Wednesday, September 06, 2006

The -Er Months

SeptembER na, mamaya niyan, OctobER na...

Basta may -er na ang mga buwan sa kasalukyan, malamang, nagsisimula nang nagco-conceptualize and mga mall, department store, banks, o kahit anong commercial entity kung pano makakahikayat ng mga customer.

Nung isang araw, sinamahan ako ni She sa SM para ipa-develop ang ginawa kong coverpage ng scrapbook namin. Hulaan niyo kung ano ang naririnig naming mga kanta sa SM.

Let it snow, let it snow, let it snow...

It's starting to look a lot like christmas...

Que barbaridad! Malapit na nga ang pasko.

{SQ: Pasko na naman, o kay tulin ng araw...}

Basta pagdating ng mga buwan na ito, magsisimula na magtinda ng mga dekorasyon sa bahay, mga gift wrapper, mga CD na may Christmas songs. May mga early Christmas sales na rin.

Heto na rin ang buwan kung san winiwish ko na i-magic ako ni David Blane sa Babuyan Group of Islands. Hindi dahil ang pangalan ng place eh related sa akin, kundi, para makatago sa mga inaanak ko.

Pag pasko kasi, parang endless line ang pila ng mga bata sa bahay namin. Kulang na lang eh magkaroon ako ng precautions para maiwasan ang stampede.

Of course, nag-eexaggerate ako, pero pag pasko kasi, tila lahat ng pera ko naglalaho parang bula sa harap ko. Imbes na bilhan ko sarili ko ng kahit bagong panty man lang, napupunta ito sa mga inaanak ko.

Palibhasa, game na game ako pag sinasabing gusto akong kuning Ninang ng mga friendship ko. Pati mga pinsan ko, sumasabay sa bandwagon eh.

Kaya game na game rin ako sa pagtulak sa population control hehehe.

Kinukuha siguro akong Ninang dahil malapit sa akin ang mga bata. Nakaka-relate siguro sila sa isang tulad kong mukhang stuff toy na porky pig. Pero okey lang naman yun. Gustong gusto ko rin ang mga bata. Lalo na yung mga hindi pasaway.

Pag sa mga ninong o ninang ko naman, tila wala ng pake sa pagbibigay ng sustento (regalo, cash, cheque, gift certificate) sa akin tuwing pasko. Isusumbong ko sila kay Santa Clause. Sabi nila masyado na daw akong matanda para daw humingi ng sustento sa pasko. Nawala na ang christmas (commercial) spirit, ika nga. Hanep sa mga invisible moves and mga ninong at ninang ko eh. Yung iba ang dinadahilan pumunta nag-tour sa Canada, nag tour sa Ilocos, nag tour sa ewan ko. Sana mapunta din sila sa Babuyan Group of Islands, para mag-aaybol kami dun at wala na silang pwdeng idahilan pa.

Gusto yata nila mag-carol pa ako sa harap ng bahay nila para lang mabigyan ng paskong sustento.

Kung ako tatanungin, siguro hindi ko naman tataguan ang mga inaanak ko. Siguro, bibigyan ko na lang sila ng tig-iisang candy o kiss.

Ngayong, September at November, magiging Ninang na naman ako. So plus two yun sa gastusin. Dapat ngayon palang, hinahanda ako na ang budget ko. Dapat din may cost containment ito.

Ang problema naman kasi sa akin, hindi ako kuripot kung minsan. Lalo na pag para sa bata. Go na go akong mag-shopping.

Pag bata lang noh.

Kaya mga kapwa ka blogger, ngayon pa lang, Merry Christmas na hehehe :)

9 comments:

watson said...

noong nasa Pasay ako, pag ber months ay nakapatay lahat ng ilaw sa salas, pati na sa Christmas tree. Ang kukulit kasi ng mga bata. Sila-sila ang pabalik-balik. Tapos iisa ang tono ng kanta! Gone are the days na kahit mga bata lang ay talagang rehearsed ang mga kanta at iniiba-iba ang songlist bawa't bahay.

Ako man, ginagawang ninong kasi feeling yata nila can afford ako hehehe! Yung iba nga, hindi ko na napuntahan ang binyag. So di ko sure kung sinu-sino talaga mga inaanak ko. Malalaman ko na lang ninong ako nito at noon. Ahehehe. Mapatay nga muna ilaw at magtago

vanny said...

meri xmas! hehehe =)

Jigs said...

I love BER months! Specially OCTOBER!!! December comes in a very close second, just because nandun ang christmas! LOL!

Ninong na ko. I have two godchildren. Ako na ngayon ang nagbibigay ng aguinaldo! Waaaaaah!! :P

dennis said...

helo there sayote queen...unique ang nae mo ha heheehehe...salamat sa pagdrop by sa blog ko at pagdrop ng comment...ililink kita..link mo din me ok? God bless..

bongga na ang blogspot..may categories na..NIce!

tutubing_karayom said...

Happy Pasko! yuhuuuuuuuuuu

tin-tin said...

kala ko kaya ka kinukuhang ninang kse parehas kayong isip bata. joke lang! :)

uy ang galing! parehas tyo ng post :)

Gener said...

Ate ako sana mag aaply na pamangkin.... whaihihi pero wag nalang ...pambili mo nalang ng panty ang iregalo mo sakin... ahhihi

Rob a.k.a Bim said...

so i guess, pwede na akong bumati ng maligayang pasko! yehey! hehe.

tutubing_karayom said...

yay seperate page pala ung reply mo sa mga comments? hehehe! kakapanibago nman!