Thursday, September 28, 2006

Ang update ng Sayote

Malamang may mga nagtaka kung bakit ang tagal kong hindi nag-post. Siguro dahil busy ako, o di kaya, nag-set in na ang tamad-akong-mag-blog syndrome. Pero 60% busy talaga ako. Katatapos lang ng comprehensive exams sa school at nakapasa ako (woohoo!) - graduate na ako talagang talaga (woohooo again). Tapos everyday naman - review for the qualifying exams. Exams na magqua-qualify sa aming kumuha ng board exams. Pero hindi ako pumapasok, dahil nakakatamad and I prefer to study by myself. At isa pa, mukhang malabong kukuha ako ng board this December. Alam niyo naman siguro kung bakit - yang dahil sa leakage na yan, parang isang circus na ang board exam, and dare I say, nursing.

Nakaka-dismaya ang inabot ng leakage nung June 2006 board exams. Nabalitaan ko na inutos na ng Presidente ang pagre-take ng mga nagboard nung June. Hindi ko alam kung pano ako magre-react dito. Dahil yung mga kakilala ko, nakapasa nung June.

Enough about that. Let's talk about the Sayote. (naks)

Malapit na birthday ko. Bukas na. Hehehe. Uuwi sana ako sa Baguio kaso nagbabanta ang bagyong Milenyo at hindi ko pa napapirma ang lintik na clearance na yan. Pano ba naman, ang haba ng pila sa accounting, kulang na lang matulog ako dun para lang mauna sa pila kinabukasan. Pero konting pasensya na lang siguro... Tapos napagalitan pa ako kasi ngayon lang ako nagpapa-pirma ng clearance. Sabi ng teacher ko:

Bakit ngayon ka lang nagpapa-clearance ha. Sabunutan kita diyan eh.


Ayos ang pagkaprofessional ng teacher ko. Humingi ako ng tawad at sinabing:

Ma'am dahil ngayon lang po binigay yung grade ko sa duty.

Wa siya ma-say. Di ko naman kasalanan kung matagal magbigay ng grade ang C.I. di ba. Sabunutan mo ako at... sasabunutan din kita. Hindi joke lang.

Meron na rin gift si nanay. Financial gift. Enough to buy me a new pair of socks. Sabi ko kay nanay, sana hindi na siya nag-abala hehehe. Pero ok lang, it's the thought that counts. Ay napaka-cliche naman niyan.

Malapit na rin ang graduation. October 15. Sabi ng mga classmate ko, maghanap na daw kami ng peerrrfffeecccttt graduation dress. Go na go naman ang sayote. Pero may kasya ba? Ang great advise ng nanay ko: magpatahi ka na lang. Ayos. Parang gusto pang pumunta ako kay Sotto. Pero siguro meron naman sa SM department store ng kahit top at skirt na kasya sa akin. Hindi ko talaga na-achieve ang goal kong magiging kasing payat ako ni Paris Hilton by the end ng September. Lakas ko pa rin kasing lumamon. Tsk tsk tsk. Nakakagutom kasing mag-review. Naks, mga palusot.

Ano kaya hihingiin kong graduation gift? Hm... Esep esep. Sana hindi na naman medyas.

Siyangapala, salamat sa mga nagko-komento kahit na nagkulang ako sa update. :)

Sunday, September 10, 2006

Manliligaw 101 Part 1



Kahit na ganito lang naman ang pagmumukha ng lola niyo, may mga nanligaw naman na sa akin. Siguro may X-factor (which is, not being beautiful according to world standards) ako. Pero syempre, hindi naman talaga basehan ang itsura pag nasa isang seryosong, real love, ultimate love, unconditional love- kind of relationship na tayo. Sabi ko nga sa isang post ko, hindi importante ang itsura sa akin. Kahit na siguro pinakapanget na siya sa mundo, mamahalin ko pa rin siya. Totoo!

Pero actually hindi yun ang punto ko ngayon.

Nung galing ako sa Baguio, tinanong ko kung may nanliligaw na sa bunso namin. Sabi ko, ipakita niya at tatadtarin ko ng bala. Siyempre, dyok dyok lang yun. At wala akong balak gawin yun. Siyempre, bilang isang good (and devilish) sister, pinagsabihan ko ang kapatid ko tungkol sa mga lalake at kung sakali mang may manliligaw. Kanya-kanyang istayl naman sa mga lalake di ba, sariling diskarte...

Nung dalaga kasi ako... Teka, dalaga pa naman ako ah! May variety rin ang mga nanligaw sa akin. [Teka, MGA? - May MGA nanligaw sayo SQ??!??!?!]

Heto na ang part 1 ng MANLILIGAW 101:



May mga lalakeng humihingi muna ng pahintulot bago ka ligawan. Eto na siguro ang pinaka- ayaw ko sa mga lalake! Kung gusto mong manligaw, eh di manligaw ka! Di ba girls? Hindi naman kaming mga girls ang lalapit sayo noh! At isa pa, kelangan ba ng waiver para manligaw?

[Insert Date]

Dear Ma'am (babae),

In lieu of this year's theme of "Me no GF but want to have one now", I am asking your permission to court you. The said theme for this year comes after realization of my individual need for love and affection. And I therefore conclude.... blah blah blah... Hoping for your kind consideration... Blah blah blah

Please check on the appropriate box.

__Yes, I'll allow you to court me
___NO, I refuse because, ______________ (please insert reason)

Respectfully yours,
[insert name of manliligaw]

Que barbaridad! Waiver na kung waiver!

Sa opinyon ko, since ikaw yung lalake, go ka na lang. Huwag ka ng humingi ng permiso mula sa babae. Hindi mo na kelangan ng waiver gaya ng nasa itaas. Kasi, sa mundo natin ngayon, kung saan laganap at (kung minsan) hindi maiiwasang double standards, mga lalake talaga ang may karapatang manligaw. Kahit na siguro may mga ibang babae na rin ang tumahak sa landas ng panliligaw sa opposite sex, may mas karapatan ang lalakeng mag-initiate ng panliligaw. Anyway, opinyon ko lang yun.

Meron namang manliligaw na walking-bangko. Hindi ako impressed sa mga ganito kung minsan. Dahil kung minsan, ang ERE. As in typhoon signal number 3 or 4. Meron din naman mga humble at mabait, pero karamihan eh, puro ere lang talaga. Pero ok lang kung may ganitong manliligaw sayo di ba. Libre ang breakfast, lunch, dinner, midnight snack, snacks, isaw, barbecue, balot, tok neneng, betamax, adidas, reebok, and1, nike (ngek).

Mga kadete. Maniwala man kayo o hindi, may nagkamaling kadeteng niligawan ako. Una, okey siya. Pero sa huli, MANLOLOKO PALA - TWO TIMER!!! Tinawagan ako ng GF niya sa PROBINSIYA. Siyempre, hindi ko alam na may GF na pala ang kadeteng yon. Kaya gulat ako nung tumawag ang babae sa akin ng 12am (Naalala ko yun VIVIDLY kasi 3210 yung CP ko nun, tapos ang ringing tone ko nun eh yung The Adams Family -Teret-teret, Teret-Teret....) Heto ang naging conversation namin:

GF ng kadete : Yes, is this [real name ko]?

SQ : (Inaantok) Uhm... opo, sino po to?

GF ng kadete: Do yah know Pangga?

SQ : (Inaantok pa rin) Uhm... opo, sino po to? Pwedeng bukas na lang kayo tumawag kasi pagod na pagod na po ako?

GF ng kadete: How rude! Can you please stop seducing my boyfriend coz he's mine. You're ugly! I saw your picture in his wallet. Do you know who I look like? I look like Kristine Hermosa ok so deal with it!!!!!

(Totoo yan - inglisera ang kausap ko. At isa pa, kamukha ni Kristine Hermosa. kinwento ko na ito sa mga kaibigan ko. At naalala ko pa yung araw na yun, February 12. 2 days before valentines. Valentines ko sana sasagutin ang kadeteng nanligaw sa akin ng dalawang taon. Pero biglang na-heart broken ang sayote)

SQ: Ganun ho ba?

GF ng kadete: And do you know my Dad is a general?

SQ: (tahimik)

GF ng kadete: So, you better stay away from him! Or else I'll let my father shoot you!!!!

SQ: (tahimik at napapaluha)

Nung mga oras na yun, talagang tahimik lang ako. Tumutulo ang luha ng sayote. Para akong nabunot sa sanga ng sayote plant kahit na musmos pa lang at hindi pa ako ripe (naku drama etich). Hindi naman kasi ako yung mga tipong lumalaban eh. Sa totoo lang, madalang ako magalit. At sa sitwasyon na yun, hindi ko kayang pumatol sa mga ganung komprontasyon.

Pero kung siguro pala-away ako nun, ito lang masasabi ko sa kanya:
So what if kamukha mo si K. Hermosa! Kamukha ko NANAY AT TATAY ko nuh! At isa pa, hindi ko sine-seduce ang BF mo nuh! Siya ang nagpakilala at nanligaw sa akin ng 2 years kaya DEAL WITH IT din!

Kaya heto lang ang advise ko sa mga nililigawan, dapat, dapat, dapat, kilalanin muna ang manliligaw (SQ - sinapak ang sarili. Sira! Dapat ikaw din noh kinikilala mo muna!). Itutuloy ko ang kwento namin ni PANGGA sa susunod na mga entry ko sa blog na ito.

May mga manliligaw namang masyadong relihiyoso. Wala namang problema pag ganon di ba. Pero may naging manliligaw ako na, wala nang ibang sinasabi pag tinatawagan ako kundi,

"Always pray to God ha! Did you bring your rosary with you? Say the rosary later ha and make sure Santo Nino is with you beside your bed."

Everyday yun, every tawag.

Pero alam niyo, lagi siyang tumitingin sa boobs ng babae. Totoo nuh.

--end PART 1--

Friday, September 08, 2006

Andito na si Batista

Kagabi habang nagdi-dinner kami ni Sayote King, napanood namin sa Bandila ng ABS-CBN ang pagdating ng aming idol, pero mas idol ko, na si Batista.

Siguro alam niyo ng half Pinoy and half-Greek siya. And to prove that, my tattoo siya sa kaliwang braso niya ng bandila ng Pilipinas at ng Greece.





(Image from this site)









Pero sa mga unang image ni Batista na nahanap ko sa net, wala siyang tattoo non... Tignan niyo o:


**

Naiihi kami sa tuwa ni SK kasi avid fan kami ng WWE. Eh kung may pera nga lang kami, bawat live show ng WWE sa SM theaters eh papanoorin namin.

Siya si David "Dave" Batista. Ang kanyang ama ang Pinoy. Greek yung nanay niya.

6 foot 5 inches ang taas niya. Ewan ko lang kung 5 inch yung *kanya*. Pero, whatever. At 290 lbs ang bigat. Kung ico-convert yan sa kilograms, aba eh, nakalimutan ko na ang conversion kaya kayo na lang mag-convert.

At ang signature move niya eh ang Batista Bomb.

Ang laki pala ng katawan ng lalakeng ito. Gulat ako, para siyang higanteng bumababa ng escalator. Tapos hanep din ang ingles ng nasabing wrestler. Kasi, wala akong naintindihan. Masyado lang sigurong slang ang ingles niya. Kaya panay tanong ko kay SK, "Ano daw?".

Siyempre, bida na naman ang Pinoy... Kaya proud ako. Kahit na ganito kagulo sa atin, meron at meron pa ring magagandang facts/balita tungkol sa mga Pinoy.

Andito siya para i-promote and WWE SmackDown! Survivor Series Tour na magaganap sa Araneta Coliseum sa October 21 and 22 ngayong taon... Kung may ekstra kayong pera, heto ang ticket prices: P10,500, P5,250, P3,675, P3,465, P2,100, P945, and P420.

Wish ko lang, makasama ko si idol kahit sa picture man lang. (asa ka pa SQ!)

Wednesday, September 06, 2006

The -Er Months

SeptembER na, mamaya niyan, OctobER na...

Basta may -er na ang mga buwan sa kasalukyan, malamang, nagsisimula nang nagco-conceptualize and mga mall, department store, banks, o kahit anong commercial entity kung pano makakahikayat ng mga customer.

Nung isang araw, sinamahan ako ni She sa SM para ipa-develop ang ginawa kong coverpage ng scrapbook namin. Hulaan niyo kung ano ang naririnig naming mga kanta sa SM.

Let it snow, let it snow, let it snow...

It's starting to look a lot like christmas...

Que barbaridad! Malapit na nga ang pasko.

{SQ: Pasko na naman, o kay tulin ng araw...}

Basta pagdating ng mga buwan na ito, magsisimula na magtinda ng mga dekorasyon sa bahay, mga gift wrapper, mga CD na may Christmas songs. May mga early Christmas sales na rin.

Heto na rin ang buwan kung san winiwish ko na i-magic ako ni David Blane sa Babuyan Group of Islands. Hindi dahil ang pangalan ng place eh related sa akin, kundi, para makatago sa mga inaanak ko.

Pag pasko kasi, parang endless line ang pila ng mga bata sa bahay namin. Kulang na lang eh magkaroon ako ng precautions para maiwasan ang stampede.

Of course, nag-eexaggerate ako, pero pag pasko kasi, tila lahat ng pera ko naglalaho parang bula sa harap ko. Imbes na bilhan ko sarili ko ng kahit bagong panty man lang, napupunta ito sa mga inaanak ko.

Palibhasa, game na game ako pag sinasabing gusto akong kuning Ninang ng mga friendship ko. Pati mga pinsan ko, sumasabay sa bandwagon eh.

Kaya game na game rin ako sa pagtulak sa population control hehehe.

Kinukuha siguro akong Ninang dahil malapit sa akin ang mga bata. Nakaka-relate siguro sila sa isang tulad kong mukhang stuff toy na porky pig. Pero okey lang naman yun. Gustong gusto ko rin ang mga bata. Lalo na yung mga hindi pasaway.

Pag sa mga ninong o ninang ko naman, tila wala ng pake sa pagbibigay ng sustento (regalo, cash, cheque, gift certificate) sa akin tuwing pasko. Isusumbong ko sila kay Santa Clause. Sabi nila masyado na daw akong matanda para daw humingi ng sustento sa pasko. Nawala na ang christmas (commercial) spirit, ika nga. Hanep sa mga invisible moves and mga ninong at ninang ko eh. Yung iba ang dinadahilan pumunta nag-tour sa Canada, nag tour sa Ilocos, nag tour sa ewan ko. Sana mapunta din sila sa Babuyan Group of Islands, para mag-aaybol kami dun at wala na silang pwdeng idahilan pa.

Gusto yata nila mag-carol pa ako sa harap ng bahay nila para lang mabigyan ng paskong sustento.

Kung ako tatanungin, siguro hindi ko naman tataguan ang mga inaanak ko. Siguro, bibigyan ko na lang sila ng tig-iisang candy o kiss.

Ngayong, September at November, magiging Ninang na naman ako. So plus two yun sa gastusin. Dapat ngayon palang, hinahanda ako na ang budget ko. Dapat din may cost containment ito.

Ang problema naman kasi sa akin, hindi ako kuripot kung minsan. Lalo na pag para sa bata. Go na go akong mag-shopping.

Pag bata lang noh.

Kaya mga kapwa ka blogger, ngayon pa lang, Merry Christmas na hehehe :)

Monday, September 04, 2006

Pangit ako Pero Bagay Ko

"Anak, walang pangit sa mundo. Lahat ng ginawa ng Diyos, maganda. Ikaw anak, maganda ka..."

Yan ang sinabi ng nanay ko sa akin nung bata ako. Tinanong ko kasi siya nun kung bakit ang gaganda ng artista at hindi ko sila kamukha. Dun ko rin napatunayan na ang Nanay eh pwede ring magsinungaling sa anak.

"Ano ka ba Ate She, walang pangit okeeeey!"

Yan din ang sabi ng classmate ko nung early college days ko. Malakas lang siguro ang loob niya dahil ubod siya ng kagandahan at ka-seksihan. Pano kaya kung siya ako. Masasabi niya pa kaya yun? O magrereklamo siya gaya ko?

Nung isang linggo, napanood ko sa Bubble Gang kung bakit lamang ang mga pangit sa mundo kung ikukumpara sa mga gwapo/ maganda.

Hindi ko na matandaan lahat ng mga advantages pero heto ang mga naaalala ko.

1. Hindi ka magagahasa.

Sa sobrang panget daw ng isang tao, imbes na gagahasahin ka, magdadalawang isip pa yung tao. Kahit na ubod na lasing na yung lalake, hindi ka daw niya gagalawin.

2. Hindi ka mahoholdap.

Dahil pangit ka daw, wala daw sa mukha mo na makakabili ng mga mamamahaling damit, cellphone o mga gadgets.

3. Walang mai-insecure sayo.

Sa napanood ko sa Bubble Gang, tila magiging sagana ka daw sa mga regalo mula sa office mates mo pag panget ka. Dahil alam nilang hindi mo sila malalamangan compared sa mga kapwa nila magaganda at gwapo.

**

Siyempre, katuwaan lang ang palabas na yun ng Bubble Gang. Pero sa totoong buhay, MAS MARAMING disadvantage ang pagiging panget. Heto ang mga napansin ko magmula nung namumuhay ako sa planeta Earth.

Paalala: Hindi ako nanglalait dito. Gusto ko lang maparating sa iba ang DISADVANTAGE ng hindi napanganak na gwapo o maganda. Tulad ko. Dahil lahat ng ito, na-experience ko na.

1. May classmate ako nung elementary noon, tawagin na lang natin siyang Mila. Tahimik lang si Mila at walang kaibigan. Madalas siyang pintasan at tawanan ng mga classmate ko. Ako, wala akong involvement diyan. Good girl yata to (Yun na lang ang pwede kong ipagmalaki siguro). Kahit hindi ko nakita si Mila na umiyak nun, alam ko, sa loob-loob niya, galit siya at nasasaktan. Minsan, talagang ako ang lumapit dahil na rin sa awa. Buong recess na yun, sinamahan ko lang siya. Hinati ko ang cupcake ko na binili sa bakery ng Nanay ko at binigay ko sa kanya. Maraming beses ko pa siya sinamahan ng recess, pero NEVER... as in NEVER nagsalita si Mila sa akin.

Until, naging classmate ko ang kapatid niya nung high school. Na-delay ako kasi nag-aral ako sa ibang bansa nun. Nagkita kami ni Mila nung sinundo niya ang kapatid niya sa isang okasyon sa school. Niyakap niya ako at umiyak, sabay sabi, She, thank you talaga. Ikaw lang ang kaibigan ko nung elementary.

Hindi drama yan o kayabangan ha. Totoo yan. Ang sa akin lang, hindi kelangang tratuhin ng masama ang mga di kagandahan o kagwapuhan.

Napagtanto ko, pag panget ka, parang ikaw na lang napapansin ng tao. Andami nilang nasasabi sa itsura mo, sa suot mung damit, sa gamit mong cologne...

2. Pag hindi maganda ang appearance mo, halos hindi ka asikasuhin sa mga government agency, sa mga bangko, sa mga mall, department store... Para kang invisible.

From first hand experience ito. Minsan, nung bibili ako ng cellphone sa Glorietta, halos hindi ako pansinin ng mga sales girl. Siguro dahil naka jeans ako, naka tsinelas at naka blouse. Feeling siguro nila, pickpocket ako.

3. Ayaw kang tigilan ng taxi o hindi ka pasasakayin.

Experience ko na naman yan. Ang talagang hinihintuan eh mga seksi at maganda.

4. Hindi ka popular sa klase. (Unless ubod ka ng talino at may cool na talent ka)

5. Kadalasan, hindi ka seseryosohin ng tao.

6. Konti lang ang magdadalawang isip para ligawan ka. Lalo na pag tahimik ka. At hindi masyadong lumalabas.

7. Maraming nasasabi ang iba tungkol sa ugali mo. Sa pananamit mo.

Halimbawa: "Ang panget mo na nga, jologs ka pa" - nangyari yan nung high school. Pero nung nalaman nila na nakakasolve ako ng problems sa calculus, kinaibigan ako. (basahin din itong post na to)

8. Hindi ka pwedeng maki-pagkaibigan sa mga magaganda at popular sa school. Unang tingin pa lang sayo, outcast ka na.

9. Mabibilang ang mga lalakeng makikipag-flirt sayo.

10. Madalas kang husgahan dahil sa itsura mo. Hindi ugali mo.

**
Tingin ko, masyado nang napagtuunan ng pansin ang itsura ng isang tao ngayon. Napaka-idealistic na masyado ang pagsabi na lahat eh maganda o gwapo. Parang wala ng ganung pag-iisip ngayon.

Maaaring sumangayon ka sa mga sinabi ko dito o hindi. Pero pinapaalala ko na mga experience ko ito.

Ang maipagmamalaki ko lang eh, hindi ako mapang-husga ng tao. Mas gusto ko pang magkaroon ng kaibigang hindi kagandahan o kapogihan pero okey sa ugali, kesa naman sa babaeng maganda, sexy at maputi na biii---aaattt----cccchhhh!

NUF SAID!

Sunday, September 03, 2006

Sagot sa Comments

Hello mga peeps. Andito na naman ako rumarampa sa Maynila. Galing na naman ang lola sa Baguio City, Philippines. Mabuhay!

Sasagutin ko na po ang mga comments niyo :)

By JIN:
advance hapi-bday. tumatanda ka na manang. naranasan mo ba ngayon ang quarter life crisis?


Jin, may crisis na palang ganyan. Patay tayo diyan. Hindi ko pa naman nararanasan yan. Kasi feeling and looking young pa rin ako. Ok sige, para hindi masyadong makapal mukha ko, feeling young lang.

By SexyBitchyVanny:
hafee beerday? hehehe. :)
enjoy. :)

Maraming salamat! :) Malayo pa hehehe :) Pero thanks :)

By TK:
Naku kaya pala cute ka, mabait ka, magaling ka, humble ka at kung ano ano pang Ka.. kasi KA-edad kita, at KA-september kita... hehehe! sana me sense

Naku! Kaya naman pala! Mabuhay ang mga ka-september namin ni TK! :) Hirap talaga pag September napanganak. Wakokoko :)

By Bittersweet:
weeeee! 25 ka na? woooow! kakasalin na ang ganyang age ah... hakhak! joke..
babati na nga lang ako ng happeeeee birthday! :)
God bless!! :)

Yahooooo! Maraming salamat sa pagbati kahit malayo pa :) hehehe! Nakakasalin na? Waddya mean? Huhuhu. Hindi joke lang :)

By Raine:
advance happy bday! :)
goldfish murderer!apir!ganun din ang naging kapalaran nung mga isda namin nuon dahil sa overfeeding

Maraming salamat din sa pagbati.Hehehe. Apir tayo goldfish murderer. Ngak. May they rest in peace.

By Wendy:
I enjoyed reading this..
isa lang ibig sabihin nun, malas ka para sa mga driver ng taxi! joke!!
may itatanong lang sana ako...
baket sayote queen? fave mo sayote? :D

Bakit Sayote Queen? Abangan ang self-interview ng lola niyo hehehe :)

By Tin-Tin:
when is your bday? september what?
may balat ka siguro sa pwet.
condolence for the loss of your goldfish
and about your tito's gift. ako, i'll say what i feel. parang gusto na nya ako mamatay. he can give it to me anytime naman diba?

Tintin, thanks for dropping by :) September uhm... 29 ako :) Hm... bale 26 na araw pa? hehehe. Wala akong balat sa pwet eh. Puro dimple hehehe :) Ho nga, parang gusto na niya akong mamatay kung ako din ang nabigyan ng ganun. Babawi na lang ako kung sakaling binigyan ako ni Sayote King ng ganun, bibigyan ko rin siya ng memorial park lot. Para patas. hehehe.

By RalpHT:
may bertdei din pala ang baguio? parang araw ng maynila? pero baguio lang? bakit sila nag hahapy bertdei sau? bertdei mo? kelan? e malamang... sabi mo mag 25 ka na e. hehe. happy birthday!!! (when ever that is... hehe)
hindi ka mataba kaya nafflat yun taxi. siguro, letter 1-- may kung ano man sa daan papunta dun na naiipit ng gulong at nafflat sila. hehe. o kaya, number B-- malas ka lang tlg! haha.... pero siguro, kung saken mangyayari yun, magtataka din ako. hehe
sandali, nursing student ka diba? kasama ka ba sa batch na may leakage? (did i spell that correctly? lol). grabe yun noh?...

Salamat din sa pagbati. Hindi pa ako graduate eh. Kaya hindi pa me kuha ng aking board exam.

By Musikera:
advance happy 25th birthday!!!
anyways, di ba arjud means somewhat maarte or mahilig mag accesorize or something???... lol...

Maraming salamat! Apir! Tama ka jan! Maarte ang ibig sabihin ng arjud at nagarjud :) hehehe. Yun ang pangalan ng mga nasawi kong goldfish.

By Jigs:
Happy Birthday in Advance...
Kawawa naman yung goldfish, naaalala ko tuloy yung goldfish ko nung bata pa ako.
BTW, 25 ka na? I thought you were younger than me. Napaka "energetic" kasi ng posts mo eh! (tama ba ang description? LOL!) :)

Hmm.. define energetic :) hehehe. Salamat din sa pagbati.

By Gener:
wahihihi uu nga... happy bday! nako ang ibig sabihin, kapag lagi ka minamalas sa taxi... kelangan mo na magpakasal kay sayote king!!

Naku patay tayo diyan. Ayaw ko pang ikasal. Takot akong masaktan. Ngak. Nagdrama ang lola.

By Jef:
Advance hapi hapi hehe! Arjud and nagarjud is an ilokano word...well, I'm ilokano so I pretty knew what that is.
Cheers for your 25th bday!

Thanks Jef! Cheers! Mabuhay ang mga Ilokano at lahat ng Pinoy :) hehehe

By GarnetGirl:
advance happy birthday sayo!!! invite mo kami ha pag nagpa-party ka? :)
naalala ko yung nabasa ko sa The Alchemist, sabi dun, pag nangyari sayo minsan, hindi na mauulit yun. Pero pag nangyari ng pangalawang beses, mangyayari pa ulit. Naka 2 flat tire ka kasi, kaya naging 3. Naku baka maulit pa, wag na sana diba. :)
Dati my goldfish din kami, kaya lang para maiksi talaga ang buhay nila kaya nung binigyan ang tatay ko ng flowerhorn (lucky daw sabi ng mga chinese, parang arwana) eh ayun, na-breed niya. Awa naman ng Diyos eh mag-3 yrs na sila samin, kaya lang namatay yung nanay. At masama talaga sa loob. :(

Buti ka pa, okay yung lifespan ng mga fishes mo... Ako, parang isang iglap, kinuha na sa akin ni Lord. Huhuhu. Maraming salamat sa pagbati :) Thank you din sa pag-share nung sa The Alchemist. Nabasa ko na rin yang librong yan eh. Naku patay tayo jan! Ilang beses na akong naloko ng lalake! Naku Naku! Mauulit muli?!?!? Huhuhu.

SQ kumakanta: Napakasakit Kuya Eddi...

By Kadyo:
wawa naman..yung goldfish mo hehe.

Coincidence lang siguro yung flat tires natiyempo lang na ikaw ang nakasakay =D

Happy Birthday pala, ano handa mo sayote cue, sayote cake, sayotegetti, sayote juice at sayote salad hihihi.

MAy you have many more sayote este birthdays to come

Kadyo, salamat sa pagdaan. Nawala ka yata ng isang week ah! :) Busy ka noh? :) Coincidence nga lang siguro yun. Pero 3 times? Parang malas lang talaga ako hehehe.

Kadyo, sige maghahanda ako ng mga yan! Sayote cue, Sayote cake.. huwaw! Ikaw sponsor ha! Wakokokoko :) Thanks in advance hehehe :)

By Pao:
happy birthday!

i think a lot of taxis now run in LPG. the dilemma of drivers is that there are still too few refilling stations & with the high prices of gasoline, they would opt for LPG. malas nga lang kung naubusan ka sa kahabaan ng edsa.

Thanks Pao, kahit malayo pa :) Pero thanks sa pagbati. Yes I agree with you. TIME magazine blames INCONSISTENT MONOPOLIES for the unending rise in petroleum prices. Tsk tsk.

MARAMING SALAMAT sa mga bumibisita sa blog na ito. Kung magpapa-party ako, parang di ko alam kung pano mangyayare yun eh.. Hehehe :) Webcam? chat? hehehe :)

Random Sayote Classics: