Thursday, September 28, 2006

Ang update ng Sayote

Malamang may mga nagtaka kung bakit ang tagal kong hindi nag-post. Siguro dahil busy ako, o di kaya, nag-set in na ang tamad-akong-mag-blog syndrome. Pero 60% busy talaga ako. Katatapos lang ng comprehensive exams sa school at nakapasa ako (woohoo!) - graduate na ako talagang talaga (woohooo again). Tapos everyday naman - review for the qualifying exams. Exams na magqua-qualify sa aming kumuha ng board exams. Pero hindi ako pumapasok, dahil nakakatamad and I prefer to study by myself. At isa pa, mukhang malabong kukuha ako ng board this December. Alam niyo naman siguro kung bakit - yang dahil sa leakage na yan, parang isang circus na ang board exam, and dare I say, nursing.

Nakaka-dismaya ang inabot ng leakage nung June 2006 board exams. Nabalitaan ko na inutos na ng Presidente ang pagre-take ng mga nagboard nung June. Hindi ko alam kung pano ako magre-react dito. Dahil yung mga kakilala ko, nakapasa nung June.

Enough about that. Let's talk about the Sayote. (naks)

Malapit na birthday ko. Bukas na. Hehehe. Uuwi sana ako sa Baguio kaso nagbabanta ang bagyong Milenyo at hindi ko pa napapirma ang lintik na clearance na yan. Pano ba naman, ang haba ng pila sa accounting, kulang na lang matulog ako dun para lang mauna sa pila kinabukasan. Pero konting pasensya na lang siguro... Tapos napagalitan pa ako kasi ngayon lang ako nagpapa-pirma ng clearance. Sabi ng teacher ko:

Bakit ngayon ka lang nagpapa-clearance ha. Sabunutan kita diyan eh.


Ayos ang pagkaprofessional ng teacher ko. Humingi ako ng tawad at sinabing:

Ma'am dahil ngayon lang po binigay yung grade ko sa duty.

Wa siya ma-say. Di ko naman kasalanan kung matagal magbigay ng grade ang C.I. di ba. Sabunutan mo ako at... sasabunutan din kita. Hindi joke lang.

Meron na rin gift si nanay. Financial gift. Enough to buy me a new pair of socks. Sabi ko kay nanay, sana hindi na siya nag-abala hehehe. Pero ok lang, it's the thought that counts. Ay napaka-cliche naman niyan.

Malapit na rin ang graduation. October 15. Sabi ng mga classmate ko, maghanap na daw kami ng peerrrfffeecccttt graduation dress. Go na go naman ang sayote. Pero may kasya ba? Ang great advise ng nanay ko: magpatahi ka na lang. Ayos. Parang gusto pang pumunta ako kay Sotto. Pero siguro meron naman sa SM department store ng kahit top at skirt na kasya sa akin. Hindi ko talaga na-achieve ang goal kong magiging kasing payat ako ni Paris Hilton by the end ng September. Lakas ko pa rin kasing lumamon. Tsk tsk tsk. Nakakagutom kasing mag-review. Naks, mga palusot.

Ano kaya hihingiin kong graduation gift? Hm... Esep esep. Sana hindi na naman medyas.

Siyangapala, salamat sa mga nagko-komento kahit na nagkulang ako sa update. :)

32 comments:

Super xienaH said...

nakakainis talaga yang leakage na yan.
parang natatakot na nga rin ako magexam kasi baka magparetake.
haha.
siguro sa mga susunod na board mahihirp na talaga question at lalong mas mahigpit tipong walang lulusot na maging nurse.
goodluck sa short at long term goal mo.
:)

tutubing_karayom said...

Una sa lahat Happy birthday sayo kasi nga bertdey mo dba? tapos congratulations sa nalalapit mong graduation! wow! double celebration! tapos gudlack narin sa board exam mo, kung kelan moman gustong kunin ito. tapos, wish ko e maraming mag bigay ng gift sayo para matupad ang wish ko. hmmmm... sya nga din pala, ur welcome kc nag cocoment ako ngayon kc alam ko pasasalamatan mo dba mga nag cocoment? o sige dito nalang, jan na si bosing kO!

watson said...

Happy Birthday Sayote Queen! Don't let the very nasty weather get you down. At least, hindi tatamaan ang Baguio. Ako nga, pinauuwi ng misis sa Baguio e kasi nga suspended work namin. Pero ... look outside! Baha, uprooted trees!

Congrats ha in passing the exams!

melai said...

uyy happy birthday bukas! :)

rHo said...

congratulations!!! trulili talagang makaka-gradweyt ka na! hehehe... Soar High!!!

jamie said...

happy birthday sayote!!! at ako rin baka hindi mag take ng boards this december.. or ever!!! baka nde na talaga LOL

Gener said...

Hay Sayote, buti naman at nakapag update ka din!


nakkaainis nga yang tulo na yan sa nursing! grrr sana magka tulo ung mga nagpaleak! wahihihi


hayaan mo Sayote, makakahanap ka din ng "Perfect dress"

patricia said...

advanced happy bday ate!

maureen said...

happy birthday syote queen ^_~ & congratz din :]

hanaKZ said...

hayyy..ms. sayote nakapag-update ka na rin..
oi! ga-graduate ka na pala, congrats sayo. buti ka pa at nalampasan mo na rin ang hirap ng pagiging isang student nurse..isa yang achievement!
belated hapi b-day nga pala..hihihi..
Galingan mo sa Board Exam. Godbless..

MaRoSe said...

belated po and congratulations na rin sa nalalapit mong graduation.
hope may makaterno na ang "medyas" mo at dont worry, you'll get to find dress that would perfectly fit you.

jinjiruks said...

nagtatampo na ako. nde ka na dumadalaw sa blog ko.

skulgirltrx said...

hi,belatedhappy bday! =)
tagal ko na dumalaw dito, but i find it hard mag-pose ng comment ;)anyways, thanks for visitin me, nilink kita...sa muli!

kneeko said...

woooow thats good... congrats in advance..

basta carry mo... kahit anong damit..

yna said...

sayote queen! nabuhay ka!!

sana talaga maayos na yang gusot ng leakage.

BLOGOSPHERE CHOICE AWARDS 2006! magnominate, bumoto at makiisa!

Billycoy said...

Happy Birthday Sayote! Ako na lang magtatahi ng graduation dress mo. Saan mo ba gusto gawa, sa katsa o sa medyas?

kamoteng-pusit said...

Sayote-Q!!! Musta na!!! Sensya na at ngayon lang aku nakadalaw sa blog mung malufet!!! Apir!!! Congrats sa graduation!!!! Ayos yan!!! Apir!!! add ko link mo ha!!! Apir!!!

Cheska said...

SQ!i missed you...

pare mo said...

buti ka pa ggraduate na! ^__^ good luck! ^__^

psyche said...

e ano naman kung mataba ga-graduate naman. **apir**

congrats girl!

queen paranoia said...

matagal ka ring nawala..

aq den ehh..jeje..=]

idealpinkrose said...

uy~ congrats...natapos narin ang pagsusunog ng kilay...hehe...

ralphT said...

happy birthday dear keyboardthoughts!!! :) (well, belated... hehe)

one: congratz at pasado ka, at malapit ka nang maggraduate! :)

two: wala lang... trips ko lang na may number two... hahahahaha ;)

good luck sa board at sa lakad! :)

dude, balitaan mo kami ha! ;)

qroon said...

Hello Binibining Sayote! he he he.

Jot-jot said...

badtrip tlaga yang leakage na yan even though inde pa ako apektado maxado..kawawa lang mga kakilala ko na nagtake and pumasa...anyway..kami din,kkatapos lang ng compre exam, and ang nakuha ko ay tumataginting na 80%..hahaha..buti umabot sa 80...but just pray para wala ng gulo pag take mo.

pao said...

congrats in advance and happy birthday na rin! :)

lojika said...

super late na ng isang buwan ang koment kong ito. pero huli man daw at magaling. huli pa rin! hak hak! belated hapi bertdey na lang!

naging busy rin kase sa school. congrats sa paggraduate mo. at gudluck naman sa pagtetake mo ng board exams.

gudluck na rin sa pagpapapayat. ahahah!

be waiting for your come back!

Nostalgia Manila said...

Great blog you've got here!

Would love to do a link exchange. :)

http://nostalgiamanila.blogspot.com

Keep up the good work!

Sincerely,
--NM

malaya said...

sorry masyado na-excite.
ako nga pala si anonymous. ciao!

Citizen of the World said...

Salamat po sa pagbisita sa blog ko! Will link you up po pag tapos na akong ayusin yung html problems ko, hehe!

Dylan Gozum
Guts. Grit. Gumptiion.
www.superpasyal.blogspot.com

OrangeinaPod said...

hi sayote queen... may favor ako... please remove my blog link and description from your blog site... i already deleted my blog site... i'll email you the reason... and i'll be opening up a new blog site... i hope you could do this ASAP. thank you po! Mabuhay Ka!!! :-)

Paolo said...

ok lng yan, ako ng ainabot ng 3 months bago nagupdate ng post.lol. =)