Monday, August 21, 2006

Sa Pagiging Panganay

Kanina, tumawag si Tatay para kausapin ako tungkol sa nalalapit kong (SANA) graduation. Tinatanong kung siguradong gra-graduate na ako. At nag-request na sana pag nag-trabaho na ako eh tulungan ko siya sa pagpapa-aral sa mga kapatid ko.

Siyempre, kahit hindi naman magre-request si Tatay, talagang gagawin ko naman yun. Balak ko nga, unang sweldo ko, 95% ang ibibigay ko para sa kanila. Bakit hindi 100%? Kasi ayaw ko rin namang mag-hunger strike noh! Pero malayo pa yun. Dapat talaga, mag-aral muna ng mabuti para talagang maka-graduate at makapag-trabaho.

Naisip ko, mahirap din talaga ang maging panganay. Maraming hihingiin sayo. Maraming dapat at di dapat gawin. Dapat, kaw ang role model ng mga kapatid mo.

Pero may advantage/ pros rin ang pagiging isang panganay eh...Nakakasiguro kang BRAND NEW lahat ng baby clothes mo. At lahat ng mga susunod na kapatid mo, siguradong sigurado may isusuot silang damit na pinag-lumaan mo nung baby ka. At pwede ka ring maging instant diktador (pag bata kayo ha, hindi pwede yan pag matanda na hehehe).





Naaalala ko nung bata ako, andaming beses kong naloko kapatid ko. Sa sobrang loko ko nung bata ako, napainom ko siya ng isang tasa ng suka. Ang sabi ko kasi sa kanya, [pangalan ng kapatid], inumin mo na ang tsa-a mo, sige ka, magagalit si Nanay.

Eh ininom niya nga. At nagsuka ang kawawa kong kapatid. Palo sa pwet ang naging kapalit nun.

Minsan, sinabi ko rin sa kanya noon na mas malaki ang halaga ng mga barya kesa papel na pera. Noon kasi may papel pang limang piso. Eh may dalawang piso ako. Nagpalitan kami. Yun tuloy, naka limang ZOOM ZOOM ako.

Nung birthday nang kapatid kong yun, naglaro kami ng parlor-parlor. Sabi ko ako yung gugupit sa kanya at vice versa. Kaya ang ginawa naming dalawa, nag-gupitan kami ng bangs, sagad sa ulo. Imagine niyo na lang itsura namin nun. Para kaming nadaanan ng lawn mower sa ulo. Kaya kung titignan niyo ang mga pictures namin nung bata, makikita niyo yung picture naming wala kaming bangs. Kalbo sa harap at may buhok sa likod ng ulo. Konti na lang, magiging gaya na kami ni Jet Li sa mga old martial arts movie niya.

Siyempre, mga innocent pranks lang yun nung bata pa ako. Ngayon, spoiled naman sila sa akin. Kahit na wala akong trabaho, kung nakakapag-ipon ako, talagang pinapasalubungan ko sila kahit konti. Siguro mamumulubi ako pag nag-work na ako...



Pag panganay ka, pwede mo ring diktahan ang mga kapatid mo sa mga gawaing-bahay habang hihiga ka lang sa duyan pa swing-swing. Pwede mong pa-saingin si Junior, pag-lutuhin si Neneng, at paglabahin si Boy. Habang si Marya naman ay pinapaypayan ka sa duyan at sinusubuan ka ng mga grapes.

Pagtanda naman, ayan na ang pressure. Dapat talaga, pinapakitaan mo ng mabuti ang kapatid mo para hindi gayahin ang mga maling gawain mo. Role-model kumbaga. At kung papalya ka, parang napakalaking kasalanan ang naidulot mo sa pamilya mo. Hindi lang sa magulang kundi pati sa mga kapatid mo.

At siyempre, marami rin akong kilalang panganay na nawalan na ng tuluyan ang love life dahil inuna muna ang pagsilbi sa magulang at mga kapatid. Naibuhos na lahat ng oras sa pagtratrabaho.

Siyempre, sa akin, talagang pangarap ko ring magsilbi kina Nanay at Tatay, gusto kong tinapay. Ate kuya gusto kong kape. [Kumanta ba. Hindi joke lang.]

Gusto ko ring talagang pagsilbihan ang magulang kong sangkatutak na ang nagastos sa pag-aaral naming magkakapatid. Lahat ng kaya ko sigurong bilhin, bibilhin ko sa magulang ko. Lalo na kay Tatay. Kasi siya talaga ang nagpursiging mag-trabaho sa ibang bansa, kahit na malayo kami sa kanya. Talagang gusto kong palitan ang lahat ng sakripisyo niya para sa aming lahat. Kaso parang ang hirap, ang hilig kasi nun mga sound system. Que barbaridad! Mamumulubi nga talaga ako hehehe!

Hindi ko siya masisisi kung talagang sinisigurado niya ang pag-graduate ko. Ako kasi ang una niyang anak na gra-graduate. At isa pa, ako ang "pinaka-" sa mga kapatid. Hehehe. Hindi biro lang, ako lang kasi ang malapit sa kanya at malambing. Kumbaga, magka-level kami sa mga istorya. Mahilig kasi mag-joke yun. Ako naman, mahilig mag-green joke. hehehe.


Hay! Parang ang laki tuloy ng responsibilidad ko ngayon. Dapat talagang mag-aral. Dapat maka-graduate, makapasa sa board exams. Mahirap na, baka masinturon ako ni Tatay hehehe. Nasinturon na kasi kami ng kapatid ko nun dahil nagbugbugan kami at napa-dugo ko bibig ng kapatid ko. Ayun, yari si SQ nun. WAAAAA-PAK! Sinturon tuloy abot ko.

Sayote Classics:
Balahibong Pusa
Woman as an Element
Seksi... Not Sayote Queen
I Have Money that Can't Buy Me Anything
USO. Noon at Ngayon
Utot
Pagbatok ng Siraulo Kay She



27 comments:

Dan said...

Saludo ako sayo! That's a well-written entry. Ang hirap kaya magsulat sa Filipino but you make it look easy!

Although I'm not the eldest, nagpaparinig na rin parents ko that when I strart working, I should help my younger siblings out. I'm not really complaining because I'm willing to. My mom didn't mind sending me abroad to study (still am), and supporting me financially so I guess it's just right for me to give back, as a way to say thanks.

jai skizzy said...

sarap maging panganay...

carey said...

nakakaaliw naman ang post na 'to. :)
meron ngang advantages at disadvantages ang pagiging panganay, first palagi sa mga benefits pero first rin sa mga responsibilidad.
alam mo, sa post mong ito, lumalabas na ikaw ay marunong tumanaw ng utang na loob sa parents mo. keep it up SQ!
thanks for visiting my blog.

jef said...

Hehehe! Ang gandang balikbalikan and mga ganitong istorya ng buhay estudyante. Oo, may advantage at disadvantage nga pag panganay ka pero masaya akong malaman na inaako mo ang isang responsibilidad na tulungan mo ang mga kapatid mo. That is why Filipino values rock!

I will link you ha and thanks for droppin by my blog.

Ingatz lagi and kudos sa nalalapit mong pagtatapos.

tutubing_karayom said...

Pano yan Bunso ako eh! wawa naman kami no? hahaha!! naaalala ko kinakain nila ang cerelac ko!

idealpinkrose said...

tama ka, nakaka relate ako sa post mo kahit di ako panganay pero ginawa ko ang halos ginawa mo...pala utos din kasi ako....hehehe...

responsibilidad naman talaga nating tumulong kahit di sila nanghihingi ng tulong di ba?

Rey said...

I'm the eldest i nthe siblings of eight (with the first 5 being boys), so I can relate very much to this post. and aside from being the bully that i was before, i do try in my own little way to help my younger siblings-- especially in studies. :)

Sayote Queen said...

Hello everyone, thanks for leaving your much appreciated comments :)

@ REY - Nice to meet another panganay. Glad you can relate to this. I guess, It's always proper and right to support the family especially when we are the eldest. No choice hehehe.

@ IdealPinkRose - That's good to know! And you are right, it's an obligation :)

@ TK - Naku! Ang sarap talaga ng cerelac. Miss ko na yan kaso parang wala na yatang nagtitinda ngayon dito. O baka hindi lang talaga ako umiikot sa grocery. Siyangapala, vote kita sa poll ni Talksmart :)

@ Jef - quote and unquote: Filipino values rock! :) Thanks for linking me :)

@ carey and jai - hey, thanks for dropping by and leaving a comment :)

@ Dan - glad to know you are in the same path as me hehehe :) Thanks for dropping by and thanks also for the compliments :)

~*galenlondeien*~ said...

Relate ako sa mga sinasabi mo dito. Panganay din ako at ngayon ay tagapagtaguyod (tama ba? Breadwinner ang ibig kong sabihin. Hehe!) ng aming pamilya. Masarap na mahirap maging panganay, lalo na pag ang mga kapatid mo ay ginagawa kang role model. Hay, ang hirap talaga magsulat sa Tagalog. Basta, na-blogroll na po kita. Keep up the good work. Tuwa ako sa mga entries mo. :)

> sExYbiTcHy VaNnY said...

ang bait ni ate.. hihi.

baligtad ang kaso natin eh. ako ang bunso, ako ang naunang matapos kesa sa kuya ko, at ako ang unang nagkaron ng work.. hihi. pero shine-share ko rin sa mom ko sweldo ko. nung 1st salary ko, 100% binigay ko sa mom ko.. kc may allowane pa nmn ako galing sa dad ko monthly eh.. kaya may money pa nmn..

yung kuya ko kc pasaway.. sabi nya uubusin nya daw money ni daddy bago cya magtapos.. harhar. sweet revenge sa pambabae. hekhek.

bahala cla, mag ubusan sila ng time. basta tayo, kaya ng buhayin ang sarili. hihi. muah! :)

RONALD said...

Ako naman walang kapatid kaya wala tuloy ako nakukutusan! hehehe! joke lang. Medyo malungkot din dahil nung bata ako wala akong kalaro sa bahay di tulad pag may kapatid ka mas masaya siguro. Kaya ang nangyari tuloy, nanay at tatay ko na lang tagapaypay at tagasubo ng grapes sa akin habang nasa duyan ako! Spoiled! hahaha! Di bale sila naman spoiled sa akin ngayon, pinapadalhan ko sila ng duyan at pamaypay! ;)

Uy! ni-link nga pala kita. God Bless!

Alternati said...

hirap nga naman maging panganay... correction... mahirap maging anak, period.

Middle child ako so alam ko feeling maging older and younger na kapatid.

Masaya maging older kasi pwede utusan ung younger siblings mo and masarap maging younger kasi pwede ka humiram sa ate mo ng money whenever you're short.

:)

rafael said...

yan! yan ang mabuting anak at kapatid! hehe.. :D

yep, dpat aral tlga.. hehe.. :D

gudluck! and congratz in advance! :D

yna said...

hay....

parehas tayong panganay...

nagkataon lang na medyo nagkaiba tayo ng sitwasyon. um, dahil isang taon lang ang tanda ko sa tarantado kong kapatid, walang-walang-walang-wala ako talagang balak na ulanan ng luho yun.

nanay ko na lang, pwede pa. yun naman talaga nagpakahirap para sa amin, eh!

Lalaine said...

korak ka dyan! ako din panganay eh... pakiramdam ko din sobrang daming responsibility ang nakapatong sa pagiging una eh.

pero kahit ganun eh masaya pa din maging panganay ;).

ely said...

Uy! 95%! Sabi mo yan ate ah. Wahaha.

Mahirap maging panganay. Mahirap maging bunso. Mahirap maging anak. AMP-ness.

Ay naalala ko dati, yung mga barbie na linalaro ko, mga barbie mo dati. Yung tipong naaalis o naalis na yung ulo, (pero minsan ako yung nakakaalis kasi di ako maingat) pero okay lang. MASAYA. Parang bago rin.

Uhh.. Di ko maalala kung ginawa mo man sakin yung mga yan nung bata ako... kaya kay kuya mo siguro ginawa yan. WAHAHAHA.

Diktahan pala! Paano yan ate? Tatlo lang ang kapatid mo. Walang magpapaypay at magsusubo sayo ng mga grapes. (Naka naman. Ganyan talaga ang buhay)

Eeh~ =P congrats in advance ate. Alam kong kaya mo yan! (Wala eh, matatalino lang talaga tayong magkakapatid wakokoko)

jamie said...

on a totally different note, i've added your link to my royal library :-D bilib ako sayo, galing mo sumulat in tagalog, ang hirap kaya! oh well, kudos!

queen paranoia said...

mabuhay tayong mga panganay..!

jaja..!

gudluck xeo SQ..!

aq 3 taon mahigit p..!

ajeee..!

[http://unexposedmoi.blogspot.com]
[aq poh c jheanne]

Jigs said...

I'm the eldest too and do not mind the responsibility. The only thing I hate about being the panganay is that everybody looks up to you yet frowns upon when you make mistakes. It is very hard to be panganay, but I still love it. :)

pat said...

Sobrang naka2relate ako.

Talagang mahirap ang buhay. Pati si ate, ung panganay namen, eh sya nagba2yad ng mga gastusin d2 sa bahay.

Nung 1st year college pa nga lang ako (4th year na ko ngayon), tumutulong na rin ako nung nakakaipon ako. Laki na nga ng utang ni mama eh.

Share ko lang po.

*eLLe* said...

panganay din ako. kaso sabi sakin ng nanay ko, di daw siya umaasa sakin pag nakagraduate nako. kaya nga pinagtyatyagaan daw niyang hulugan yung sss niya hehe :)

_ice_ said...

hi ako until now im still supporting my 3 siblings so theres nothing i can do pero d me panganay, i love them the reason i doing this pero sometimes napapagod na rin ako kasi i also need to provide something for myself. dami ko pang utang SSS nag loan me kasi graduation ng kapatid ko, Pag ibig kasi nanganak asawa ng kapatid ko hayyyy.. pero ok lng basta masya sila at kahit papano nagpasalamat naman sila masya na rin ako..
tnx sayote queen for dropping by.. ganda ng site mo..

Mish said...

ka-relate kasi panganay din ako. at ngayon di pa ako makaipon kasi yung kapatid ko kelangan ko pang suportahan sa kolehiyo. so partly tumutulong talaga ako sa bahay. okay nga pag may trabaho na kasi hindi na nila ako masyado inaasahan sa gawaing-bahay =). Tamad... isa yun sa mga advantages pag nauna kang ipanganak at magkatrabaho. ;)

Punks said...

Ako ren panganay. Salamat sa pagdaan sa blog ko ha!

Michelle said...

I'm the eldest too! Mahirap na masarap kasi nga panganay so mas malaki yung responsibility and masarap kasi may nag-a-ate sayo and naghihingi ng advices..

congrats in advance sa paggraduate.. kaka-aliw talaga basahin ng entries mo. keep it up!

nga pala, i'll link you up ha? thanks...

jeniffer said...

hai.. salamat sa madalas na pagbisita,i update a new post, comment is open..

lite anonymous said...

finally magiging nurse ka na rin!!