Friday, September 08, 2006

Andito na si Batista

Kagabi habang nagdi-dinner kami ni Sayote King, napanood namin sa Bandila ng ABS-CBN ang pagdating ng aming idol, pero mas idol ko, na si Batista.

Siguro alam niyo ng half Pinoy and half-Greek siya. And to prove that, my tattoo siya sa kaliwang braso niya ng bandila ng Pilipinas at ng Greece.





(Image from this site)









Pero sa mga unang image ni Batista na nahanap ko sa net, wala siyang tattoo non... Tignan niyo o:


**

Naiihi kami sa tuwa ni SK kasi avid fan kami ng WWE. Eh kung may pera nga lang kami, bawat live show ng WWE sa SM theaters eh papanoorin namin.

Siya si David "Dave" Batista. Ang kanyang ama ang Pinoy. Greek yung nanay niya.

6 foot 5 inches ang taas niya. Ewan ko lang kung 5 inch yung *kanya*. Pero, whatever. At 290 lbs ang bigat. Kung ico-convert yan sa kilograms, aba eh, nakalimutan ko na ang conversion kaya kayo na lang mag-convert.

At ang signature move niya eh ang Batista Bomb.

Ang laki pala ng katawan ng lalakeng ito. Gulat ako, para siyang higanteng bumababa ng escalator. Tapos hanep din ang ingles ng nasabing wrestler. Kasi, wala akong naintindihan. Masyado lang sigurong slang ang ingles niya. Kaya panay tanong ko kay SK, "Ano daw?".

Siyempre, bida na naman ang Pinoy... Kaya proud ako. Kahit na ganito kagulo sa atin, meron at meron pa ring magagandang facts/balita tungkol sa mga Pinoy.

Andito siya para i-promote and WWE SmackDown! Survivor Series Tour na magaganap sa Araneta Coliseum sa October 21 and 22 ngayong taon... Kung may ekstra kayong pera, heto ang ticket prices: P10,500, P5,250, P3,675, P3,465, P2,100, P945, and P420.

Wish ko lang, makasama ko si idol kahit sa picture man lang. (asa ka pa SQ!)

16 comments:

zero voltage said...

Hey ... eto po. A better look at Big Dave's tattoo he he ... :D Para ngang naka-emboss pa yung flag ng Philippines!

http://zerovoltage.blogspot.com/2006/08/batistas-new-tattoo.html#links

jef said...

Yey! He is here. I will watch if I have time...IF! :-(

watson said...

Nakita ko nga rin yan sa Bandila kagabi. One of the few moments that I watch TV. Nagulat ako kasi may half-Pinoy na wrestler!

Gener said...

WAhahahah uu si batitsta... nakakatakot yan kapag nakasalubong mo sa eskinita.....wahhaha

kneeko said...

woooww andyan pala siya now... napapanood ko yan wwe sa tv.. kasama mga pamangkin ko ng andyan pa ko sa pinas..

nakita ko sa personal sa megamall lats january ata un... ung may medyas sa kamay... nakalimutan ko na name wheew

Donya Quixote said...

di ako nanonood ng wwe, pero ang galing! may tattoo siya! temporary lang nga! yung washoff! hehehe...

linked you, ha? ^_^

_ice_ said...

Yah BAtista- SQ kelangan ba may access ako dito sa blog mo para makabasa at mag comment kasi ngayon ko lng nabasa ng buo ang entry mong "pangit ako pero bagay"..heheheh

jamie said...

crush ko siya hahahaha... kaya lang katakot his toooooo damn big!!! pero he's hot pa rin.


sabi nila pinoy daw yan?! hehe... hindi ko lang alam kung totoo... ang alam ko lang nanunuod ako ng wrestling dahil sa kanya at kay cena!

jamie said...

and may may narinig din ako.. SHEWBIZ DAW O!!! batista was from the filipino surname "bautista" hihi...

sorbetera said...

I've watched it in Bulagaan.. haha I'm not a wrestling fan that's why I was so surprised to see him there.. i didn't even know they were in manila.. hehe

tangkie said...

napanood ko din yan sa balita! mahal na mahal ko din si batista kasi tapos ko ng mging crush si cena at orton. adict nga din ako sa wwe e. :D

Kai said...

I'm a WWE fan too! And of course, it's a given, Batista's one of my favorites. He's really gwapo in person, 'no? (;

karmi said...

waaaaa...

dahil sa smackdown!!! una ung raw tapos ngayon smackdown naman..

bigatin ang pinas ah.. hehehe..

im so happy na talagang proud si batista to be pinoy.. ^_^

FERNANDO said...

Hello, I passed to visit the blog. I am from Brazil. I liked blog. A hug!

ivankirk12 said...

nalilito ako sa blog mo ang daming options weeee! pero ang cute ng mga entries nakakaaliw basahin! salamat sa pagbisita sa aking pahina ^_^ keep it up

pilimon said...

at inakala kong matagal na ang 1 taong panliligaw ko ha!!! hahahaha.. antatag mo pala sayote.. :)

enjoy ako sa post na to ha.. tuloy mo lang.. :)

sa wakas nakapasok na rin ako sa BETA.blogger! ang hirap e.. :)