang dumi sa damit, itaas ang noo, at mag-lakad sabay sigaw MABUHAY! Siguraduhing stomach in, chest out, chin up na parang kadete ng PMA. Mag-lakad na gaya ng isang beauty queen o model. Pwede ring ayusin ang buhok na parang nasa isang shampoo commercial bago umalis para with poise.

Note: Hindi 'to pwedeng gawin kung napilayan ka dahil mas lalo mo pang pinalala ang pilay mo. Kung durog na sa lagay na yun ang mga buto mo, mas lalo pang madudurog (napag-aralan ko yan sa nursing - kaya I need to apply it)

Tip #2:
Tumayo bigla at tumakbo papuntang bahay. Dapat pag ginawa mo to, daig mo pa si Lydia de Vega sa pag-takbo o dapat ma-break ang SEA Games record.



Run Sayoteeeeeee Runn.....


Alalahanin na kaya ka tumakbo eh para matakasan ang BF/GF. Kaya dapat gawin ito sa mabilisang paraan. Nararapat lang na tumakbo na para kang hinahabol ng mga asong may rabies. Walang lingon. Tuloy tuloy. Kung may hurdles, talunin na parang athlete. Maaaring mag-high jump kung may mga iba pang balakid. Pagdating sa pintuan ng bahay, huwag pa rin tumigil. Tumakbo pa rin hanggang makarating sa kwarto. At mag-high jump sa kama. Huwag ng tangkahing magbihis. Magkumot ng dalawa o tatlo hanggang ulo. Ganun ka na lang hanggang magising kinabukasan.

Tip #3:
Tumayo at lumingon kay fafa/mama, at sabihing, "O ha! Kaya mo yun"

Note: Huwag maghintay ng sagot.

Tip #4:
Tumayo at lumingon kay fafa/mama. Hintayin ang reaksyon. Kung tatawa, umiyak ka gaya ni Sugar sa Eat Bulaga. Kung bababa siya, at dadamayan ka, mag-bati na kayo. Huwag mo ng tangkahing awayin siya ever again!



Note: Mainam gawin ito pag-napilayan ka o masakit ang pwet mo sa pagbagsak. Kelangan mo ang mga haplos at hilot ni fafa/mama.

Tip #5:
Imbes na tumayo, lumuhod, at tumingin sa langit. Sabay sigaw, Diyos Ko! Bakit ako! (singhot, singhot) Bakit ngayon pa, o Diyos ko!


Hintayin ang pekeng ulan na dumating sayo. Ang pekeng ulan ay pwedeng manggaling sa isang hose o tubo o sprinkler. Pwede ring maghintay ng isang ulap na tatapat lang sa ulo mo at biglang uulan. Sayo lang ang ulan na to. Kaya kahit san ka pumunta, nakalutang ang ulap na ito... inuulanan ka.

Mag-drama sa baba ng hagdan hanggang panoorin ka ng ibang tao. Kung mas dumami ang tao, dapat mas lalo mo pa galingan ang pag-arte.



Tip #6:
Piliting lumuha. Kung may dala kang sibuyas, kelangan mo ng gamitin ngayon. Balatan ang sibuyas at amuyin. Siguraduhing hindi makikita ni fafa/ mama ang hawak mong sibuyas. Piliting suminghot kahit hindi nasisinghot. Mag-mukhang kawawa gaya ni Puss in Boots sa Shrek Part 2. Gawin ito para damayan ka ni fafa/mama.




Tip #7:
Tumayo sa hagdan at bumalik kay fafa/mama sabay sabihing, "Ikaw kasi eh honey/ bhe/ sweety pie/ lavs/ sweetheart/ cookie/ cupcake/ cheesecake/ ube cake/ yema cake/ red ribbon cake... Bati na tayo ha?" Sabay beautiful eyes sa kanya.

Tip #8:
(Para lang sa babae)
Tumayo, lumingon kay fafa, at flash him this killer look para mawala ang isip niya sa nangyare:


Makaka-asa kang magdadasal yun lagi na madulas ka sa hagdan.

Tip #9:
Magdasal ng mataimtim na dumating si David Blaine upang i-magic ka hanggang Mars.


Abra!Kadabra! Ika'y pupunta na ng ibang planeta!


**
Read ISYU #1

SAYOTE CLASSICS:

Pagbibigay ng Payo
Balahibong Pusa
Seksi... Not Sayote Queen
Chitae
Ebolusyon ng Saplot ng Lalake

SHOUT OUTS

Thank you to all those who left their comments and messages :) Hope everyone had their share of pasalubong from Baguio :)

34 comments:

Anonymous said...

hakhak! ayus! why such post? siguro nangyari sa iyo no? peace! =P

well, cguro ako, gugulong ako ng gugulong, hanggang sa kalsada! ibabangga ko ang ulo ko sa pader. susuntukin ang sarili! kunwari sinadya ko na lang. kunwari may suicidal tendency ako para icomfort ako nung girl! wehehehe!

-bleue
http://bleue.i.ph

chris eriz said...

uy uy napadaan lang.

salamat sa pagdaan sa blog ko :D.

nice blog you have here :D.

pwedeng link exchange?

anyhoo kung nangyari sakin yan..

kunwari alang nangyari at alang nakapansin kaya itutuloy ko pa rin yung walk-out :)).

heheheh.

cute anime gif heehee XD.

napadaan lang :D.

sorbetera said...

Hmm... I thyink I'd go for "the look" hahaha!! and hope and pray to God that it'll be enough for him to rescue me and then we'll laugh about it later. I'll pseudo-cry and make cute faces accusing him that it's his fault.

Yep.. being a girl is lucky.

ethel said...

Hehehe.. Ok na Ok ang tips pero kung mangyari sakin ang ganun babatuhin ko yong bf ko. lols
Btw, salamat sa bisita mo dun sa bahay ko sayote queen, :)
Happy weekend jan.
God Bless...

Serendipity said...

LOL. Ha ha ha. Is pushing the boyfriend over the pass out of the question? That would be my first option.

Panache. There's nothing like it. Get up and bow and scream "Mabuhay!"

Did it really happen to you?

My command of Tagalog language is a little slow, but I can still grasp most of it if I apply myself. Gosh...it's been ages since I have to read all Tagalog anything.

_ice_ said...

pag nahulog sa hagdanan sa overpass pa baba.. gurls gayahin nyo si gagay. sabihin nyo "Kaya nyo ba yon"

nakakatuwa hahahah nice post

Laureen said...

i really find your blog amusing =)

by the way, thanks for dropping by my blog. enjoy the rest of the week.

tutubing_karayom said...

Bakit ngaba hindi? hehe at least me ideal nako.. na wag makipag away pag malapit na sa under pass o overpassed hehehhe

queen paranoia said...

i'll really keep this in mind..

malay mu diba..?we'll never know whats next..

peo sna aman wak manyare saken..! kakahiyaaa..!gaah..!

=]

Jonavie Dawn said...

lol di pa to ngyari sa akin..hmmm.. nice tips! kakatuwa lang! hehe :)

anyways, thanks for dropping by my blog!

jef said...

Ano Kaya mo yun

Hahaha! Yun ang pinakamabisang tip. May attitude ka na, angas pa hehe!

Hitori said...

Hahaha!! Ang kulet ng entry na to!!

yawmee said...

ahihi. :D

mala miriam quiambao ba?

mas ok yata yung takbong pangolympics. yun ang gagawin ko.

pero at least napangiti ko yung nakaaway kong boyfriene. nyehehe.

Mmy-Lei said...

hintayin ko si Davin Blaine para hiramin yung papel na ipangsusunog ko sa damit at braso ni fafa, tapos go na kami ni david sa ibang bansa ayaw ko sa Pluto!

nyahahaha!

KaDyo said...

ayus hehe okay yung tip #1 parang yung pinay na sumali noon sa isang beauty pageant tas nadulas pagtayo nya nagpalakpakan pa yung mga tao keri mo yun hehe..asan na yung peanut brittle ko...bat wala ka pa ring shot box ha ate =D

watson said...

Pwede ring habang pabagsak ka sa lupa, ipagdasal mo na lamunin ka ng lupa tapos dyaraaan! Wala ka na. hehehe

Wendy said...

Ei, gurl... Thanks sa pagpasyal sa blog ko *kisses*
Anyway, like your post, natuwa ako dahil mukhang magagamit ko 'yung mga tips mo, hahaha.
Madalas kasi akong madulas, matalisod, matapilok or whatever (hilig-hilig pa kasing mag-high heels) kaya kapag naglalakad, lagi akong naka-angkla sa kasama ko. At ang nagiging expression ko naman kapag nadudulas (baka puwede mong isama... hahaha) "SHAIKSSS... PRACTICE LANG..." sabay pasimpleng lalakad parang walang nangyari.
Happy Monday!

Alternati said...

hahaha.. kakatuwa. 7 ang pinaka-like ko. :P

nangyari na sayo to? jk. saken yes. hahaha

celena said...

entertaining!!! follow ko nga yan...gusto ko ung tatakbo

janelle said...

ako ang gagawin ko ung tip 3. kaso dadagdagan ko ng mala Miriam Quimbao na pose gaya nung nadulas cya sa Miss U. Sabay strike ng killer pose.. wala na ko paki kung anu ang isagot nya o reaksyon nya. wahahah

:: sHoNa :: said...

cguro kung sa akin nangyari yun, papanalangin ko na maglaho na ako sa kinalalagyan ko! hehe!

aka ZORD said...

hmmmm

sana d n lng mangyari para nmn wala prob

wakekeke

ang aliw tlga

tin-tin said...

i like number 4. and if pagtawanan ako, talagang ngunguwa ako. para mapahiya din sya. hahaha

White-haired Journalist said...

Ohayo 'zaimasu! sayote-san! Di ko makita ung tagboard mo so dito nalang. Apir! XD

pare mo said...

parang ok yung , kaya mo yun? haha ^__^

panalong post!

miyel said...

ayos ah! siguro kung ako gagawin ko yung tip #3. Maangas eh! para di mahaltang nasaktan ka! saya ng blog mo!

Anonymous said...

tatandaan ko yung mga tip.. hehehe.. astig! \m/ visit ka kung wala kang magawa. lordvirgo31.blogdrive.com

angel said...

hahahaha! nice one! ang kulet! wag naman xana mangyari sakin yan! :D

kangel said...

hahaha! alam mo bang sobra akong tawa ng tawa sa Tip #5... hahahaha!! Ang galing mo naman pumili ng pic para sa blog article na itech..keep it up... :P

Anonymous said...

hahaha

malamang yung 3rd yung pinakaposibleng gagawin ko..

pero pinag-iisipan kong pagpraktisan yung number 8. bwahaha

^___^

jun said...

hi sayotequeen, thanks for dropping by my blogsite... you've got a nice site here. keep it up. :)

jargon said...

ha! ha! ha!

that kept me laughing all the time.

nice blog... keep postin'!

Robyn said...

Heehee! Galing. Your blog really makes me laugh. Grabe! Tagalog na tagalog e di ba ilokano ka? Joke!!!

Sarap ng lengua. You make me want to tell my Dad na padalhan ako ng lengua de gato from Baguio. Pero hindi ko gagawin yun. x)

Sa lahat ng tips pinakagusto ko yung Run Sayote run... Heehee!!! ^_^

Jigs said...

LOL!!! Natawa naman talaga ako sa post na ito kahit medyo hindi ako makarelate! :)

Ang galing naman! Fun Tips! LOL!