Sunday, September 10, 2006

Manliligaw 101 Part 1



Kahit na ganito lang naman ang pagmumukha ng lola niyo, may mga nanligaw naman na sa akin. Siguro may X-factor (which is, not being beautiful according to world standards) ako. Pero syempre, hindi naman talaga basehan ang itsura pag nasa isang seryosong, real love, ultimate love, unconditional love- kind of relationship na tayo. Sabi ko nga sa isang post ko, hindi importante ang itsura sa akin. Kahit na siguro pinakapanget na siya sa mundo, mamahalin ko pa rin siya. Totoo!

Pero actually hindi yun ang punto ko ngayon.

Nung galing ako sa Baguio, tinanong ko kung may nanliligaw na sa bunso namin. Sabi ko, ipakita niya at tatadtarin ko ng bala. Siyempre, dyok dyok lang yun. At wala akong balak gawin yun. Siyempre, bilang isang good (and devilish) sister, pinagsabihan ko ang kapatid ko tungkol sa mga lalake at kung sakali mang may manliligaw. Kanya-kanyang istayl naman sa mga lalake di ba, sariling diskarte...

Nung dalaga kasi ako... Teka, dalaga pa naman ako ah! May variety rin ang mga nanligaw sa akin. [Teka, MGA? - May MGA nanligaw sayo SQ??!??!?!]

Heto na ang part 1 ng MANLILIGAW 101:



May mga lalakeng humihingi muna ng pahintulot bago ka ligawan. Eto na siguro ang pinaka- ayaw ko sa mga lalake! Kung gusto mong manligaw, eh di manligaw ka! Di ba girls? Hindi naman kaming mga girls ang lalapit sayo noh! At isa pa, kelangan ba ng waiver para manligaw?

[Insert Date]

Dear Ma'am (babae),

In lieu of this year's theme of "Me no GF but want to have one now", I am asking your permission to court you. The said theme for this year comes after realization of my individual need for love and affection. And I therefore conclude.... blah blah blah... Hoping for your kind consideration... Blah blah blah

Please check on the appropriate box.

__Yes, I'll allow you to court me
___NO, I refuse because, ______________ (please insert reason)

Respectfully yours,
[insert name of manliligaw]

Que barbaridad! Waiver na kung waiver!

Sa opinyon ko, since ikaw yung lalake, go ka na lang. Huwag ka ng humingi ng permiso mula sa babae. Hindi mo na kelangan ng waiver gaya ng nasa itaas. Kasi, sa mundo natin ngayon, kung saan laganap at (kung minsan) hindi maiiwasang double standards, mga lalake talaga ang may karapatang manligaw. Kahit na siguro may mga ibang babae na rin ang tumahak sa landas ng panliligaw sa opposite sex, may mas karapatan ang lalakeng mag-initiate ng panliligaw. Anyway, opinyon ko lang yun.

Meron namang manliligaw na walking-bangko. Hindi ako impressed sa mga ganito kung minsan. Dahil kung minsan, ang ERE. As in typhoon signal number 3 or 4. Meron din naman mga humble at mabait, pero karamihan eh, puro ere lang talaga. Pero ok lang kung may ganitong manliligaw sayo di ba. Libre ang breakfast, lunch, dinner, midnight snack, snacks, isaw, barbecue, balot, tok neneng, betamax, adidas, reebok, and1, nike (ngek).

Mga kadete. Maniwala man kayo o hindi, may nagkamaling kadeteng niligawan ako. Una, okey siya. Pero sa huli, MANLOLOKO PALA - TWO TIMER!!! Tinawagan ako ng GF niya sa PROBINSIYA. Siyempre, hindi ko alam na may GF na pala ang kadeteng yon. Kaya gulat ako nung tumawag ang babae sa akin ng 12am (Naalala ko yun VIVIDLY kasi 3210 yung CP ko nun, tapos ang ringing tone ko nun eh yung The Adams Family -Teret-teret, Teret-Teret....) Heto ang naging conversation namin:

GF ng kadete : Yes, is this [real name ko]?

SQ : (Inaantok) Uhm... opo, sino po to?

GF ng kadete: Do yah know Pangga?

SQ : (Inaantok pa rin) Uhm... opo, sino po to? Pwedeng bukas na lang kayo tumawag kasi pagod na pagod na po ako?

GF ng kadete: How rude! Can you please stop seducing my boyfriend coz he's mine. You're ugly! I saw your picture in his wallet. Do you know who I look like? I look like Kristine Hermosa ok so deal with it!!!!!

(Totoo yan - inglisera ang kausap ko. At isa pa, kamukha ni Kristine Hermosa. kinwento ko na ito sa mga kaibigan ko. At naalala ko pa yung araw na yun, February 12. 2 days before valentines. Valentines ko sana sasagutin ang kadeteng nanligaw sa akin ng dalawang taon. Pero biglang na-heart broken ang sayote)

SQ: Ganun ho ba?

GF ng kadete: And do you know my Dad is a general?

SQ: (tahimik)

GF ng kadete: So, you better stay away from him! Or else I'll let my father shoot you!!!!

SQ: (tahimik at napapaluha)

Nung mga oras na yun, talagang tahimik lang ako. Tumutulo ang luha ng sayote. Para akong nabunot sa sanga ng sayote plant kahit na musmos pa lang at hindi pa ako ripe (naku drama etich). Hindi naman kasi ako yung mga tipong lumalaban eh. Sa totoo lang, madalang ako magalit. At sa sitwasyon na yun, hindi ko kayang pumatol sa mga ganung komprontasyon.

Pero kung siguro pala-away ako nun, ito lang masasabi ko sa kanya:
So what if kamukha mo si K. Hermosa! Kamukha ko NANAY AT TATAY ko nuh! At isa pa, hindi ko sine-seduce ang BF mo nuh! Siya ang nagpakilala at nanligaw sa akin ng 2 years kaya DEAL WITH IT din!

Kaya heto lang ang advise ko sa mga nililigawan, dapat, dapat, dapat, kilalanin muna ang manliligaw (SQ - sinapak ang sarili. Sira! Dapat ikaw din noh kinikilala mo muna!). Itutuloy ko ang kwento namin ni PANGGA sa susunod na mga entry ko sa blog na ito.

May mga manliligaw namang masyadong relihiyoso. Wala namang problema pag ganon di ba. Pero may naging manliligaw ako na, wala nang ibang sinasabi pag tinatawagan ako kundi,

"Always pray to God ha! Did you bring your rosary with you? Say the rosary later ha and make sure Santo Nino is with you beside your bed."

Everyday yun, every tawag.

Pero alam niyo, lagi siyang tumitingin sa boobs ng babae. Totoo nuh.

--end PART 1--

36 comments:

yna said...

hay! nakakatawa, pramis!

yup, nakakaasar nga yung mga nagtatanong muna bago manligaw..kasi naman, noh!buko na nila kaagad kung me pag-asa sila..natural kung umooo ka, edi meron. mga playing safe yung mga ganyan,eh.

yung naman mga hinayupak na twotimer, dapat eh binibitin patiwarik yan sa loob ng 24 oras..magaan pa yan kasi nanliligaw pa lang naman sila,eh.

at yung kamukha ni k.hermosa, insecure yon.aba!at sino namang gaga ang ipapangalandakang kamukha niya si hermosa kung talaga namang maganda siya?? at kung talagang maganda siya, liligawan ka ba ni pangga?? e, kung di ba naman napakalaki ng insecurity ni hermosa look-alike!

potpot said...

wah! napadaan.. astig ang post m.. hehehe.. :) hindi batayn ang beauty sa true love!! aMEN!

Gener said...

Hello sayote queen, pwede po ba manligaw??? Kayang kaya ko palitan si sayote king, ako nalang


-Nagmamahal
Heneroso

angel said...

hahaha.. nice post! oo nga nakakaasar talaga yung mga nagpapaalam pa! di na lang manligaw kung gusto manligaw..hehe.. about sa gf nung kadete.. naman! kung maganda xa bakit nagagaganon xa..and sa pangatlo..okei na sana eh.. pero sablay pa rin..haha..

kneeko said...

tinakot ka lang ng kamukha raw ni kristine hermosa? ang alin? ang buhok hehehe saan? ah ewan... kung maganda siya di na siya maghahabol sa kadete... maraming manliligaw sa kanya ano wheeew....

wala na bang paalam hehehe... pano ba manligaw ng di naliligaw hehehe

Anonymous said...

hakhak! ayus, ang bait na ate.
basta ako naniniwala ako sa sinabi ni Little Price "It is with the heart that one can see rightly, wshat is essential is invisible to the eyes"...
Hehehe! Beauty is just skin deep!

-bleue
http://bleue.i.ph

kamille said...

over namang relihiyoso nung huli, parang sumobra na ata..hehe.


oo ang pangit ngang tingnan o pakinggan ung nagtatanong kung pede ba manligaw. haha. la lang.

tutubing_karayom said...

salamat sis sa greetings! muahhhhh!

pao said...

hay! naranasan ko yung mga na-mention mo sa 101 mo SQ. pati yung pinakahuli. as in sobrang religious din... kuno! mantakin mo ba namang sabihan ako ng 'i want you to learn to regularly pray the rosary starting now.'

hoy! utusan daw ba ako?! nek-nek nya! ayun, laking pasasalamat ko na di kami ang nagkatuluyan. :lol:

melai said...

waheheheh naaliw ako sa huli pero alam mo ba na maraming ganyan?

watson said...

SQ ... kung pumasa na ang boypren, paano mo malalaman kung pwede na kayo mag-un? ehehehe

queen paranoia said...

waaa...!

dapat nga sinabi mu sa knia un..!

bka aman mea muka plang paa un hinayupak nuh un..

jeje..=]

dianne said...

wow. grabe. sobrang ganda ng post. sobrang hindi talaga dapat batayan ang beauty sa true love. :D

rHo said...

hahahaha... natawa naman ako don! sobrang totoo talaga! pero alam mo ba na mayroong manliligaw na sobrang demanding ha, gusto e sasagutin mo na agad! ano sila sinuswerte! mga baliw!

tama ka... kilalanin muna kung sino ang mga nanliligaw! hehehe!

din-din said...

ahahaha! nakakatawa (este nakakatuwa) ang post mo.. pero sobrang totoo din.. hehehe..

ngek! ikaw ba naman ang tawagan? bat kaya hindi yung boyfriend nya ang kausapin nya.. at excuse me.. boyfriend nya kaya ang may picture mo sa wallet nya.. hah! deal with that k. hermosa look-alike! =P

minsan pinatanong sa'kin nung barakda ko dun sa isa kong friend kung pede sya manligaw.. sabi ko sa kanya bat naman itatanong mo pa? eh karapatan mo kaya yun.. kahit ayaw pa nya!

sagot ba naman sakin,
"meron kasing mga babaeng, gaya mo (taas naman kilay ko! haha!) na 3 buwan ng nililigawan eh wala pang ka-alam-alam na nililigawan na sya.. isa yun sa mga paraan para ipa-alam sa mga manhid na nanliligaw na kami at isa din yun sa mga paraan para malaman mo kung may pag-asa kang sagutin o kung nag-sasayang ka lang ng oras mo! kaya ikaw ingat ka sa mga nag-papa-alam.. baka nag-sisigurado lang yun at ayaw masayang ang oras nya.. dapat ipakilala mo muna samin.. atleast, kami alam namin mga diskarte nya."

aaaahhh... the perks of having boy close friends.. hahaha!

RV said...

hehehe, andaming manliligaw
pa-ambon naman ng chocolates o!
hehe

missP said...

naaliw ako sa last type ng manliligaw mo...pareho lang sa mga tipo na nagpapanggap na laking seminaryo sila. as if naman dagdag pogi points sa kanila yun pag sinabing they studied to become a priest ;)

missP said...

second try ko na ito. di yata kasi pumasok yung first comment ko:

aliw ako sa last type mo ng manliligaw... tulad din sila ng mga lalaking nagsasabing "laking seminaryo" sila. as if naman dagdag pogi points agad sa kanila yun if they claim that "they studied to become a priest". ;)

myepinoy said...

Sa unang sulat, baka naman iba ibig sabihin nya sa "to court you".

Doon sa santo santito pero lagi tumitingin sa boobs nang mga babae, baka kasi doon nakasabit yong rosary at sto nino. ha ha ha.

Okay ang blog mo.

Donya Quixote said...

linigawan ka ng kadete?

ako, 15 years na ako nakabase sa pma, at hindi pa ako niligawan. [no, i'm NOT complaining]... sige, try nila, patay sila sa tatay ko. bwahahahaha

Jinjiruks said...

nahanap nyo na po ba ang prince sayote charming nyo?

idealpinkrose said...

hi! dumalaw po! di ko kasi mabuksan dati ang site nyo...kalahati lang ang nakikita ko sa post nyo dati, di ko lam kung bakit...

anyway, nag enjoy ulit ako sa post mo...buti di mo inaway ang babaeng yon...tinakot ka pa! hehehe...ang sarap naman niyang sabunutan sa baba...hehe...

jamie said...

wow... dameng experience... daming manli. daming na-akit ang sayote!!! hmmm... ambunan mo naman ako ng mga masugid at mapagbigay mong manli! haha

chino-zizou said...

wahaha..i love ur post!!.. daan din po kau sa blog ko!! http://talktomyawards.blogspot.com tapos kung maaari po ay i-link nyo narin po ako para masaya diba.. bwehehehe.. :) salamat ng gabilyon!

ralphT said...

hahahahaha. nice one keyboardthoughts! lolz

one, stupid tlg yun mga ganun. yun mga 'pwede-bang-manligaw-type'. hehe. well yes, given fact that there are girls na ayaw magpaligaw.... but then, a guy would know naman kung 'ok' or nde. hehe. at depende na rin yun sa ipinararating ng babae towards the dude. true?

two, i think 'sugar-daddy' tawag sa mga ganyan. hehe

three, *hug* -- that's for you. kawawa ka naman.... aaaawww....

four, freaky yun ganyan my dear! hahahaha. banal na mahilig sa boobs! lol ;)

crost said...

Di pa ako nanliligaw at marunong manligaw. Thanks sa mga tips, kasi naisip ko nga rin yung waiver. Di ko na gagawin yun.

Tama ka nga, di mahalaga ang panlabas na beauty, gaya mo, na mabait, matalino at... teka nasabi ko na bang mabait?

peach said...

Nakakatuwa at nakaaliw naman ang blog mo. Found your link through butchok, parang sarap makarelate sa mga post mo eh. Anywei I will linking you up huh. Nice, cool blog

pare mo said...

kaweird naman ng nagpapaalam pa. sira pala yung kamukha-ni-kristine-hermosa DAW na yun e. Sira lang ego niya kasi natalo mo ang beauty nya ^__^

GaRnEt GirL said...

hahaha kumusta naman yon?! kamukha daw niya si kristine hermosa? bakit naman daw kailangan pang sabihin kung sinong kamukha niya, wala ba siyang sariling mukha? insecurity nga naman. :D

malaine said...

hahaha! pero yan ang super kilig moment pag tungkol na sa lab lab na yan ang ligawan portion , kasi puro pa cute lang at hindi totoong pagkatao pinapakita halos ng manliligaw kung pede nga lang pitasin ny ang mga buwan at butuin para iaalay sau gagawin nya eh hahaha! pero sarap ng mga libre!

maureen said...

hehe pero naiilang ako sa mga di muna nagtatanong pag manliligaw yung malalaman mo na lang na nanliligaw na pala siya? pero yun yung mga guy friends mo kasi minsan kakailang pag ganon, friends kayo tas nanliligaw na pala siya, parang ang weird. eheheh !

Anonymous said...

ang masasabi ko lang
"beauty is just skin deep"

wahehehe! anu ba yun?

bleue
-http://bleue.i.ph

psyche said...

hellloooo?? kumakalat kaya mga ganyan ngayon. buti nalang ang galing kong pumili. hahaha.pero syempre kakalungkot din kasi wala na sya eh/ literal na syang wala. haaayy. kakamiss. pero ang saya ng post mo.
mga pasaway na two timer yan. ang lalanding lalaki.

honga pala, salamat sa pag daan dun sa bahay ko. =)

ralphT said...

kamusta ka naman? ang tagal mo nang wala.... hehe

Anonymous said...

ANO?! Feeling nostalgic?
ANO PANG HINIHINTAY MO?

http://nostalgiamanila.blogspot.com/

SHARE THIS COOL NEW SPOT WITH ALL YOUR FRIENDS!

Maraming salamat!

eloiski said...

natawa nmn ako d2!
wahihihi!